Chapter 03

719 20 8
                                    

#WIWY03 - Chapter 03

Ang kabang bumalot sakin kanina ay mabilis na napalita ng inis, sobrang daldal naman nitong mga lalaking 'to! Hindi tuloy pumapasok sa utak ko lahat ng binabasa ko! Partida gumagawa 'yan ng activity habang nagdadaldalan a!

Ibinaba ko ang libro at naglakad papunta sa kanila, "Pwede bang pakibawasan 'yung ingay niyo, ano bang pinagtatalunan niyo?" I asked kaya naman napahinto sila at binalingan ako. Napatingin ako kay Joe, nakangiti lang siya sa akin.

"Kasi tanong ng tanong 'to," 'yung isa at nagpatuloy na lang sa pagsasagot.

Natawa na lang 'yung tinuturo niya habang nagsasagot.

I just looked at him at umiling, babalik na sana ako sa upuan when one of his teammates called me.

"Ms. Llamanzares," he called, si Kobe ba 'yun?

I looked back, "What?"

"How did you get this?" he asked.

"Uhm, first analyze the given situation." I started.

Kahit na maingay sila, they seem really interested to learn. Lahat sila ay nakikinig sa paliwang ko, kahit na pangal na ang bibig ko at tuyo na ang lalamunan ko. Ayos lang kasi, tungkol pala sa lesson 'yung pinagtatanungan nila.

After a few minutes, naintindihan na raw nila. "Gets mo na?" I asked kahit na feeling ko matutunaw na ako anytime dahil sa titig ni Joe.

They nodded, "Thanks, Mam."

I walk papunta sa harap, it's already time.

"Hala, time na." I said.

"Time na raw para i-comfirm mo si Joe sa facebook," si Juan kaya naman nagkaingay 'yung klase at inasar ako.

"Rawr!" sigaw nung Ricci.

I closed my eyes and exhaled, "Okay, pass the papers forward."

"Wait! Five minutes!" kaya naman natigil sila pangaasar.

Jusko talaga, ang lalakas mangasar. I gave them extra five minutes, "Time's up! Pass the papers."

Tahimik kong nireceive 'yon isa-isa at binalingan sila, "No more questions?" I asked.

"Single ka raw ba?" si Kobe kaya umingay ulit ang klase.

"Ms. Nikola, if you're available raw ba later?" si Juan ulit, pinipigilan ko ang sarili ko na bumaling sa direksyon nila at nagbingibingihan,

"Okay, dismiss. Have a nice day!" I smiled.

"Thank you, Ms. Llamanzares." Some of the students thanked.

"Review the topic ha," I added.

Agad naman silang nagtayuan at mabilis din nag-alisan. Nangigigil nako sa mga 'to, ang lalakas mangasar. Akala mo naman close kami!
I'm busy fixing my things when Joe walk towards me, "Hey." Mukhang may sipon at ubo pa siya dahil ipit 'yung boses.

"About what they said a while ago—" I cut him at umangat ng tingin.

"I'm busy," I seriously said.

"I know but Prof. Montecarlos used to teach us the next topics since nalalapit na 'yung season," he reasoned out. "Para you know, we can catch up."

I rolled my eyes and continue, "Please, Nikola."

My eyes automatically look for them. Nakadungaw siya ngayon sa pinto, parang nanonood lang ng movie at inaabangan 'yung pinaka exciting na scene?

"But I'm not Prof. Montecarlos," I reply calmly.

When It Was You - Joe Gomez de Liaño (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon