Kabanata 11

242 15 5
                                        

🌹🌹🌹💗💗💗🌹🌹💗💗

+
+
+
Maybe this time
----------🌹💗🌹💗🌹💗🌹💗🌹

Naging masaya ang buhay ni Camille dahil kay Stefano. Hindi ito nakaligtas sa pansin ni Tori. Subalit idinahilan niya sa kaibigan na kaya siya masaya ay dahil panay ang uwi ng ama mula sa Maynila.

Hindi naman na sya muling nag pahatid sa binatilyo dahil natakot sya na baka makita sila ni Tori . Ayaw niyang masaktan at magalit ito.

Sa treehouse naman ay araw araw silang nagkikita ni Stefano.
Doon sila kumakain ng lunch. Nagdadala ang binata ng pagkain pati narin malapad na tela at ginagawa nilang sapin.

"Alam mo ba kung anu ang pangarap ko?

Mula sa pagkatitig sa kisame ay lumipat sa mukha  ni Stefano ang kanyang paningin. She saw the side angle of his face. Nakatitig ito sa kisame.

"Ang gwapo talaga, kahit saang angulo hindi nakakasawa tignan. Ang tangos pa ng ilong.

"Hmm At ano naman ang pangarap mo, ?"lihim na kinikilig ang babae.

Hinarap ni Stefano si Camille at nagkatitigan.

"I dream of becoming a successful entrepreneur someday. To have a stable life so I can propose marriage to you. I want you to be my wife and be the mother of my children." Inabot nito ang kamay nya at masuyong tinitigan ang kanyang magandang mukha.

"Ano ka ba Stefano eh ang bata pa natin para maging mag-asawa." Halakhak ng dalaga.

"I will wait for the right time when i can have you as my wife, Camille.
For now I'm contented with what we have. As long as i have you at my side, I'm happy as hell."

"Hahaha. Sira ka talaga!

Naging seryoso ang mukha ng binatilyo. Di naman lampas sa paningin ni Camille

"Oh..bakit?.

"How i wish i can hold your hand anywhere at hindi ganitong patago tayong nagkikita."

Natahimik silang dalawa.

"Hmmm Camille? Kelan mo sasabihin kay Tori ang tungkol sa ating dalawa?
Seryosong tanong nya.

She looked away.
"Hmm.. Hindi pa ito ang tamang panahon Stef, saka na siguro kapag hindi na komplekado ang lahat..

"Kung iyan ang desisyon mo ay rerespetohin ko.  Pero sana hindi na magtatagal na ganito na lang tayo lagi. Hindi ko alam hanggan saan ko makokontrol ang sarili ko." He sighed
"I want to broadcast to the whole universe that you are my girl and that you belong to me. Para naman wala nang lalaking maglalakas ng loob na manligaw pa sa iyo."seryosong turan ng binatilyo

Napatawa siya sa kabila ng katotohanan na seryoso naman ang binatilyo sa ipinahayag nito. Camille felt so happy and light-hearted.

"You think i am not serious huh?"tawa na rin ni Stefano.

"Hahah hindi! Alam mo kasi kinikilig ako eh, pero slight lang." Ngitng ngiti ang dalaga.

"Talaga lang ha!" Natawa narin si Stefano.

"Oii Stef, five minutes na lang at mag-uumpisa na ang klase.

"Talaga ba? Ngiting sagot ng binatilyo.

"Bakit tawang tawa ka jan? Kinikilig ka narin noh?..

"Syempre napakilig kita eh."

Nagtawanan silang dalawa.

"I think we need to go. Ma la-late tayo neto eh." Sabi ni Camille

He gave a groan of disapproval ngunit tumayo na rin.

6 pm na ngunit hindi pa rin nakikita ni Camille ang pagdating ng kanyang sundo. Paminsan-minsan ay late na kung dumating ito.

Makikitawag nlng sana sya sa telepono sa guardhouse nang may dumaang motorsiklo. Nakita nya si Stefano. Tatawagin niya na sana ang binatilyo nang mapansing may kaangkas ito.

"Is that Tori?..at nakayakap pa talga kay Stefano huh?"  Nanlaki ang mga mata ni Camille sa nakita at napuno ng paninibugho ang kanyang dibdib.

Madalas bang nagkikita ang dalawa kapag hindi sila magkasama ni Stefano? Tuwing lunch time lamang sila nagkikita ng binatilyo, doon sa treehouse. Palagi kaya nitong inihahatid si Tori tuwing hapon?

"Hmmm??? Anu sa Palagay nyo Readers? 🔉😁💔

Itinuloy ni Camille ang pagtawag sa kanilang Bahay. Ilang ulit nagri-ring ang telepono pero wala paring sumasagot niyon.

"Urgh! Ka badtrip naman to. San na kaya mga tao sa bahay.

Hanggang sa wakas may sumagot.

Nabigla siya sa ibinalita ng katulong. Naaksidente ang kanyang ina kasama ang driver nila! Nasa Laguna Doctors Hospital. Grabe umano ang lagay ng kanyang ina.

"Teka..si Rae Anne nasaan?

"hindi po siya kasama. Hindi pa siya nasusundo ni ma'am nang maaksidente sila ni Mang Ruv."

"Eh... Ang Daddy?

"Tinawagan na sya ng lola mo pauwi narin sya. Ang Daddy mo nlng daw ang susundo kay Rae Anne."

Wala sa sariling napaupo si Camille sa Sahig. Kanina lang ang lakas ng kanyang ina habang hinahatid pa sila nito.  Hindi nya matatanggap na mawawala ang mommy niya.

Magang-maga ang mata ni Camille sa kaiiyak. Hindi nakaligtas ang kanyang mommy sa aksidente. Kasama nitong namatay ang driver nitong si Mang Ruv. It was a fatal accident.

2nd day na ang burol ng kanyang Ina. Dalawang araw narin siyang walang tigil sa kaiiyak. Mugtong mugto na ang mga mata ni Camille. Hindi nya magawang kumain. She was really devastated.

"May naghahanap sa iyo, ate Camille.- Rae

"sino--

"Camille.. kahapon ko lang nabalitaan ang nangyari. I'm sorry. Condolence."

"Stefano?... Napasinghap siya ng makita ang lalaki. And she could see the lood ogf sympathy in his almond-shaped brown eyes. Bigla ay parang nakakita siya ng kakampi.
"Oh, Stef. Mahigpit na niyakap ni Camille ang lalaki at humagulhol ng iyak.

He gently caressed her back while whispering soothing words in her ear to calm her down.
"Sshhhh... Don't worry babe, everything will be all right. I'm here. Hindi kita pababayaan.

At parang batang mas lalo siyang nakakapit sa binatilyo.
"Ang mommy Stef, wala na si mommy, wala na ang mommy ko." Umagos pang lalo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Sa buong araw ay hindi umalis sa tabi nya si Stefano. Palagi nitong hawak hawak ang kamay nya at sa tuwina ay binibigyan siya ng lakas na loob.

Hindi rin nakaligtaan ni Tori na dumalaw sa burol. Dahil sa magkakahalong emosyon ay hindi na niya napagtuunan ng pansin na itinatago nga pala niya sa kaibigan ang unawaan nila ni Stefano. Nakita nitong magakahawak-kamay sila ng lalaki sa lahat ng oras. She failed to notice look of contemp in Tori's eyes na hindi lamang makaimik dahil sa iginagalang  ang lamay ng Ina.

--+💗💗--💗💗💗💗--💗💗💗.



MAYBE THIS TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon