#WIWY13 — Chapter 13
Bumusina si Dad para maagaw ang atensyon ng mga nakakatanda na sa tingin ko ay ang mga malalapit niyang kaibigan noong high school.
"Is that, Anna? Omg, nakauwi na pala sila ni Bert galing ng Spain!" si Mom na nagmamadaling bumaba upang puntahan ang mga kaibigan.
Wait, Anna? Her face was familiar! I saw her one time at my photo album nung first birthday ko! Mom told me that Tita Anna was her best friend way back in high school!
So she was the Mother of the Gomez de Liaños?!
I looked at my brother, matalim ang tingin niya sa akin bago bumaba ng sasakyan. Sabay tingin kay Joe na direktang nakatingin sa pwesto ko, para bang walang tinted na salamin ng sasakyan ang nagtatago sa akin.
Kaya ba sabi ni Mom kanina na hindi naman daw iba si Joe sa amin, kasi kaibigan niya ang parents nito? Wow, Nikola! What a small world!
Kinatok ni Kuya ang bintana ko, 'di ko namalayang ako na lang pala ang hinihintay nila na bumaba. Abala sila Papa sa pakikipag kamustahan, while Kuya opened the door for me.
"Walang balak bumaba?" he asked.
"Suplado mo naman!" ngumuso ako at pinagmasdan ang nakabusangot niyang mukha.
"Huwag mo kong simulan, Nikki." Irap pa nito.
Inirapan niya ulit ako at inabot ang kanyang kamay para alalayan ako sa pagbaba, tinaggap ko 'yon at niyakap siya. "Kuya, gumagwapo ka ata lalo?"
Mas lalong kumunot ang noo niya, "Isa pa, sinasabi ko sa'yo!"
"Totoo nga! Parang maaliwalas ang aura mo the past few days, may girlfriend ka na ba? May chance na ba kay Kaila?" biro ko pa.
Tama si Kaila. I know na ever since na me and Kai became friends, gustong gusto na ni Kuya si Kaila, kaya 'yung galit niya kanina ay hindi ko alam kung para sa akin ba na hinatid ako ng lalaki o para kay Tyler dahil sa ginawa niya kay Kaila.
Sobrang gusto niya si Kaila and I can't blame him. My friend is such an awesome person. She's so genuine and precious. Sobrang masayahin din and carefree kaya siya nagustuhan ni Kuya.
I advised my brother to pursue her, pero laging pinagsasabukas. Until, Kaila committed in a fixed marriage to Tyler just this year. Sayang, tuloy ngayon close ang kapatid ko sa mga relationships or what hihintayin pa rin ata si Kai.
"Nikki, tumigil ka nga!" si Kuya na nagpipigil ng ngiti at inakbayan ako para guluhin ang buhok ko.
Nakakatawa talaga 'tong kapatid ko! Every time na sinasabi ko 'yung name ni Kai, ngumingiti na na parang baliw! Nakakatuwa kasi kahit papano napapangiti siya pero sobrang sakit din kasi patuloy pa rin siya na umaasa, sa totoo lang.
Hindi ko namalayan na nakatingin pala sa amin ang mga kaibigan ni Mom, "Nako, ang sweet naman ng mga anak niyo Gil at Gigi!"
Natawa si Mom, "May atraso kasi ang bunso sa Kuya kaya gano'n, Anna!" rinig kong usapan nila habang papalapit kami.
Kinalas ni Kuya ang akbay para batiin ang mga kaibigan nila Mom, "Magandang gabi po, Tita Anna, Tito Bert!" bati ni Kuya at tinanguan ang magkakapatid sa likod.
Gosh, paano ko sila babatiin? Ma'am, Sir?
"Magandang gabi po, Tito Roy!" bati nito sa isang lalaki sa gilid. Kuya looked at me hudyat na ako naman ang babati. Jusko, gagayahin ko na lang si Kuya!
"Good evening, Tita Anna and Tito Bert." I greeted and smiled, "Good evening din po, Tito Roy!"
Tito Roy and Tito Bert smiled back and nod.
I looked at Tita Anna, she looked nostalgic with her teary eye pa, "My god! I really missed the two of you!" Yakap niya kay Kuya at sa akin.
She smiled at me, "Nako, I remember the last time I saw you. You're in grade two no'n! Tapos ngayon, college ka na!" she giggled. "Ito kasing si Gigi, 'di ka na sinasama every time na magkikita kami!"
Natawa naman si Mom, "Alam mo namang kailangan namin lumipat ng Cebu no'n dahil kailangan kami nila Papa. Tapos, nung nag high school naman sila, sobrang busy na sa school at pagbibinata at pagdadalaga kaya mahirap ng bitbitin sa mga lakad natin!" tawa ni Mom at nakipag high five kay Tita Anna.
When I was in grade two we flew to Cebu and live there temporarily, since Mom and Dad will be leading our family business there. Lolo was diagnosed with a cardiovascular disease and he advised to flew to States for the treatment. He left our family business to Mom, since Mom is his only child na interesado sa aming negosyo.
We stayed there until maka pagtapos ako ng grade school. Lolo recovered bago pa ako mag high school kaya naman Mom and Dad decided na bumalik kami ng Manila para dito na namin ipagpatuloy ni Kuya Niko ang pag aaral.
Maraming kinukwento si Tita Anna sa akin, hanggang sa makapasok kami sa garahe ng mga Gregorio.
So it's not really a high school reunion na lahat silang magkakabatch! Sila lang palang magkakaibigan noon!
"You know what, you used to call me Mama Anna way back then!" kwento pa niya, "I was happy kasi kahit papaano, hindi nalulungkot si Joe no'n kasi may kalaro siya! Sobrang close niyo, babies pa lang kayo!"
"P-Po?" I asked again. Kaya naman napatingin ako kay Joe, what? Kalaro? Close?
Naghiwalay lang ang tinginan namin ng inilahad sa amin ni Tito Roy ang uupuan namin, kasama namin sa lamesa si Tita Anna at Tito Bert.
"Anong course mo?" Tita Anna asked.
I looked at her, "BS Mathematics po, Tita."
Agad naman itong tumango, "Really? So it's true na ikaw ang tutor ni Joe?"
I looked at Joe, he's just watching me seriously. Waiting for my answer, "Yes po."
"What a small world!" si Tito Bert.
Tumayo si Mom and Tita Anna, "Magsisimula na ang program, alis muna kami. Kami ang host!" tawa ni Mommy.
Tumayo rin sila Dad, "Sige, punta na kami doon!" si Tito Bert at tinuro ang mga kaibigan na nagtatawanan.
"Babalik kami!" tawa ni Dad.
Hinatak na ni Mommy si Tita Anna pero bumaling muna ito sa kay Joe at sa akin, "Seat beside Nikki, Joe!" she said. "You should hang out, you missed a lot of things! Sali kayo mamaya sa games ha!" bilin nito at nagpahatak na kay Mommy.
Napainom na lang ako ng tubig habang nagmamasid sa palagid. I saw Kuya he's with Diego now and other Gregorios. I also saw Juan, he's with Andy? I'm not sure about her name pero it seems like they really knew each other so much.
"Umupo ka na don, ang kulit mo e." I heard Javier from my back.
Agad akong lumingon saktong paghatak ni Joe sa upuan sa tabi ko. He smiled at me 'tsaka bumaling sa kapatid na humahagikgik.
"Hi," he greeted at tuluyan na umupo.
"Bakit dito ka uupo?" I asked and looked away.
I heard him chuckles, "Suplada."
"Ano?" Asking for him to repeat what he said.
"Wala, sabi ko ang liit ng mundo." Aba loko 'to ah!
![](https://img.wattpad.com/cover/178042970-288-k464210.jpg)
BINABASA MO ANG
When It Was You - Joe Gomez de Liaño (Editing)
FanfictionA Joe Gomez de Liaño Fanfiction