RW vs. RPW

19 4 0
                                    

RW vs. RPW
By:Khyarinna

"Wala kang kwenta"
"Walang nagmamahal sayo"
"Panget ka"
"Bobo ka"
"Lakas naman ng loob mong magsulat ng mga story, tanga ka naman tapos bobo ka pa"

Mga paulit-ulit na salita ang naririnig ko araw-araw, kaya lagi akong naka-earphone to lessen the pain and i'm always reading some books para may matutunan and may ma-discover ako na 'di ko pa nalalaman dahil lagi nilang sinasabibg bobo ako.

"Hoy panget, magbabasa ka nanaman habang naka-earphone?buti naiintindihan mo yung binabasa mo?"Tanong ni Lyka nung mapadaan sya sa sala pero nginitian ko nalang sya to hide my pain pero inirapan nya lang ako at dali-daling umakyat sa taas

I have 1 brother and 1 sister but i can't felt that i belong to this family 'cause every time na may lakad kami, 'di nila ako sinasama dahil wala daw magbabantay sa bahay kaya iniiwan nila ako

Minsan nga kapag Birthday nila kuya at ate, Bongga lagi yung party, pero ako? ni Cupcake or cheesecake wala.Pero nasanay nalang akong ganon lagi.

Napatingin ako sa phone kong nakapatong sa table dito sa sala and it's 11:55 pm na before 12 and konting minuto nalang magbabago nanaman ang edad ko, So i decide na wag na akong mag-imagine kasi kahit na pagbali-baliktarin pa yung mundo, wala talagang makaka-alala sa birthday ko.Mismong Family ko nga, 'di naaalala yung birthday tapos yung iba pa kaya?

Napa-iling nalang ako at kinuha yung phone ko dahil naisipan kong gumawa ng dummy account or let say Rp account pala kung tawagin nila, Nag fill-up na ako ng mga questions dun until Mag verify yung code kaya nag-add na ako even if i don't know who they are.Basta nag click lang ako ng nag-click nang kung anu-anong pangalan.

I received some notifications na in-accept daw ako when someone pop-up a message kaya napangiti ako.

"Hi"Sabi nung kien, she's a girl

"Hello?"Patanong na sagot ko, dahil nanibago ako, for the first time may kumausap sakin

"Bago ka?"Tanong nya

"Yah"Sagot ko naman

"Ok.Writer or reader ka?"Tanong nya ulit

"Reader ako pero gusto kong maging Writer"Sagot ko

"Gusto mo sumali sa Gc namin?"

"Anong Gc?"

"Writers"
"Btw happy birthday pala"Bati nya

"Thank you"Sagot ko at naramdaman kong nabasa yung cheeks ko dahil may tumulo na palang luha

"Welcome, Ano handa?Haha Jk"Sabi ni kien

"Wala namang nakaka-alala sa birthday ko, kaya lagi akong walang handa"Sagot ko

"Really?May i know what's the reason?"

"kahit ako 'di ko alam kung anong reason nila"

"Aw.Taga saan ka ba?Ako nalang maghahanda sayo"Sabi nya kaya natawa ako

"Taga Malabon"

"Taga malabon din ako,Meet tayo?"Pag-aaya nya

"Wag na, Thank you nalang"Sagot ko kahit na gusto kong ma-feel kung ano pakiramdam ng hinahandaan

"Sige na, don't worry treat ko"
"Ano ba bet mong puntahan?Jollibee,mc do,inasal,Greenwhich etc.?"Nagulat ako sa tanong nya dahil mukang bigatin si Ate

"Wag na, Nakakahiya naman"Pagtatanggi ko
"Ako may birthday pero ikaw yung mangti-treat"

"Ok lang 'yon, So ano G?"Tanong nya na para bang yung sang-ayon ko nalang yung hinihintay nya

Achieving my DreamWhere stories live. Discover now