Wixz's Pov
The year of 2015...
"Ano sa tingin n'yo ang magiging o mangyayari sa bansa at maging sa buong mundo kapag naka-lipas ang 25 years?" Tanong ni Maam saamin
Nandito ako ngayon sa unahang row ng mga upuan ngunit nandito ako sa tabi ng bintana at lumalasap ng nasarap na hamgin na tumatama sa katawan ko habang tahimik na nakikinig kay maam.
"Maunlad na po ang buong bansa."
"Mayaman na po ako."
"Lugmok parin po sa kahirapan ang bansang Pilipinas."
"Sobrang dami na po ng populasyon sa bansa natin."
"Mapag-iiwanan na ang bansa natin dahil walang pagkaka-isa."
Kan'ya-kan'yang sagot nila samantalang ako, tahimik na nakikinig sa kanila. A.P namin ngayon kaya nag-tanong si maam ng tungkol doon dahil ang topic namin ngayon ay ang mga bansang maunlad sa nakaraang panahon. Hindi ko na nasimulan 'yong unang topic kaya wala akong masyadong idea kung nasaang bahagi na kami ng talakayan.
Nagpatuloy lang si maam sa pag-discuss at kung minsan ay sinasabi n'ya 'yong idea o saloobin n'ya. Mahabang talakayan ang nangyari at karamihan sa mga classmate ko ay ayaw magpatalo sa mga idea nila. Lahat naman ay acceptable at valid reason dahil wala naman kasing ni-isa sa amin ay alam kung ano ang mangyayari in the near future or let's say for the years of 2040. Tumingn nalang ako sa labas at dinama ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko.
Nagising ako sa lakas ng ingay na hindi ko alam kung saan nanggagaling at talaga namang napaka-sakit sa tenga nito. Parang anytime ay makakalas 'yong tenga ko at kung ikaw ang makaka-rinig nito ay baka mas piliin mo nalang na mawalan ka ng pandinig. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at hinayaan na masanay ang aking mata sa liwanag para makita kung ano sino 'yong nasa harap ko.
Hindi ko alam kung ano 'yong magiging reaksyon ko sa nasaksihan ko. Isang laruan o isang robot nga ang nasa harapan ko at tinatalakan ako sa mabagal at matigas na pag-sasalita. Agad na kumunot ang aking noo at ipinalibot ang aking mata para alamin kung nasaan at bakit ako narito.
'Nasa kwarto ko lang pala' Mahinang bulong ko sa sarili ko. Inalala ko ang huling nangyari bago muling mag-proseso sa utak ko ang nangyari. Natatandaan kong nasa room ako noon at tinatalakay ang mga nangyari sa unang pahanon at nag-tanong si maam kung ano ang mangyayari kapag naka-lipas ang 25 years or in the year of 2040.
"Tu.ma.yo. ka.na. ka.ni.na. pa. ki.ta. gi.ni.gi.sing. la.gi. kang gan'.yan. Pa.u.lit.- u.lit. na.lang." Sabi ng nasa harap ko-- sabihin na nating isang robot nga.
Dahan-dahan akong tumayo at muntik ng matumba dahil sa kagutuman na nararamdaman ko. Para akong lantang gulay na hawak ng isang robot at inaalalayan. Sinubukan kong tanungin s'ya kung anong ginagawa n'ya sa k'warto ko at nasaan sila mama para tanungin kung bakit may isang robot sa k'warto ko na kung dati naman ay nasa isang pabas ko lang 'yon nakikita.
"Wa.la. na. ang. ma.gu.lang. mo." Sagot n'ya
"Bakit ba ang sakit sa tenga kapag nag-sasalita ka?" Tanong ko. Imbis na maka-kuha ako ng matinong sagot ay bigla n'ya akong binitawan dahilan ng pagkaka-tumba ko sa lapag.
'Ang attitude amf.'
Dahan-dahan akong tumayo at inalalayan ko ang sarili ko ng bigla akong tinulungan ng isang robot.
"Salamat" Maikling sabi ko
"Hu.wag. kang. Mag. pa.sa.la.mat da.hil. hin.di ko ta.la.ga. gus.tong. tu.lu.ngan. ka. da.hil. na.pa.ka.ti.gas. ng u.lo. mo." Mataray na sabi n'ya at iniwan ako sa harap ng lamesa at umalis.
Kung dati ay kapag nagigising ako ay naka-handa na ang lahat ng kakainin ko ngunit samantalang ngayin ay ni-isa ay wala akong na-abutan. Nabaling ang aking atsensyon sa palalapit na robot at may hawak na kung ano na hindi ko malaman kung ano 'yon.
"Ka.i.nin. mo. na. 'yan." Masungit na sabi n'ya at may inilapag sa harap ko kung ano. Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan 'yon. Basta napaka-gara ng itsura. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ay malamang baka tiisin mo nalang 'yong gutom mo.
"Ano 'yan?" Tanong ko sa ipina-pakain n'ya sa 'kin na bago lang sa paningin ko.
"Ka.i.nin. mo. na.lang. at. I.yon. ang. bi.lin. sa.kin. ng. ma.gu.lang mo." Sagot n'ya at tumayo sa gilid ko
"Nagugutom na talaga ako." Sabi ko at sinimulan ng kainin 'yong hinanda n'ya sa 'kin. Nag-dadalawang isip pa ako kung dapat ko bang kainin o hindi, pero sa huli ay sinubukan ko nang kainin.
Napaka-gara ng lasa ng pagkain at parang mas lalong nagugustuhan ng sikmura ko itong pagkaim na naka-handa sa 'kin. Para akong binabaliw sa sarap at kakaibang lasa nito. Tahimik akong kumain ng mag-salita 'yong rebot sa tabi ko sa hindi malaman na pagkain o kung pagkain pa nga ba na matatawag ito dahil parang hindi naman nauubos.
"Bi.lin ng. i.yong. ma.gu.lang. na. la.gi. ki.tang. gi.si.ngin. at. a.la.ga.an." Sabi n'ya at bahagyang yumuko at tumingin sa 'kin.
"Nasaan na sila?" Tanong ko
"Ma.ta.gal. ka. nang. hi.ni.hin.tay. ng. ma.ma. mo. na. ma.gi.sing. sa. sob.rang. ta.gal. mong. ma.gi.sing., na.ma.tay. na. ang. mga. ma.gu.lang. mo. kung. hin.di. ka. sa.na. na.tu.log. sa. na.pa.ka. ta.gal na pa.na.hon., e.di. sa.na. na.a.bu.tan. mo. pa. si.la." Masungit at sarkastikong sabi n'ya. Dahil sa narinig ko sa kan'ya ay hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaks'yon ko.
"Anong taon na ngagyon?" Tanong ko at pinalibot ang paningin ko habang hinahanap kung saan naka-lagay 'yong kalendaryo
"20.40 na nga.yon. at sam.pung. ta.on. na. ki.ta gi.ni.gi.sing. si.mu.la. ng. i.u.tos. ka. ng. I.yong. ma.gu.lang. sa.kin. li.mang. ta.on. na.man. ang. Lu.mi.pas. mag.mu.la. no.ong. ma.ma.tay. ang. ma.gu.lang. mo." Paliwanag n'ya.
Napa-isip ako sa isnabi n'ya at dahan-dahang pinroseso ng utak ko ang bawat detalyeng narinig ko. Kung gano'n ay sampung taon ko na s'yang kasama at paulit-ulit akong ginising. Kung gano'n ay limang taon na palang patay ang magulang konat sa lag-kakatanda ko ay 2015 no'ng huli kong masilayaan ang mundo. Ngayon ay 2040 na daw at 25 years akong tulog at walang malay dahil sa sakit kong Narcolepsy.
Kasabay ng pag-tulog ko ng matagal at napaka-himbing ay ang s'ya namang pag-bago ng mundo ng hindi ko namamalayan at nasasaksihan dahil sa sakit ko. Masakit man isipin na sa 'kin nangyari 'to ay tinanggap ko nalang dahil wala naman akong magagawa.
Ngayon ay ito na ang sagot sa katanungan ni maam sa mahigit 25 years. Pagbabago na hindi ito ang inaasahan ko.
Ako si Wixz Shynn A. Deiz, isang babae. Nanghihinayang at nagsisi man sa nangyari, ngunit ito ay isa namang kahanga-hangang pangyayari. 15 taong gulang ng mawalan ng malay at 25 years na walang malay kaya hindi ko nasaksihan ang pagbabago ng panahon. Nanghihinayang man sa nangyari pero wala na akong magagawa kung 'di ay tanggapin at harapin ang katotohanan. Nagbago man ang aking edad pero hindi ang aking mukha.
YOU ARE READING
Achieving my Dream
RomanceThis stories is my works in our gc/gp and i hope you'll like it.