#WIWY10 — Chapter 10
Nabalot ang buong sasakyan ng hikbi ni Kaila. We seriously don't know what to do, since 'di naman namin naeexperience pa ang pinagdadaanan niya. Kaya naman tanging pagcomfort na lang ang naiibibigay namin as her friends.
"Bwiset talaga 'yang lalaking 'yan! Wala ng ibang ginawa kundi ang paiyakin ka!" nangigigil na sabi ni Yob. "Kapag nakita ko 'yang si Tyler? Nako, tutupiin ko 'yan sa walo at papagulpi ko sa mga ex ko sa Ateneo!"
I looked at Joe to see his reaction, but he's just seriously driving na para bang walang naririnig.
Ang daldal ni Yob, baka mamaya kunwari lang 'tong walang naririnig! Baka nirerecord niya lang para isend kay Tyler! Jusko kung ano iniisip ko! Eto kasing si Yob e!
I turned at them, "I'm sorry." I said, "Kung hindi ko sana pinili 'yung cafe na 'yon edi sana 'di kayo nagkita."
"N-No," si Kaila. "W-Wala kang kasalanan, w-we used to eat t-there naman e." sabay pahid sa luha. "M-Masyado lang ata t-talaga akong d-desperda sa kanya—"
"Don't say that!" si Yob at niyakap ang kaibigan namin na lumalakas ang paghagulgol. Inabot ko ang kamay nito at ngumiti.
"You're not, Kai." I sadly smiled.
Nabalot na ulit kami ng katahimikan kaya naman umayos ako ng upo at naabutang nakatingin si Joe sa akin, then he turned at Kaila.
"I'm sorry, Kaila." si Joe, bakit naman siya nagsosorry? 'Yung kaibigan niya kayang bubwit ang may kasalanan.
"W-Wala kang kasalanan," si Kaila.
"You know what? It's my fault, as Tyler friend I shouldn't let him do that. You're his fiance, dapat pinagsabihan ko siya." Joe's manly voice filled the car.
I'm just watching him, "I'm so sorry, Kaila. In behalf of Tyler, please don't say that you're desperate because that's not true. You just loved him," and looked at me and smiled.
I didn't expect na he'll act that way. I thought magiging tahimik lang siya buong biyahe pero I was wrong, he apologized to Kaila with his heart felt words.
Hanggang sa makarating kami sa bahay ni Kaila, sinamahan kami ni Joe.
"Please don't tell Mommy about this, just tell her that I was stressed at school. Kaya ganto," she said.
Agad kaming sinalubong ng Mommy ni Kaila, I can see in her eyes na naguguluhan ito sa nangyayari.
Sinubukan niya na harangan ito pero dirediretso lang ito hatak hatak si Yob na lumingon sa akin, para bang hinihiling na ako na ang magpaliwanag sa nangyari kay Kaila at pagtakpan ito.
"Hello po, Tita." I greeted at nakipagbeso.
"Hello, Nikola." she greeted back, "What happened to Kai?"
I took a deep breath and smiled sadly, "Stress lang raw po sa school, may hinahabol po kasi na grade para maging lister ulit."
Tita shook her head, "Hay nako, masyado na atang nagpapakastress sa school! Sinabihan ko na 'yan!"
I awkwardly smiled, "Alam niyo naman pong dedicated si Kaila sa pagaaral."
Ngumiti rin si Tita, "I know, hija. Pero kasi baka nagpapaapekto nanaman sa sinasabi ng Lola at Dad niya." at napakamot pa sa ulo, "Susundan ko nga, kakausapin ko muna—"
Agad ko naman siyang pinutol, "Nako, Tita! Okay naman po, nandito naman po kami ngayon! Ipagbake niyo na lang po siguro, pampagaan po ng loob! Alam niyo naman pong paborito niya 'yung chocolate chipped cookie niyo!"
Napatango naman ito, "Ay oo nga! Magandang idea 'yan, Nikola!"
Napahinga naman ako ng maluwag pero bumalik itong muli kaya naging mabigat muli ang bawat paghinga ko, "Nga pala, sino naman 'tong gwapong 'to?" Tita asked and looked at me meaningfully.
Nagkatinginan naman kami ni Joe, ngiting ngiti ito. Para bang tuwang tuwa dahil tinawag na gwapo! Aba'y loko loko!
"A-Ay nako po, T-Tita!" kamot ko sa ulo, "S-Si Joe po, tinututor k-ko po." I said and awkwardly laughed.
"Nice to meet you po, Ma'am. I'm Joe Gomez de Liaño," Joe said at naglahad ng kamay.
Tinanggap naman ito ni Tita at ngumiti, 'tsaka bumaling sa akin. "Ano bang tinuturo mo rito, Nikki?"
"Math po—"
"Talaga? Akala ko tinuturuan mo magmahal," banat ni Tita and smiled meaningfully bago kami iwan doon.
Jusko naman si Tita! Alam ko na kung saan nagmana si Kaila! Sobrang kulit!
"Namumula ka?" si Joe.
Agad naman akong napatingin sa salamin ba katabi ko at umiling, "Hindi no!"
"Talaga ba? Kinikilig ka ba?" pangaasar pa nito.
"Hoy, Natural 'yan no!" I said bago maglakad paakyat ng kwarto ni Kaila.
Naiwan siya roon at habang nagpipigil ng tawa, loko talaga! Baka siya 'yung kinikilig dyan!
"Nikki, I'll wait here." he said habang paakyat ako ng hagdan.
"Heh! Umuwi ka na, baka hinahanap ka na sa inyo!" I said at hindi siya nilingon.
"No, I'll wait for you." natatawa niyang sagot.
Bakit ganto 'tong lalaking 'to! Sobrang feeling close na nga nung una naming pagkikita, ang lakas pa mang asar!
Pagkapasok ko doon tahimik lang sila, umupo ako sa gilid ng kama ni Kaila.
"Nakatulog na si Kai, pagod na pagod siguro kakaiyak." si Yob na nakatingin sa akin.
Tumango ako at napalingon sa kaibigan, pulang pula ang ilong niya.
"Pupunta raw sila Ciara mamaya, pagkatapos ng klase. Nagbabalak na mag-overnight."
I sadly smiled, "Pass muna ako, sasamahan namin si Dad mamaya. May dinner kami with his highschool friends."
Yob nodded, "I know, sinabi mo na 'yan kanina kay Anton kanina nung niyaya ka niya ngayong gabi. Akala ko palusot mo lang, pero narealize to na sasama ka naman basta't si Anton, kaya totoo 'yang dinner na 'yan. Unless may bago na?" Ngumiti siya sa akin habang nanliliit ang mata.
"Grabe ka talaga! 'Tsaka wala no!" I rolled my eyes.
"Sus, kunwari ka pa! Haba kaya ng hair mo, naaapakan ko ba?" at nagkukunwari na umiiwas na apakan ang buhok ko raw.
"Loko ka."
"Nga pala umuwi na ba si Joe?" He asked.
"Siguro, sinabihan ko na kanina e." Umiwas ako ng tingin.
"Ah okay," ngiti nito na para bang nangiintriga. "Ano feeling ng tutor ng isa sa mga Gomez de Liaño?" tanong nito.
"Hindi pa nga kami, nagsisimula no." I said.
"Pero close na agad kayo?" pangbara niya.
"Hindi kami close," I fired back.
"Talaga ba? Kung ganoon ano pinagusapan niyo kanina nung pinagbuksan ka niya sa front seat?" aba ang kulit nitong baklita na 'to!
"Wala naman," Irap ko.
"Hoy, kilala kita Nikki. Hindi na ako magugulat na magkakadevelopan kayo since magiging madalas kayong magkasama!" ngiti niya at tinusok ang tagiliran ko.
"Hay nako! Hindi naman 'yon, na kay Anton lang kaya ang loyalidad ko kahit madalas ng naging weird ang actions niya. Since high school kaya, kaya feeling ko siya ang plot twist ko this year!" I replied.
Natawa naman siya, "Pasintabi pero walang kayo ni Anton," he said. "Kaya huwag kang magsalita ng tapos, sige ka kakainin mo lahat ng sinabi mo. Baka si Joe maging plot twist mo!"
Uminom ako ng tubig, iniiwasan na isipin na maaring may posibilidad na mangyari ang sinasabi ni Yob. Maaring tama siya, maaring maging si Joe ang plot twist ko.
Hay buhay, bahala na si Batman.
BINABASA MO ANG
When It Was You - Joe Gomez de Liaño (Editing)
FanfictionA Joe Gomez de Liaño Fanfiction