Kabanata 6

263 21 1
                                    

--💗💗💗💗____💗💗💗---💗💗💗💗

Nasa Gym na ang magkaibigan at nakaupo sa bleachers. Nag-uumpisa na ang basketball game. Kanina pa humahaba ang leeg ni Tori  sa kapanood sa mga players sa court.

"Wala naman akong makitang bagong mukha at cute, anitong umingos nang hindi makita ang pakay.
"Baka hindi pa nakasalang sa court, Tori Baka paglalaruin lang sya ng couch pag malapit na matapos ang game." Iiling na saway nya.

"Kilala mo ba si Stefano Mori Jimenez?" Baling ni Tori sa katabi.

"Syempre naman," kinikilg pa na sagot ng dalagitang pinag tanungan nito. "Kaklase namin sya. Bukod pa doon ay sobrang gwapo at napakagaling maglaro ng basketball.

Tumikwas ang kilay ni Tori sa narinig.

Sa ngayon ay lamang ang third year ng anim na puntos. Tinignan lang niya kung maipapanalo nga ng Stefano na iyon ang team nito. Si Tori namn ay nadagdagan ang curiosity sa lalaki.

"Sabi ko sa iyo guwapo daw eh". Baling nito sa kanya na tahimik  at hindi man lng nag pakita ng reaksyon.

Ang anim na na points na lamang ng third year laban sa fourth year ay naging sampu. Subalit hindi parin pumapasok sa loob ng court ang manlalarong inaabangan ng kaibigan.    Natapos na ang first half ng game na lubhang ikinayamot ni Tori ta ng ibang kababaihan dahil hindi pa rin naglalaro ang star player ng fourth year.

Wala talagang hilig manood ng basketball si Camille kaya sa halip ay mag-enjoy ay nakaramdam sya ng antok. Ipinikit  niya ang mga mata nang hindi na iyon malabanan. Nang ianunsyo ang start ng second half ng laro ay hindi na niya pinag-abalahang imulat ang mga mata. Narinig niyang tinawag ang pangalan ni
Stefano Jimenez upang sumali sa laro ngunit nanatili siyang nakapikit. Nag hiyawan ang mga studyanteng babae kabilang na ang kaibigang si Tori ng lumabas ang Star Player na si Stefano.

"Annnggg cuute niyaaaaa!" Iloveyou na Stefano.... Malakas na sigaw ni Tori. Camille ..Camille ang gwapo gwapo nya!

Halos ay matulig sya sa lakas ng tili nito. She groaned aloud. She covered her ears with the fingers. Hinintay niyang manahimik ang mga estudyanteng babae sa pagtili, ngunit naiinis sya ay hindi parin tumitigil ang mga ito. She opened her eyes para punahin ang kaibigan.

"Look Camille. Look at that guy in a white uniform. White yung color ng team natin,"Jimenez ang nakasulat sa likuran ng Jersey nya. Ayun siya ohh.. ayon! Yung gwapo! ..,pArang kinikiliting saad ni Tori

Hindi na kailangang ituro ni Tori ang sinasabi nito. Dahil madali niyang nakita ang lalaki. Isa ito sa mga matangkad na manlalaro at nangingibaw ang ka gwapohan nito.
Tama ang kaibigan. Cute at ang Gwapo ng Star player ng team nila. PAkiramdam nya ay may dumaklot sa kanyang dibdib that made her heart stopped for seconds.  At ang antok niya kanina ay biglang nawala.

Maya maya pa ay isa na siya sa
mga estudyanteng nag chi-cheer kapag nakaka-shoot ng bola si Stefano. Aat na shots na na sunod sunod ang nagawa nito. Ngayon ay pantay na ang score ng third year at fourth year teams at malapit na ring matapos ang laro.

Hindi na nya namalayan ang sarili. Napalundag pa siya sa tuwa nang mai-shoot ng binatilyo ang bola bago tumunog ang buzzer bilang hudyat na tapos na ang championship game. Nanalo ang team ng fourth year.
Itinanghal na Most Valuable Player si Stefano. 

"That was great"..sigaw ng dalaga
Pinabilib sya ng cute na transferre. Ngunit labis na paghinayang nya ng na realize  na yon ang una at huli nyang pagkakataong mapanood ang làro ng binata. Ga-graduate na sila sa March. Wala siyang hilig manood ng ganitong laro but she enjoyed it.

Simula napanood nyang maglaro ng basketball si Stef ay hindi na ito nawala sa isipan ni Camille. But she kept it to herself. Hindi nya na eyon sinabi kay Viclyna Tori. Ang kaibigan niyang iyon ay animo Stalker na ng lalaki at palaging inaalam ang aktibidades ng crush. Palagi na rin itong tumatambay sa building ng Secrion B. Tuloy lagi nlng syang nag-iisa.

Hindi sya masungit, ngunit natural na pormal ang kanyang expression. Madalang ang ngiti ng kanyang mga labi. Tuloy napag kakamalan syang mataray at suplada. Maraming naiilang makapag kaibigan sa kanya. Isa pa ang pamilya nila ang pinakamayamang tao sa kanilang bayan.  Wala siyang nakakaaway, subalit wala rin syang malapit na kaibigan maliban ka Tori. Mayaman din si Tori ang ama ay kasalukuyang mayor ng Laguna.

Wala siyang assignment nang araw na yon kaya di muna sya pumunta ng library. Dumerecho n sya sa parking lot ng paaralan ara hintayin ang sundo.

Dumaan ng ilang minuto wala pa ang kanyang sundo. Naupo siya sa bakanteng bench na nasa ilalim ng puno. Habang naghihintay ay nag rereview sya sa kanyang notebook.
Nagtaas siya ng ulo nang marinig na may tumigil na sasakyan di-kalayuan sa kanya. She thought dumating na ang kanyang sundo, subalit isang pulang pick-up ang nakita niya.

"Sige na,"wag ka nang mahiya. Ihahatid na kita."
Malambing na boses na umagaw sa atensyon pinagmulan sa pulang pick-up. Sinundan niya ang pinagmulan ng tinig at nakita ni si Tori na buong tamis na nakangiti kay Stefano na kamot kamot ang ulo. Kaagad lumukso ang kanyang puso na makita ang alanganing ngiti ng binata.
"Haiz mas cute pala ang mokong sa malapitan.
He was reluctant na tanggapin ang imbitasyon ni Tori.

Lihim na napangiti si Camille nang mga ilang minuto na ay hindi pa rin ma-persuede ni Tori ang binatilyo na pumasok sa pick-up. Hindi tinted ang salamin ng sasakyan at nikikita na rin nya ang naiinip na expression ng driver.

"Wag mo nang hiyain ang magandang dalaga ni Mayor. Pumayag kana binata."sabi ni Camille

Lumingon ang lalaki sa kanya at lalong nadagdagan ang lakas na tibok ng puso ni Camille nang magtama ang mga paningin nila. Tila may kakaibang kapangyarihan ang mga mata nito na humaplos sa puso nya patagos sa kanyang kaluluwa. Nakakapagpanginig ng tuhod.

Matiim na nakatingin sa kanya si Stefano habang nagkasalubong ang mga kilay. She winced her secretly. He looked irritated. Baka nagalit ito sa kanya dahil sa walang paalam na pagsabat niya sa sa usapan nito nila ni Tori?.

Hindi nakayanan ni Camille ang titig ni Stefano. Inilipat nya sa kaibigan ang tingin at kitang kita nya ang malapad na ngiti nito. Palihim pa itong sumenyas ng pagsasalamat. Muli nyang ibinalik ang paningin sa binatilyo. His expression was so grim.

"Sa uli-uli ay wag kang sasabat sa usapan ng iba, Miss'. Naglakbay ang paningin ni Stef mula mukha pababa sa kanyang sapatos at muling bumalik sa kanyang mukha. Tahimik itong sumakay ng pick-up Madilim parin ang expression ng gwapong mukha nito.

Nag thumbs-up si Tori sa kanya pagkatapos ay sumunod na rin itong pumasok sa sasakyan. Saka pa lamang bumalik sa normal ang tibok ng puso ni Camille nang mawala na sa kanyang paningin ang pick.up.

---💗💗💗--💗💗💗💗--💗💗💗--💗💗

MAYBE THIS TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon