Chapter 3

2 0 0
                                    

BUBBLES POV.

Sabado ngayon, papunta ako sa bakanteng lupa malayo layo sa bahay namin, para lang tumambay. Hindi patag ang lupa kaya madumi na ang paa ko dahil sa buhanging kulay brown. Umupo ako sa pinagpatong patong na bloke sa gitna ng bakanteng lupa na nakatapat sa malayo layong ilog, maganda ang tanawin kahit na mabuhangin sa paligid at maraming nagkalat na basura o di kaya ligaw na damo.

"sana bakante pa rin dito hanggang sa magkaroon na ako ng magandang trabaho at sapat na pera para dito ako magtatayo ng dream house ko." bulong ko sa sarili ko habang dinadama ang sinag ng araw na papalubog na at simoy ng hangin. Kinuha ko ang dinala kong notebook na bigay ni mama noong kakauwi niya dito sa Pinas galing sa pinagtrabahuan niya sa Kuwait, dito ko dino drawing lahat ng magagandang ideya na naiisip ko habang nakatingin sa mga magagandang bagay gaya lamang ng nasa harapan ko ngayon. Nakaupo sa lupang pangarap kong bilhin balang araw, at pinapanood ang papalubog na araw sa dulo ng ilog.

Nagsimula na akong mag sketch ng taong nakatalikod habang nanonood din ng takip silim gaya ng ginagawa ko.

"ugh! Bat di ko alam gumuhit ng babaeng nakatalikod ano ba yan!" sa inis ko ay binura ko na lang ang sketch ng babae at ginawa kong lalaki.   Tahimik lang akong gumagawa habang napapansin kong unti unti ng humihina ang sinag ng araw kaya binilisan ko ng tapusin ang drawing ko.

"haays ang hangin naman!" inis na sabi ko dahil hindi ako makapag concentrate mag drawing,ang gulo gulo na nga ng pinagdro drawing'an ko eh. Nasa part na ako na dino drawing ang ilog at nilalagyan ng ibat ibang shade para maganda, tapos ko ng maayos ang lalaking nakatalikod na mukhang tao din naman talaga at hindi maligno, ilang saglit lang ay may papel na nai hangin sa tapat ko na nakasugat pa sa dulo ng ilong ko. Nabitawan ko agad ang lapis saka ito nahulog at nagpagulong gulong sa lupa, hinawakan ko naman ang ilong kong mahapdi at saka inis na tiningnan ang papel na tinatangay pa rin ng hangin.

"buset kang papel ka! Anong klase ka sa tingin mo at nasugat mo pa tong ilong ko?!" sa inis ay padabog kong binitawan ang notebook saka ako tumayo para kunin ang papel na bwiset, kulay blue na ang paligid at hindi na masyadong makita ang araw. Nang papalapit na ako sa papel na tinatangay pa rin ng hangin ay bigla itong bumagsak at agad agad na tumigil ang malakas na hangin, nilibot ko ang aking paningin sa paligid para tignan kung tumigil na ba talaga ang hangin o baka na a abnoy lang ako, tumigil nga. Binalik ko ang attensyon ko sa papel saka padabog na pinulot ito na halos magusot na.

"hays! Papel ka lang din naman, bat mo pa sinugatan tong ilong ko!"

Naglalakad na ako pauwi bitbit ang mga gamit ko saka ang papel na nakasugat sa ilong ko, baka mamaya eh may makapulot pa neto tas may bahid ng dugo ko, tas ipakulam pa haaay jusko! nakakatakot! Sa sobrang bagot ko ay naisipan kong tingnan ang mga ginuhit ko at saka puriin, ganito lagi naman ginagawa ko pag gabi na tas nasa kwarto ako. Maliwanag din naman dito sa kalsada kasi malakas ang street light tsaka magkakalapit lang ang bawat isa.

"10-11-18, haays ang ganda talaga neto! Buti na lang at nakita kita haays sana bumili din sila mama ng aso na kasing cute mo" pagtutukoy ko sa asong nakita namin sa gilid ng school noong last year, papalabas na kasi kami ng school noon tas bigla siyang kumahol habang nakatayo ako sa tapat ng gate, wala naman siyang breed pero makapal kasi balahibo niya at kulay light brown. Mabilis kong nilabas ang cellphone ko saka siya pinicture pa side view, at paharap habang nakalabas ang dila, pagkauwi ko ay agad ko siyang drinowing saka nilagyan ng pangalan sa ibaba ng drawing..... -Kofi (kowfi)

Nilipat ko naman sa sumunod na pahina ang notebook ko saka ko nakita ang drawing kong si Louie, 10-18-18. Tinago niya kasi noon tong notebook ko sa pag aakalang diary daw, so ayun nakita niya si Kofi namangha naman siya at that day niya nalaman na may talent ako sa pag guhit, nagpa guhit ng sariling mukha ang epal, baka daw mamaya maging popular na artist ako pag nakita nila ang mukha niyang ginuhit ko haha

Love, 121 (On Going)Where stories live. Discover now