Chapter 2

5 0 0
                                    

"I used to think one day we'd tell the
story of us,
How we met and the sparks flew instantly
People would say, "They're the lucky
ones."

I used to know my place was a spot
next to you,
Now I'm searching the room for an
empty seat,
'Cause lately I don't even know what
page you're on.

Oh, a simple complication,
Miscommunications lead to fall-out.
So many things that I wish you knew,
So many walls that I can't break
throuuuuuuuggghhhh!!!"

*bogsh!*

"shit!" gulat na sigaw ko ng may naghagis sa plywood na pader ng aking kwarto.

"ang ingay mo ate!" sigaw naman ng kapatid kong lalaki, si Denier. Eto na nga ba kasi kinakainisan ko, kung bakit pa kasi magkadikit kami ng kwarto. Kapag siya ang maingay kakanood ng tv, hindi siya tumitigil tas ako pa ginaganito niya.

"ma! tong bwiset na abnoy na anak mo epal!" sigaw ko naman kay mama na nasa kusina at naghuhugas ng mga plato.

"hooo! Mas epal ka ah pangit!" pang inis pa ng bwisit kong kapatid! Haays! Kung meron lang sana akong genie, talaga unang una kong hihilingin eh mawalan ako ng pangit at epal na kapatid!

"bwisit ka epal! Anglitan! Di alam maglaba ng brief iiiw!" pabalik na sigaw ko naman kaya sinipa sipa niya yung pader na plywood at gumawa ng sobrang nakakainis na ingay!

"hoy! Magsitigil nga kayo jan bwiset kayong dalawa! Ang ingay niyo! Dun kayo sa labas katabi ng aso matulog ha?! Gabi na nga ang ingay ingay niyo pa!" galit na sigaw ni papa na sinamahan pa ng paghampas niya sa plywood na pader kaya natahimik kami, nakasimangot pa din naman ako kahit pinatigil na kami ni papa, hindi pa tapos tong away na'to bwisit kang kapatid.

Bumalik na lang ako sa pagkakahiga at sinalpak ulit ang headset. Haays nakaka stress talagang kapatid to!

'This is looking like a contest,
Of who can act like they care less,
But I liked it better when you were on
my side.

The battle's in your hands now,
But I would lay my armor down
If you said you'd rather love than fight.'

Typiiingggg.... Emman Joseph Acebedo
Searchiiinggg...

Kasalukuyan kong ini stalk ang current crush ko ngayon, bale iba kasi crush ko last year eh January na ngayon.

"isa ding bwisit to eh, bat di pa niya ina accept friend request ko?! Eh sabi nga ni tita hindi to pa famous tas sakristan pa siya tas ganito? Anak ng pa famous!" inis kong chinat ang tita ko dahil sa hindi pa pag accept ni Emman sa FR ko, ang epal niya kasi! Pinangalanan ko pa nga yung asong kapapanganak lang nung Jan.3 ng pangalan niya eh!

Typing...
   | Tita in accept na ba ni Emman FR mo? Nakakainis di pa niya in accept sakin mag i isang linggo na oh:(|

Hindi active si tita kaya hinayaan ko na lang at mabasa niya bukas. Haaays pag talaga to umabot hanggang isang linggo, ica cancel ko na.. Aba! Yun ngang fuckboy na poging batchmate ko, pero hindi ko kilala ha! in accept pa niya request ko eh. Siya pa kaya na mukhang mabait at sakristan tong feeling famous?!  Haays di ko talaga gets mga lalaki ngayon, mga monggoloid.

Hindi ko na nahintay ang reply ni tita kaya nag soundtrip na lang ako,hanggang sa nakatulog na lang din naman ako.

Kina umagahan, badtrip na naman ako kasi magdamag palang naka soundtrip tong cp ko kaya ayun iniwan ko na sa bahay at chinarge. Wala na nga akong pang contact sa classmate kong kasabay kong magbabayad ngayon sa admin ng school namin para makakuha ng permit eh, test na namin mamaya kainis. Napag desisyunan ko na lang na maghintay dito sa harap ng school para naman mahagilap niya ako kung sakali

Love, 121 (On Going)Where stories live. Discover now