Chapter 5

6 0 0
                                    

BUBBLES POV.

"kumain ka niyang ampalaya Bubbles" sermon ni papa kasi ang tamlay tamlay na naman ng pagmumukha ko. Andami dami na nga kasing pagkain sa buong mundo, gulay man o prutas o kahit ano pa, bat di man lang sila mag eliminate ng ibang pagkain gaya na lang ng ampalaya, o di kaya celery!

"ang arte arte mo talaga Bubbles, kaya ang payat payat mo eh" dagdag na sermon din ni mama kaya mas lalong nawalan ko ng gana. Pati din naman yang pangit na Denier, maarte sa pagkain eh, nun nga bata pa kami kung ayaw niya sa ulam naming gulay iiyak lang siya bibili na agad sila mama o papa ng ibang ulam.

"ma may meeting kami sa Friday ng hapon" biglang sabi naman ni Denier

"para saan?" -mama

"di ko alam, baka card day"

"ano na ba ngayon?" tanong ulit ni mama kaya sinagot ko siya

"19"

"ah okay po ha?" pabalang na sagot ni mama saka ako pinandilatan ng mata, na offend naman ako sa ginawa niya tsaka dahan dahang tiningnan si papa na nakatingin na din sakin ng matalim. Eh si Denier nga hindi nag po o kaya nag mama kanina pero di nila sinita, tapos ako? fyck. Dahil sa mabigat na loob ko dire diretso na akong sumusubo, di ko na nga nalalasahan yung pait eh, nakaka manhid pala pag ganito lagi.

Nakatagilid na ako ngayon ng higa habang nakatulala sa pader, wala pa ako sa mood mag cellphone, gusto ko lang namnamin lahat ng ginagawa nila mama at papa samin ni Denier, bat ang unfair nila? Anak naman nila ako ha? 15 na ako pero bat ganun pa rin turing nila samin, okay lang naman na ini spoiled nila ang bunso, pero huwag naman humantong sa puntong nakakasakit na sa iba. Unti unting pumapatak ang luha ko habang ina alala lahat lahat ng trato nila mama at papa sakin nung bata pa kami, habang lumalaki ako mas lalo namang lumalala. Ampon ata ako eh, sana kung ampon lang ako hindi na nila ako kinuha, sana sa mayamang pamilya na lang nila ako binigay.

Kinaumagahan, sunod sunod at lumalakas na katok ang naririnig ko habang ninanamnam ko pa rin ang sarap ng pwesto ko.

"Bubbles! Gising na! Alas sais na ano ba! Wala ka bang planong pumasok?!"

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko saka pinikit ulit, hinang hina pa ako at mas lalo pang inantok. Palagi kong iniisip pag ginigising nila ako, bat mas masarap matulog pag may klase? Kasi pag weekends naman eh nagigising na lang ako ng mas maaga pa sa paggising ni mama sakin.

"hoy!" nagising na lang ng tuluyan ang diwa ko dahil sa malakas na kalabog ni mama sa pader,bumangon na ako tsaka inayos ang pinaghigaan ko saka lumabas na para kumain. Gulat man ay tinatamad akong maglabas ng expression sa mukha dahil ang liwa liwanag na sa labas, 7 na ata eh! Binilisan ko na lang kumain habang tinatanggal ang ibang muta sa mata kong parang lumiit.

"napano yang mata mo ha?" masungit na tanong ni mama kaya yumuko na lang ako saka nagtatakbo papuntang banyo para maligo. sus! Late na ako!

"you're 45 minutes late Bubbles, mag community service ka mag isa sa buong corridor mamayang uwian at pag di mo gagawin yan, demerits 5 points." striktong sabi ng ESP teacher namin na strikto din talaga pag dating sa attendance haays araw ko na ata to. Pumunta na ako sa upuan ko habang ang ibang classmates ko ay naka tingin sakin at yung iba ay abala pa din sa pagsusulat. Nilabas ko na lang ang notebook ko saka sapilitang nagsulat, hindi naman ako nagsusulat lagi kasi di naman sila nagche check ng notes eh.

Pabalik balik ang paningin ko sa cellphone at mga classmates kong nagkakagulo habang hinihintay ang next teacher namin para sa 2nd subject. Nagugutom na din kasi ako tsaka hinahanap ko si Louie, patay na ata eh.

12 minutes na ang nakalipas ay wala pa din kaming teacher kaya lumabas na muna ako para bumili sa canteen, wala masyadong nagkalat na estudyante kasi may teachers sila, di gaya namin. Pagkapasok ko sa pintuan ng canteen ay bumungad ang napaka bangong amoy ng pancit at barbecue, napapikit pa ako dahil sumagad na sa kalam ang epal na tiyan ko, mabubutasan na ata eh.

Love, 121 (On Going)Where stories live. Discover now