Chapter 8

0 0 0
                                    

Malapit na si Luna sa kanilang barong barong at wala pa rin itong tigil sa pagtakbo, pero itinigil na niya ang pagtitili dahil baka ma atake na sa puso ang kanilang inang. Pero sa sitwasyon niya ngayon ay baka siya pa ang mauunang ma atake.

Marahas niyang binuksan ang kanilang pintuan na gawa lamang sa pinagtagpi tagping dahon ng tuyong buko, nahirapan pa siya dahil sa nakasayad ito sa lupa. Pagkapasok ay marahas at mabilis din niyang sinara ito at binuhat ang malaking kahoy na nagsisilbing pangsara sa kanilang pinto. Napamulat naman ang matanda ng marinig ang pagkalabog ng kanilang pintuan, samantalang patuloy pa rin sa pagkakatulog ng mahimbing si Iko na pagod na pagod sa maghapong gawain.

"Anong oras na Luna, saan ka nagpunta?"

Gulat na napatingin sakanyang likuran si Luna saka hindi makatingin ng diretso sakanyang lola.

"uhhh..uhmmm.aaah-eeh hehehe teka lang inang iinom lang ako" kumaripas ng takbo si Luna papunta sa kanilang kusina na tatlong hakbang lang ang layo mula sa kanyang kinatatayuan. Sinundan naman siya ng kanyang inang na masama na naman ang tingin. Halos mabasa na ang damit ni Luna habang umiinom dahil sa sobrang pagod at takot sa kanyang nakita, parang patay na yun dahil sa sobrang puti ng kanyang mukha. Hindi na niya masyadong nakita ang buong katawan ng lalaki dahil sa kakaiba niyang kasuotan, tanging ang mukha lang nito na wala man lang emosyon ang pabalik balik sa kanyang isipan.

"Mas mabuti ng mabangungot kesa sa ganito lintik na yan" bulong niya sa gitna ng kanyang pag inom. Halos lumabas naman sa kanyang ilong ang tubig ng biglang may humalik sa kanyang ulunan na matigas na bagay.

"kutong pula!" binitawan niya ang basong hawak niya saka ito tumingin sakanyang inang ng naluluha dahil sa sakit. Napababa na lang siya ng tingin dahil sa hindi maputol putol na masamang tingin sakanya ng matanda, doon niya nakita sakanyang paanan ang tsinelas ni Iko. Kadalasan kasing ito ang gamit ng kanilang inang para pamalo sakanila pag matigas ang kanilang ulo, pero kadalasan din ay si Luna lang din naman ang suki.

"Saan ka nagpunta Luna!" sigaw ng matanda habang si Luna ay lumuluha na. Mababaw lang ang luha nito kaya kapag tinatanong siya ng mga bagay na kinaka konsensya niya ay napapaiyak na lamang ito.

"Tumambay lang po ako kila aleng Chit inang tapos napahaba po yung kwento niya kaya po inanyayahan niya akong doon na kumain, sorry po inang"

"Sa susunod, huwag ka ng lumabas ng gabi Luna ha. Kapag ito naulit pa, papalayasin na kita! Ni hindi ka man lang natinag sa nangyari kani kanina lang. Gusto mo na talagang mamatay! Kumuha ka ng kutsilyo at gigilitin ko yang singit mo"

"Inang naman eh" natatawang sumisinghot si Luna saka lumapit sakanyang inang para yakapin ito. "Pasensya na inang, di na to mauulit, di na matigas ulo ko, di na ako uuwi pag madilim na ang paligid, di na kita susuwayin, di na ako lalabas ng bahay, dito na l---" napatigil si Luna sa kanyang sasabihin, nadala na naman siya ng kanyang takot at lambing ngayon kaya kung ano ano na ang nasabi niya.

"Talaga?" malambing na tanong ng matanda.

"Oo inang, pwera lang pala sa huli hehehe i love you inang" mabilis niyang hinalikan sa pisngi ang matanda saka ito tumakbo papunta sa kanilang higaan at agad nagkumot. Iisa lang ang kanilang mahabang papag na hindi masyadong kataasan, magkakatabi na silang tatlo roon, sa gitna si Iko at si Luna naman ay sa pinaka gilid na kung saan ay may bintana sa kanyang tapat.

"Luna, anak, ayos lang naman na umibig ka. Sadyang wag ka lang padalos dalos at magpaka hibang, hindi dahil siya na lang lagi ang nasa sistema mo, ibig sabihin eh siya na talaga."

Bahagyang tumigil ang matanda saka umupo sa paanan ni Luna at hinaplos haplos ang kanyang hita, tahimik naman siyang nakikig sa kanyang inang saka napapaisip kay Doque.

Love, 121 (On Going)Where stories live. Discover now