#WIWY04 - Chapter 04
It's been 30 minutes since we talked at nung pinaliwanag ko ang gagawin non. Sobrang awkward lang kasi we just met last week and I left him alone there while raining and now? I'm temporarily tutoring him to his advance studies dahil sa konsensya ko.
"Jeez, ang hirap naman nitong part na 'to." I heard him whispered kaya naman napahinto ako sa pagbabasa para dapuan siya ng tingin.
"Ano ba 'yan? Patingin nga," I said at lumipat sa tabi niya.
He handed me his questioner habang pinaglalaruan ang pencil sa kamay niya, "Madali lang 'to, nadagdagan lang ng given pero same formula pa rin gagamitin mo." I smiled and handed it back to him.
He sighed, he's really serious right now... dapat lang.
"I tried but it was wrong. I'm confused now," he said and cupped his face.
I looked at him, "Okay, let's try again."
Inabot ko 'yung paper at binasa ulit ang problem, I teach him step-by-step again.
Natutuwa talaga ako! I thought isa lang siyang nilalang na puro basketball lang at chismis ang alam, pero mali pala ako. He's serious din when it comes to his academics.
"Oh diba!" I said and circled the answer.
"Patingin nga," kaya naman lumapit ang mukha niya sa akin.
Busy siya sa pagtingin ng process while I'm busy looking at his perfect face.
He pressed his lips, shit. Natural na pink 'yung mga labi niya at 'yung mga mata at ilong niya? Parang nung nagpaulan ng kapogian sa mundo, gising at handa 'yung mga magulang niya para paulanan siya! Jusmeyo, kaya pala iba ang tama ng mga Gomez de Liaño.
He looked at me, "Ano masyado kang naggwapuhan sakin?" he asked.
Napaiwas ako ng tingin, "Hindi ah, napansin ko lang na ang lalim ng eye bags mo." I reasoned out at umikot na ulit para bumalik sa upuan ko, "Try mo minsan mag eyes cream." I said kaya naman napakapit siya sa ilalim ng mata niya.
Masyadong kasing mapangakit 'yang mga mata mo.
Mabuti na lang at tumunog 'yung telepono ni Anton, kaya naman nagising siya.
Nakatingin lang sa akin si Joe kaya naman itinaas ko ng bahagya 'yung librong binabasa ko. Napatingin naman si Anton at sumenyas na sasagutin niya lang muna ang tawag kaya naman naglakad ito palabas ng Library.
"Student mo na naging crush mo? O kaklase mo?"
Napakunot ako ng noo, "Partner ko sa halos lahat ng activities ko ngayong sem."
He nodded at mukhang nagdadalawang isip pa kung itatanong niya ba 'yung nasa utak niya nagyon.
"Since kailan pa?" he seriously asked.
I looked at him habang naka kunot ang noo, "Ano?"
"Mo naging crush si," at nginuso si Anton.
"Sabi ko naman sa'yo na, it's none of your business diba?" I repeated.
Bumalik din agad si Anton kaya nag-simula muli ako sa pagbabasa, "Hey," tawag niya.
"Hmm?"
"I'll go na," he said. Ayo slang naman sakin, tapos na rin naman 'yung part niya. "Pinapatawag ako ni Coach Ato."
I simply nod, "Okay."
"Just text me if you need my help."
"O-okay."
BINABASA MO ANG
When It Was You - Joe Gomez de Liaño (Editing)
FanfictionA Joe Gomez de Liaño Fanfiction