Pauwi na ang mga magulang ni Bubbles galing sa kanilang lakad sa Norte, dalawang araw lang ang kanilang hiningi sa nahanap nilang businessman dahil walang magbabantay kay Bubbles at busy din naman ang businessman na kanilang kinausap.
Ni rekomenda ng kapatid ni Reynaldo na subukan niya ding pumasok bilang trabahador sa kompanyang pinapasukan nito sa Norte. Ang businessman na kanilang kinausap ay ang boss ng kapatid ni Reynaldo sa kompanya ng mga tabacco. Sinang ayunan naman nila ito kaagad, kaya biglaang humayo na sila kahit na walang naiwang magbantay kay Bubbles. Wala naman silang magagawa dahil para naman sakanya to.
"Bakit tahimik ka?" Biglang tanong ni Reynaldo kay Imelda na nasa tapat ng bintana ng sinasakyang bus.
"Parang may iba akong nararamdaman"
"Saang banda? Masakit ba ulo mo?"
Kinapa pa nito ang noo ni Imelda pero umiling lang siya.
"Den, yan ngang tubig" tawag nito sakanyang anak na nasa unahan nila.
"Inom ka muna ng tubig, pagod lang yan"
Hindi pa din umimik si Imelda dahil may iba talaga siyang nararamdaman, natatakot ito na may halong kaba at lungkot. Nasa kanyang isipan pa rin ang huling sinabi ni Sam bago nila iwan si Bubbles, paniguradong pagsisisi at pangungulila lang ito sakanyang anak kaya siya nakakaramdaman ng ganito.
Nangamba naman ang lahat kasama na si Louie dahil lumipas na ang 24 oras ay hindi pa gumising si Bubbles, ni paggalaw ng hinliliit ay wala man lang senyales.
"Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi pa din siya nagigising? Tapos na namin siyang i check at halos ayos na ang lahat, wala naman problema ang utak niya, bakit ganun?"
"Mas malaki naman ang porsyentong magigising siya pero bakit di pa siya nagigising?" tanong din ni Louie.
Ang daming katanungan na hindi nila masagot sagot sa kanilang isipan, at ni isa sakanila ay walang makagawang sagutin ito. Isang dalagang mahimbing na natutulog lang at bakas na bakas pa sa mukha nito ang kapayapaan, kapayapaan sa puso niyang nakakamit lang nito pag tulog.
----
"Magandang araw mang Berting!""Magandang araw din Luna! Bibili ka ba ng bigas ija?"
"Hindi po, magnanakaw lang hahaha"
"Loko kang bata ka hahaha"
"Biro lang po hihi"
Kararating lang ni Luna sa pamilihan ng bigas na kung saan magpapa reserba ito para sunduin na lang ng sasakyang kuliglig mamaya pagka uwi nila.
"Magpapa reserba po sana ako ng isang sakong bigas sabi ni inang, susunduin po na lang namin mamaya bago kami umuwi"
"Oh sige halika rito at ipapakita ko sayo ang iba't ibang klase ng bigas, para sa paglaki mo mag negosyo ka din ng bigas"
"Mang berting naman, gusto ko pong sundan ang taong mahal ko kung saan man siya mapunta"
"Ngik! Anak ng.. bata ka talaga, sasayangin mo lang ang iyong oras at lakas sa mga walang kwentang bagay na yan. Hindi ka dapat maghabol sa kahit na sino man, kahit na mahal mo! Sapat ng malaman mong mahal ka din niya!"
"Eh pano po kung hindi ko naman alam na mahal niya ako?"
"Aba edi tanungin mo, wag ka lang makiramdam saka mo bibigyan ng kung anong kahulugan at lebel ang pinaparamdam niya sayo, ika nga nila, wala kang makakapa sa dilim kung walang ilaw. Yung ilaw ang nagsisilbi para makita mo ang katotohanang naikukubli sa dilim, wag ka lang mangapa at magbulag bulagan, hindi dahil may nakapa kang mahaba't matigas e titi na niya, baka talong lang yun na hindi pa hilaw."
YOU ARE READING
Love, 121 (On Going)
RandomHow far can you endure the tragic love once it happens to you.