---💗💗💗--💗💗💗--💗💗💗--💗💗
Nasa loob na ng Guest room si Camille, Iniwan na siya ni Evelyn upang makapagpahinga. Hindi pa siya nakakabawi sa frustration na naranasan sa kaalamang si Stefano ang taong naghihintay sa kanyang sa islang ito.
Tahimik nyang inilibot ang paningin sa paligid. Puti ang dominanteng kulay ng silid. Malapad at malambot ang kama. Carpeted ang sahig. Maaliwalas at relaxing sa mga mata.
Isang malalim na buntong- hininga ang pinakawalan nya. Lumapit sya sa built-in closet at binuksan iyon.
Sinabi kanina ng katulong na nadoon na ang mga gamit niya.
Hinanap nya ang kanyamg cellphone. But she did not find her cellphone."Urrgh! GOODNESS Stefano!!! Ang kulit kulit mo talaga!!.. pati ba naman aparato ko kinuha mo!! Inis na mura ng dalaga.
Bitbit ang kanyang handbag ay nanlalatang napaupo siya sa malambot na kama. Naalala nya ang mga pangyayari sa buhay nya bago sya napunta sa islang ito.
Dalawa lang silang mag kapatid ni Rae Anne. Nagtutulungan sila sa pamamahala ng Del Valle Landholdings Inc, na isang higanteng kompanyang nag-develop sa mga pinakamalaking subdivisions and housing communities sa Central Luzon.
Nang bumagsak ang kalusugan ng kanyang Ama dahil sa pagtratrabaho ay tinanggap ni Camille ang responsibilidad bilang Presidente ng DVLI. At sa loob limang taon ay iyon ang naging buhay nya. Nang makapagtapos ng Chemical Engineering si Rae Anne ay pinili nitong tulongan sya sa pamamahala ng kanilang kompanya.
Ni hindi nya maranasang mag ka nobyo dahil nga busy sa trabaho. At sa loob ng limang taon ay hindi siya nakapag-bakasyon.
Si Camille ay Nagtapos ng Business Administration sa De La Salle University. Halos kaga-graduate pa lang niya sa nang mag-take over sya sa pamamahala ng Kompanya.
Anim na buwan makalipas ang pagkamatay ng kanyang ina at masangkot siya sa gulo sa kanilang eskuwelahan ay ipinagbili ng ama nya ang malawak na lupain sa Laguna at lumipat silang mag anak sa Maynila.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Camille nang sumagi sa isipan ang nakaraan.
"Wait!! Erase..Erase ..erase!! Huh! Kung anong meron man sa Laguna noon ay tapos na iyon! Haiizz.. Its been ten years already since I left that province.urrhhg.. ano ba naman ito.Stefano!!!!!
Lungkot nyang saad sa sarili.Mula sa labas ng bintana ay pumasok ang malamig na hangin that sent chills down her spine.
Nayakap nya ang sarili dahil sa lamig.
Akma siyang hihiga sa kama nang muntik na siyang mapalundag sa kinauupuan.Malakas ang naging lagabog ng pinto na tila isinara iyon nang malakas. Tuluyan na siyang pinanayuan ng balahibo nang muling sumayad sa kanyang balat ang malamig na hangin. Mabilis siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon. Baka isinara lang iyon ni Evelyn. Subalit nang sumilip sya sa pasilyo ay wala siyang nakitang tao.
"Ang malakas na hangin kaya ang nagsara niyon?hmm?..
Ni-lock nya ang pinto. At dahil umaandar ang air-con sa silid ay isinara na niya ang nakabukas na bintana. Dahil sa kapal ng kurtina ay dumilim ang paligid. Nakaramdam sya ng hindi maganda.
May kung anung agam-agam na bumangon sa kanyang dibdib. Binuksan nya ang ilaw. Nakahinga siya ng maluwag nang muling lumiwanag ang silid.Kailangan niyang magpahinga. Pakiramdam niya ay naubos ang kanyang lakas sa muling paghaharap nila ni Stefano pagkatapos ng sampong taon.
Flashback..
"Nood tayo mamaya ng basketball, Cams. May transferee raw na nakapasok sa varsity team at sobrang cute. Gusto kong masilip kung totoo nga bang cute ang transferee na iyon. Sayang at section B sya at hindi natin kaklase," excited na balita ni Viclyn kay Camille..
"Ayy naku Viclyn, wala pa kong panahon jan. Saka wala akong hilig ng basketball eh.. saka maaga din akong susundoin ni Mommy ngayon eh. Rason ng dalaga."hayyy naku naman! Kahit kailan talga ay ang killjoy mo," Vic muttered habang nakanguso. "Manang, get a life naman. "Tsaka wala akong kasamang manonood. Dyahe kung nag-iisa lang ako noh."
"Excuse meee??!! nakataas ang kilay" "I know I'm smart but I'm not manang. Hello?" She rolled her eyes.
Saka moderna ako manamit noh! Sadyang fucos lang ako sa pag-aaral. 😒😒😒"Anong hindi? Eh palagi ka nlng nag bababad sa library. Punta naman tayo sa gym kahit ngayon lng. Sige na please. Samahan mo na ako."ungot nito.
"Sige na samahan mo na ako, ililibre kita. Championship nila kasi ngayun eh..please.. Dagdag nito."Okay, sasamahan na kita at nang matigil kana.
Alam nyang hindi siya tatantanan ng kaibigan hanggan pumayag siya. Ginagamit na nito ang salitang "Friend" at kilala na nya ito. Kapag ganoon na lamang ang tono nito ay hindi lamang nagmamakaawa kundi gumagamit ng emotional blackmail. At siya rin ang magiging talunan sa huli.
"Ayan! Sabi ko na nga ba kaibigan talaga kitang tunay!! Masayang saad ni Viclyn. Hinalikan at Niyakap sya nito ng mahigpit.
Magkaibigan sila simula pa noong first year high School. Magkaklase sila sa Notre Dame of Laguna at parehong nasa star section. Matalino rin ito pero pabaya sa pag-aaral. Lahat yata ng advice ay naibigay na niya sa kaibigan. Ngunit ni isa ay hindi man lang siya pinakinggan. Still, she considered Viclyn as her Best friend. Sa loob ng halos apat na taong pag-aaral sa NDC ay tanging ito lamang ang malapit na kaibigan nya.
--💗💗💗---💗💗💗--💗💗💗--
To be continued...

BINABASA MO ANG
MAYBE THIS TIME
Teen FictionEx lovers meet again after 10 years in a secluded island, trapped with their own feelings towards each other. Will they rekindle and continue the love they once had or is this a chance to let go and finally have a closure of the past? Description Cr...