Chapter 7

1 0 0
                                    

Mabilis na tumakbo palabas si Kian at kung saan saan napapatingin habang hinahanap si Arcie na nag walk out kani kanina pa. Hindi kasi siya pinayagang umalis kanina ni Kian dahil hindi pa niya natatapos yung pinapagawa nito, dahil sa sobrang higpit ng paghawak ni Kian sakanyang bag iniwan na lang niya ito sakanila saka nagtatakbo.

Dalawang kanto na ang nadaanan ni Louie at malapit na siya sa school nila pero di pa niya namataan si Arcie, pero hindi pa rin ito tumigil at nagtatakbo pa siya. Naalala niya na may school pa pala na limang kanto ang layo mula sa karinderya at tatlong kanto naman ng layo mula sa school nila mismo. Nagsimula na naman siyang tumakbo hanggang sa nakita na niya ang likod ni Arcie, mabilis niyang namukhaan ang bag nito kaya wala ng kahirap hirap, pwera lang talaga sa paghanap sakanya. Hindi pa agad nilapitan ni Louie si Arcie dahil dahan dahan at pasimple itong naglalakad sa likod niya. Wala namang ka alam alam ang babae kaya patuloy lang ito sa paglalakad.

Patuloy pa rin si Louie sa pasunod sakanya, ng biglang lumiko na ito sa isang kanto, mabilis siyang tumakbo para hindi na ito makawala. Pagkaliko pa lang ni Louie ay may paparating na sa harapan niyang tumatakbong lalaki kaya ayun at nagka banggaan sila.

"aray!" sigaw ng lalaking nakasalubong ni Louie habang hinihimas himas ang ulo't braso. Napatingin na sa kanilang dalawa si Arcie na ilang metro lang ang layo, siya sana ang makakabangga kanina ng lalaki kaso naka ilag si Arcie kaya siguro hindi na iwasan ng lalaki si Louie.

"ayos lang kayo?" tanong ni Arcie pagkalapit sakanilang dalawa. Namilog naman ang mata ng lalaki ng makita niya ito saka nagtatakbo. Naiwan na lang sa daan si Louie na mukhang tangang nakatingala kay Arcie.

"anong problema mo diyan" masungit na sabi ni Arcie. Hindi iyon patanong kaya hindi sumagot si Louie at napanganga na lang.

"aso ka ba? Para ka na kasing aso sa pwesto mo" tinalikuran na niya ito saka pumasok sa gate ng school nila. Mabilis na tumayo si Louie saka pinagpagan ang pantalon at hinabol si Arcie kaso hinarang agad siya ng guard.

"ID"

"hah?"

"asan ID mo kako" masungit na utos ng guard.

"teka, hindi ako taga rito may sasabihin lang ako sakanya!"

"no ID, no entry! Hindi ka din naman taga dito kaya umalis ka na kung ayaw mong ipadala pa kita sa office of the dean!"

Napatahimik naman si Louie saka masamang tumingin sa guard.

"kala mo naman kung siya may ari ng lupa tsaka skwelahan tsk!" inis na bulong niya sa kanyang sarili at nagsimula ng maglakad papuntang skwelahan nila. Pero mga limang hakbang pa lang ay may sumusunod na sakanya, napaisip si Louie na baka sinundan siya ng guard kaya lumingon na ito sakanyang likuran. Gulat niyang tiningnan si Arcie na masamang nakatingin sakanya at napairap pa.

"oh anong gusto mong sabihin sakin diyan at makikipag patayan ka pa sa guard namin para lang makausap mo ako ha? Magkakilala ba tayo? Kasi sa pagkaka alam ko, wala akong kilalang asong may dalawang paa at nagsasalita" masungit na sabi ni Arcie, napatulala lang si Louie saka patingin tingin sa paligid dahil sobra siyang natetense sa kasungitan ng babaeng kaharap niya ngayon.  Basang basa na din ang kanyang mga kili kili kaya nang napakamot siya sakanyang ulo dahil walang masabi, nakita ni Arcie ang bumakat na pawis sa kili kili nito. Halos pigil pa ang kanyang pagtawa na naging sanhi ng pagkapula ng magkabilang pisngi.

"wahahaha! Hahahaha!"

"anong tinatawanan mo?" nagtatakang tanong ni Louie na namamangha sa ganda ng pagtawa ni Arcie, lalo na sa mga pisngi niyang pumupula.

"hahaha!" hindi pa rin mapigil ang dalaga sa pagtawa, akala mo ay may sampu itong baga na pinanghu hugutan ng hangin para lang tumawa.

"okay? Mental ata napuntahan ko" nagsimula ng naglakad si Louie palikod habang nakaharap kay Arcie na napapahawak at napapabaluktot na din sa kakatawa. Ilang minuto pa ng pagtawa ay nahimasmasan na siya at napapunas pa sa gilid ng bunganga dahil may tumalsik na laway.

Love, 121 (On Going)Where stories live. Discover now