#WIWY09 - Chapter 09
I woke up early the next day. Medjo masakit pa ang ulo ko dahil tinapos ko pa ang mga homeworks na dapat gagawin ko pag katapos ng breakfast kaso dumating si Anton at anong oras na rin nakauwi.
"What happened when we go home na?" panguusisa ni Yob.
"How long pa siya nag-spend ng time sa house niyo?" Kai giggled.
Nasa UPTC kami ngayon para kumain, vacant namin ni Yob. Ganon din sila Kai sa Ateneo, while 'di naman sumama si Ara dahil may gagawin pa raw siya para sa upcoming event ng College namin.
"Ano ba? Hindi nga kayo nag-paalam na uuwi na kayo! Hindi ko man lang kayo naasikaso!" I replied at nagpatuloy sa pagkain.
"Hoy, masyado kang mapagkunwari na inaasikaso mo kami!" Yob commented. "Tsaka hayaan mo na kami, second home kaya namin ang bahay niyo!"
Tama naman si Yob, kung maka asta kasi ang mga 'to sa bahay akala mo dun sila nakatira. Sobrang close na nila kala Manang at iba pang tauhan sa bahay!
"True," pagsangayon ni Kaila. "Baka ayaw mo lang na ichika samin kasi may ginawa kayo na kinakahiya mo?" dagdag niya at nanliliit na ang mata.
Nabilaukan naman ako sa pinagsasabi ni Kaila. Jusko, 'di ko akalain na aabot sa ganto ang pagiisip nila! I can't believe this! Masyado na talaga ma-issue 'to mga kaibigan ko!
"Oh, tignan mo! So, ibig sabihin may ginawa talaga kayo? Hay nako, ayaw i-share ha!" si Yob na tila nangongonsensya pa, "Hindi ko naman isusumbong kay Tita Gigi kung bumigay ka agad kay Anton at gumawa na kayo o nag explore na ng mga kalokohan-"
"What the hell!" I hissed, "Nagusap lang kami! Ano bang pinagiisip niyo! Ang dudumi ng utak niyo!" pagdidiin ko.
"Sure?" si Kaila, inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.
Natahimik naman ang dalawa at halatang nagpipigil ng tawa. Hanggang sa may lumapit sa amin na staff ng shop.
"Excuse me po," bati nito.
"Yes?" si Yob.
"Puwede ko po bang kunin 'tong dalawang upuan?" si Kuyang staff.
"Huh bakit naman?" si Kaila.
Hindi masyado dinadagsa 'tong cafe na 'to sa UPTC, kaya naman madalas kami rito ng mga kaibigan ko. Actually, regular customer na kami rito. Pero the past few days napansin ko na medjo dumadami na ang tao rito, no doubt kasi masarap at affordable naman 'yung meals nila kaya naiintindihan ko na agad ang sinasabi ni Kuyang staff.
"Uhm, kasi po Ma'am may bago po kaming customer kanina pa po kasi nag hihintay." si Kuya at napakamot pa sa ulo.
I smiled, "Sure." at niligpit ang mga gamit ko na nakapatong doon.
Ako lang naman ang umuokupa sa lamesang 'yon, gawa ng marami akong gawain na nakalabas.
"Salamat po, Ma'am." si Kuya na tinutulungan ako na mag-ayos ng gamit.
"Kasi naman, si Nikki e! Kalat kalat ang gamit!" tawa ni Yob.
I stopped and looked at him, akala niya siguro 'di ko papalagpasin 'yung kadumihan ng utak niya!
"Joke," he awkwardly laughed kaya natawa si Kaila.
"Loko-loko ka talaga, Nikki-"
"Kaila?" a voice called.
"T-Tyler?" nauutal niyang tugon kaya naman napaangat ako ng tingin.
Si Tyler Tio, fiancé niya...
![](https://img.wattpad.com/cover/178042970-288-k464210.jpg)
BINABASA MO ANG
When It Was You - Joe Gomez de Liaño (Editing)
FanfictionA Joe Gomez de Liaño Fanfiction