Chapter 4

4 0 0
                                    

Monday na ulit at nandito ako ngayon sa upuan ko nagce cellphone.

"uy anong ite test natin ngayon?" tanong ni Anna kay Sime.

"ewan ko, uy Bubbles anong ite test natin ngayon?" pagpasa niya ng tanong sakin kaya tiningnan ko naman siya ng naka poker face.

"baka ihi mo" sagot ko

"edi wow, imbes na nagce cellphone ka diyan mag review ka na lang" suhestiyon niya kaya inirapan ko na lang.

"hindi ikaw ang nanay ko, hindi ikaw si maam, at tsaka bat naman ako magre review, para lang kopyahin mo? Tsk" normal na ang pagsusungit ko sakanya dahil ayaw ko ang ugali ni Sime, masyado siyang judgemental kaya kung sa tingin niya ay igagalang ko siya dahil takot ako sa talim ng dila niya aba! managinip na lang siya.

"to naman ang sungit sungit, hindi ako nangongopya noh" angal naman niya kaya napatingin na lang ako sakanya na parang nandidiri at kinontra naman siya ni Thea na katabi niya.

"yuck Sime epal ka, hindi nangongopya eh sa humahaba nga yang leeg mo kahit wala hahaha"

Nagtawanan lahat kami habang si Sime eh napapa roll eyes na lang, mataba kasi siya at saka kahit naman na ayaw ko siyang pintasan, siya naman tong nangunguna, karma niya lang ako. Biglang bumukas ang pinto at niluwal nito si maam na mukhang na tense dahil late ng mga 2 minutes haays kung pwede lang ipakain sakanya yung orasan, matagal ko na siyang binilhan. Buti sana kung ESP ang subject namin sakanya, kaso math eh!

"okay bring out one whole sheet of paper" gulat naman akong napatingin sa mga classmates ko na kagaya ko din ay parang nakakita ng multo sa harap. 

"maaaaam! Wala ka namang sinabi na magte test tayo ngayon eh!" reklamo ni Jessa, matabang judgemental din gaya ni Sime at gaya ko, kaso sexy lang ako.

"oo nga maam eh! Ano ba yan!"

"maam madaya ka wala kang sinabi"

"okay fine, one by one recitation na lang" tinigil ni maam ang pagsusulat niya sa blackboard at binaba ang lecture niya sa lamesa saka mabilis na umupo.

"maaaaam!! Biro lang!" tarantang sigaw ng mga classmates ko

"maam magtest na lang tayo hehe" singit ko naman

"andami niyo kasing reklamo! Bat kasi di kayo mag advance reading!" sigaw naman ng sipsip naming classmate, si Hannah.

"aba? Sino ba namang mag a advance reading ng mga numbers? Kung hindi ko nga alam meaning ng mga binabasa kong purong letra, pano pa yang may halong numbers numbers!" inis naman na sabat ni Shaika

"tsk sadyang tamad ka lang" pagsusungit ni Hannah sabay roll eyes

"sakit mo na talaga yan Hannah, wag kang sipsip" deretsang sabi naman ni Sime kaya natawa ako ng malakas na akala ko ay susundan ng mga classmates ko.

"hahahaha!" halos lumuwa pa ang mata ko sa kakatawa ng makita kong wala talaga silang planong tumawa ng malakas, tiningnan ko naman si maam na walang expression ang mukha kaya dahan dahan akong umayos ng upo at kunwaring nililipat ang page ng notebook ko habang tumatawa ng paunti unti para kunwaring ayaw mamatay dahil sa hiya.

Pagkatapos ng subjects knamin ay sobra akong nakahinga ng maluwag dahil sa ginawa kong pagtawa ay hanggang 50 ang tinest namin. Sobrang bwisit nga eh, parang mas masama pa yung ginawa kong pagtawa kaysa sa ginawang ka prangkahan ni Sime tsk!

"oy ikaw kasi Bubbles ang lakas ng tawa mo kita na ngang badmood si maam eh" pagsisisi naman ni Joy sakin, isa naman tong epal

"hoy, aba kasalanan kong tumawa dahil sa sinabi ni Sime? Eh wala nga akong nasabi, tsk wag ka ngang pa epal diyan, kahit gustong gusto mo naman na na prangka si Hannah kanina" pagsusungit ko haays bad trip na talaga ako dahil dito, at pag na badtrip ako tuloy tuloy na to hanggang pag uwi.

Love, 121 (On Going)Where stories live. Discover now