#WIWY00 - Chapter 00
Minsan sa dinami daming tao na nakakasalamuha natin sa araw-araw, hindi natin namamalayan na isa sa kanila ang nakatadhana sa atin.
"Tara na kasi, Nikki! Busog na mga mata ko kakasilay sa mga schoolmates nating pogi, sikmura ko naman ang gutom!" si Yob isa sa mga kaibigan ko simula pa nung high school.
Napatingin ako sa paligid. Bukod sa isa ito sa mga paboritong tambayan naming magkakaibigan dahil presko at marami raw na gwapo, paborito ko rin 'to dahil tanaw ko mula dito si Anton.
"Nikki, baka matunaw." Bulong ni Ara kaya naman napailing na lang ako.
"Tara na kasi, kaklase mo naman siya sa halos lahat ng subject mo." Patuloy ni Yob, "Hindi pa ba sapat 'yun para makatitig ng bongga kay Anton?" iling niya.
I heavily sighed. Simula pa nung high school gusto ko na si Anton. Sobrang bait niya kasi at magaling pa mag-football, kaya I no doubt na siya ang crush ng halos lahat ng babae sa CSA noon.
"Tara na nga," I simply said and keep my things.
"Good! Nakonsensya ka rin na baka isa ka sa maging dahilan ng pagkamatay ko sa gutom!" Yob laughed.
I just smiled and shook my head, baliw talaga ang baklang 'to.
Agad na nagpaunahan ang dalawa na tumakbo papunta sa waiting shed kung saan dun lang pwede magbaba at magsakay ng mga estudyanteng pasahero. Medyo malayo pa 'yon mula sa pinwestuhan namin, ayoko na rin makisabay sa kanila sa pagtakbo dahil alam ko naman na hindi ako mauubusan ng jeep sa buong UP.
For the last time, sinulyapan ko si Anton. Pakshet, bakit ang cute niya?
"Nikki!" rinig kong tawag ni Ara.
Susunod na sana ako sa kanila pero I was bumped by someone kaya naman nalaglag ang mga libro kong dala. Ang masama hindi man lang siya tumulong sa pagpulot ng gamit ko, grabe, kahit sorry wala man lang?
"Shit," I hissed.
Mabuti na lang his friend helped me with my things, "I'm so sorry, Miss." His manly voice whispered and kneel.
I just shook my head and continue picking my things as fast as I can. I looked at him, naka pout siya while helping me.
"Thank you," I said at tumayo na.
He smiled, "No problem." He had those curly hair and deep brown attractive eyes. Matangkad din siya, obviously he's into sports. He looks like a foreigner or half?
"I'm really sorry about my brother, he's just not in the mood." He explained kaya naman napatingin ako sa direksyon at tinanaw ang kapatid niya na patuloy lang sa paglalakad.
I nodded, "No it's okay." I said at napatingin na lang sa direksyon ni Anton, I don't need his explanations bakit ba niya pa pinapaliwanag?
"By the way I'm Joe." hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil bigla akong kinaladkad ni Yob.
"Nikki, tara na!"
I looked at him, "I'll go ahead, bye." And smiled.
He just waved his hand and shrugged.
Kinaladkad ako ni Yob at pumara ng Jeep, "Jusko naman, Nikki! Sino naman 'yon?" tanong ni Ara hanggang sa makasakay kami sa loob.
"Hindi ko alam," I shrugged.
Ara smiled meaningfully, "Ano 'yon? Pamalit mo kay Anton?"
I rolled my eyes, "I don't know him, he's just Joe."
BINABASA MO ANG
When It Was You - Joe Gomez de Liaño (Editing)
FanfictionA Joe Gomez de Liaño Fanfiction