Chapter 9

0 0 0
                                    

"Akala ko pipi ka na, bat di ka man lang sumagot sa tanong ko?"  nakatulala pa rin si Luna sa binata.

"hello? Kilala mo ba ako?"

"ha? hindi hindi hindi, sa--sa-salamat nga pap-pala tsaka pasensya" napatitig si Luna sakanyang paa hindi dahil sa hiya kundi dahil kilig.

"you're weird haha" napatawa na din si Luna dahil sa sayang napatawa niya ang kanyang minamahal na binata.

Pero habang tumatagal ay patuloy pa rin siyang tumatawa kahit na tumigil na si Doque. Napapatingin na din ang mga tindera at mamimiling napapadaan dahil parang may baliw na nakatakas sa mental. Tumikhim si Doque saka nagtatakang tumingin kay Luna, napatigil naman ito sa pagtawa at nakaramdam ng hiya.

Ano ba ang kanyang nasa isipan at masyado niyang pinapahiya ang kanyang sarili sa unang pagkakataong pinansin siya nito.

"Uhhm mauna na ako" paalam ni Doque, biglang dumaloy naman ang lungkot sa puso ni Luna ng papatalikod na ang binata.

"Wait....teka" napa habol pa ang kanyang kamay pero hindi man ito dumaplis sa kutis o damit ni Doque.

"Op?"

"San ka pupunta?"

Nagtataka namang napa isip ang binata, bakit siya tinatanong ng isang dalagang hindi niya naman ka ano ano at ngayon lang naman niya nakita.

"Do you know me?"

"aah eh ang totoo niyan e nakikita lang kita"

"Eh ngayon lang naman kita nakita?"

"Sabi ko nga nakikita lang kita, hindi ko sinabing nagkikita tayo"

"Ah-oh....okay" napakamot sa batok ang binata dahil wala na itong masabi at gusto na niyang umalis dahil may importante pa itong gagawin.

"So...saan ka nga pupunta?"

"Sa tindahan ng mga bulaklak"

"Ma....may girlfriend ka na?"

"I don't think so na involve ka na sa private life ko miss, ng ganito kabilis"

Napatingin naman kung saan saan si Luna, hindi niya inaasahang napaka private person pala ang kanyang iniibig, kahit na ang katotohanan naman kung mapupunta siya sa pwesto ni Roque ay magtataka din ito sa inaasal niya.

"Sorry hehe"

"It's okay, mauna na ako miss" hindi na kumibo si Luna kahit na nagpaalam na ito at ginawadan siya ng napaka tamis na ngiti, unang ngiti na siya ang rason, unang ngiting ginawad sakanya sa loob ng maraming taon, ngiti ng kanyang mahal na ginagawad din nito sa lahat ng taong nakakasalubong.

"Yiieeeh! Hindi naman siguro halatang gusto ko siya!" napapatalon na lang si Luna dahil sa pagkahibang, tinititigan na din siya lahat ng taong napapadaan pati nagtitinda, may mga dalaga ding naka saksi sa kanilang pag uusap at naiinggit pa, hindi lang nila alam kung gaano kasaklap para kay Luna na sa loob ng ilang taon, kahit na nasa iisang bayan lang sila, ngayon lang siya unang napansin ni Roque.

"Asan na nga ba ako? Ah! Bigas!" Nagsimula na siyang maglakad papasok sa palengke, kabaligtaran sa daang tinungo ni Roque.

----
Nasa harapan ngayon ni Sam ang mga nagkalat na papeles at nakasinding loptop, kanina pa ding nagri ring ang kanyang cellphone pero naka patong lang ang kanyang baba sa kanyang kamay at malalim na nag iisip.

"Oh shit, okay damn you conscience, I'll do it"

Nakaupo ngayon ang magpa pamilya sa isang sofa at taimtim na nag hihintay sa pag gising ni Bubbles. Minsan ay iniiwan na lang nilang mag isa ang kanilang anak dahil pareho na silang naghahanap buhay para mas mapabilis ang pera. Pero hindi talaga umaayon ang mga pangyayari, maliit ang sweldo na natatanggap ni Imelda sa kanyang nahanap na trabaho sa isang karinderya, kailangan pa niyang magkaroon ng ibang side line, samantalang si Reynaldo naman ay nagkaroon ng trangkaso kama kailan lang at na apketuhan din ang kanyang trabaho.

Love, 121 (On Going)Where stories live. Discover now