Chapter 11

1 0 0
                                    

"Nalinisan mo na ba lahat Arcie?" masungit na tanong ng head janitress kay Arcie na kapapalit lang ng damit.

"Ah opo" walang ganang sagot nito.

"Sumagot ka ng maayos ha! Hindi ka na gaya noon na mas mataas samin dahil sa adik mong pamilya! Magkaka pareho na lang tayo ngayon ng buhay, pero mas mababa ka!"

Nagulat si Arcie dahil sa pagtapis ng head janitress sakanyang ulo, ngunit nanatali lang itong walang emosyon. Hindi naman niya hinangad na mabuhay noon sa karangyaan na galing sa masamang gawain, at mas lalong hindi naman niya hinangad na nasa ganitong sitwasyon na siya ngayon. Hindi niya din sinisisi ang kanyang mga magulang dahil ginagawa din naman nila lahat ang kanilang makakaya upang mapaganda ang kanyang kinabukasan, ngunit sa kasamaang palad, dahil nagmula din naman ito sa masamang gawain, masama din ang kinalabasan.

"Mauna na po ako" dumiretso na si Arcie sa elevator ng hindi man lang tinitingnan ang head janitress.

Maliwanag pa ang daan dahil sa mga streetlights na papunta sa hospital, tahimik lang ang buong paligid, mahina lang ang hangin, maraming puno sa gilid at maraming bituin sa kalangitan. Napatingala si Arcie sa buwan na hindi buo, na alala nito ang kinwento ng kanyang lola noong bata pa sila.

May isang batang nagngangalang Tala. Lumaki itong wala man lang nasisilayang liwanag, palagi siyang bida sa kanilang paaralan dahil sakanyang kapansanan. Bakit raw pumapasok pa siya eh di nga siya nakakakita, hindi nga niya mabasa ang nasa pisara, hindi niya nakikita ang perang binabayad niya, at hindi niya nakikita ang mga taong nananakit sakanya, pisikal man o emosyonal. Isang araw sinagot ni Tala ang mga tanong ng karamihan "bakit ko pa kailangan ang kakayahang makakita kung magiging kagaya ko din sila? Bakit ko pa hihingiin sa Diyos ang kulang sakin kung hindi ko din naman makikita ang ganda ng mga nasa aking kapaligiran kagaya nila? Kung magkakaroon lang naman ako ng paningin, makita ko man lahat ng bagay sa mundo, kung bulag naman ako sa tunay na kagandahan nito, mas mabuti na lang na ako ay may gan'tong kapansanan. Maraming taong may malinaw na paningin pero nagbubulag bulagan pa rin, mas pinipili nilang magpalinlang sa kasinungalingang harap harapan na, kesa sa katotohanang nasa tabi lang." Tumandang dalaga si Tala dahil pati mga kalalakihan ay nagbulag bulagan sa, sinasamantala lang nila ang kapansanan nito para siya'y maangkin. Namatay si Tala sa edad na 98. Magmula noon hinandugan siya ng Diyos ng isang papuri, siya'y naging isang buwan na nagbibigay liwanag sa gabi. Kung saan ang lahat ay nabubulag sa kanilang daraanan at kailangan ng ilaw para makita ang kanilang paroroonan. May mga gabing kahit hindi man buo ang buwan ay binibigay pa rin nito ang buong makakaya para bigyan ng ilaw ang mga mortal, may mga gabi ding wala ito na parang akala mo'y nag iisa ka na sa gitna ng dilim, walang nakakakita sayong paghihirap at hahayaan ka na lang mag isang malampasan ang bawat suliranin. Hindi mo man makita ang ganda ng tala gabi gabi, makaka asa kang nandiyan lang siya nananalangin para malagpasan mo ang pighati. Hindi lahat ng swerte sa buhay ay sabay sabay na lilitaw, ang swerte ay isang salita lamang na nagpapaganda sa mga biyayang bigay ng Diyos. Ang kapansanan din ay isang salita lamang na nagre representa sa pagsubok na bigay din ng Diyos, hanapin mo ang ganda at kapayapaan sa puso mo, hindi lamang sa liwanag kundi pati na din sa dilim.

"Lola, hindi ngayon buo ang buwan, gaya na lang ng pamilya natin, gaya na lang din ng puso ko, at pati na din ang pagkatao ko." nagsimulang tumulo ang luha ni Arcie.

"Mas swerte nga si Tala lola eh... hindi siya nakakakita pero may masaya siyang pamilya, mahirap lang sila pero hindi sakim sa pera ang magulang niya....bakit.?..bakit.?.. ba kasi... sa dinami dami ng pera na nga namin.... hindi pa sila nakuntento? May pera naman sila in case na may malabo silang mata, kaya naman nilang ipagamot yun...o di kaya magpa salamin...pero..pero.... bat di nila nakitang mas matimbang ang pamilya kesa sa pilak...ginto...pera.. kapangyarihan at kung ano pang bagay na nagpapabusog sa kanilang mata? Bakit kailangang sa masama pa manggaling ang ikinasasaya nila?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love, 121 (On Going)Where stories live. Discover now