Chapter 11

357 12 4
                                    

#WIWY11 - Chapter 11

Ilang oras lang ang tinagal ko sa bahay nila Kaila dahil pupunta nga kami sa highschool reunion ng parents ko. Hindi na inisip na nag-ditch lang naman ako ng class!

"Pahatid ka na lang kay Manong, Nikki." malumanay na sagot ni Kaila.

I shook my head, "Nope. Labas na lang ako ng village niyo para sa taxi na binook ko," I smiled.

Umupo siya, "Nikki." she called, "Huwag ka ng makulit, ako na nga nakaistorbo e."

I sighed at tumayo na sa pagkakaupo, "Okay, sige na." pagsuko ko.

"Tara, hatid ka na namin sa baba." si Kaila.

"Huwag na, ako na lang." si Yob. "Pahinga ka na muna, Kai!"

"Ang kulit niyong dalawa, para naman akong may sakit! Broken hearted lang ako, pero kaya ko pang maglakad!" ani Kaila at nanguna palabas. "Tara na!"

Tama si Kaila, at alam namin ni Yob na hindi namin siya mapipigilan. Naawa lang ako dahil pagod na siya, mentally and emotionally pero pinipilit niya pa rin na magpanggap kahit na sa totoo lang sobrang nasasaktan na siya.

Sa bawat hakbang pababa ng hagdan, 'di ako mapakali dahil kahit papano umaasa ako na hindi ako iniwan ni Joe.

Hindi ko alam? Pero basta, pinanghahawakan ko 'yung sinabi niya na hihintayin niya ko at ihahatid niya ako pauwi.

"Manang si Mommy po?" Kaila asked to Manang ng nakababa na kami.

Pagbaling ko sa sala nila Kaila, nanghinayang ako na wala na siya. Siguro, pinuntahan niya si Chlea? Siguro nainip na?

"Ay bakit malungkot?" pangaasar ni Yob at kinalabit ako.

"Nasa garden, kasama ang Ahia mo 'tsaka 'yung lalaki na naghatid sa inyo kanina." sagot nito at napakamot pa ng ulo, "Sino ba 'yon? Joe ba o Job?"

Tinusok ni Yob ang tagiliran ko, "Ay hala, haba ng hair!"

"Ano ba, Yob!" at kinapitan ang daliri para 'di na umulit pa.

"Bakit nobyo ba 'yon ni Nikki?" panguusisa ni Manang Rosie.

Agad akong umiling, "Nako, hindi po manang!"

"Talaga ba?" ani Manang.

I shook my head at tinaas pa ang kanang kamay, "Promise po!"

Natawa naman sila, "Kung maka deny parang nakapatay ah!" tawa ni Yob.

Makahulugang ngumiti si Kaila at bumaling kay Manang, "Sige po Manang, puntahan lang namin ang nobyo ni Nikki."

Ngumiti si Manang at nagpaalam ng umalis, "Sige na, magluluto na ako ng hapunan! Ingat sa paguwi, Nikki!"

Nang makaalis na si Manang, Kaila looked at me and nudged me.

"May something ba sa inyo ni Joe?" si Kaila.

I shook my head again, "Wala nga kasi!"

"Alam mo Kai, kanina I told her the possibilities na baka magkagusto sila sa isa't isa since madalas nga sila magkakasama right?" paliwanag ni Yob.

Kaila nod and nag thumbs up pa, "Right! Right!"

"I already told you that Anton is the one that I liked," hinilot ko ang sintido ko. "Tigilan na natin 'tong usapang 'to, please."

Natawa naman ang dalawa, "I won't stop, Team Joe ako!" si Kaila. "Ang manhid kasi ng Anton mo!"

"Lol, you're not even our schoolmate, Kaila!" I rolled my eyes.

"Same, kahit nakakakilig kayo ni Anton, I'll go with Team Joe!" si Yob at nakipag high five pa kay Kaila.

Hindi ko na kinibot pa ang dalawa, nanguna na ako sa paglabas ng pinto para sana magpaalam may Tita Angie pero agad naagaw ni Joe ang atensyon ko.

"Akala ko umuwi na?" Yob asked.

Akala ko rin, I told to my self. He immediately glared at me, wala ng paki sa sinasabi ng kausap na si Amchel. Kaya naman tumingin din si Amchel sa akin.

"Oh, hija, you're going home na?" Si Tita Angie habang binababa ang iniinom na tsaa. "Mag mirienda muna kayo, marami pa naman akong pinahanda."

"Ah, hindi na po, Tita. Naka book na po ako ng grab, waiting na lang po." I smiled.

"Grab?!" tanong nito, "Para san pa na hinintay ka ni Joe? Cancel your grab!"

Napakamot ako sa ulo, "Ayon nga, Tita! Nagmamatigas pa!" si Yob naman ang humirit ngayon.

I looked at Yob at inirapan ito, kasabay non ang pagdating ng mga kaibigan namin.

"Kailaaa!" si Ciara.

Pero natahimik ang lahat ng mapansin lang naman na may isang Gomez de Liaño sa teritoryo nila Kaila.

Agad nilang tinignan si Kaila, he immediately shook her head at nginuso ako. Nagkaintindihan naman ang mga baliw at napabaling sa akin ang mga baliw at nang aasar akong tinitigan.

Tumunog ang phone ko at naka tanggap ng text message mula sa aking bakulaw na kapatid.

Kuya:

Where are you? Papa is home, hinahanap ka na.

"Uh, Tita, I'll go na po." I said at bumeso.

Agad namang tumayo si Joe para magpaalam sa kapatid kay Amchel at Tita Angie. Nagpaalam naman ako sa mga kaibigan ko at kumaway.

"Magiingat kayong dalawa, Joe at Nikki." paalala ni Tita.

"Ingat sa inyo," si Iska.

I looked at Ara, but she looked away.

"Let's go?" anyaya ng malalim na boses ni Joe.

He opened the door for me, dahilan para magkagulo ang mga kaibigan ko.

"Nikki, text na lang ha!" si Kaila.

I just smiled and waved my hand. Umikot si Joe para makasakay at pinaandar na ang engine, bumusina siya ng dalawang beses para magpaalam muli.

They all waved their hand, hanggang sa makalayo na kami.

Habang papalabas sa subdivision nila Kaila, iniisip ko kung ano ba ang nangyayari kay Ara? Bakit parang may kasalanan ako sa kanya kung makaiwas siya? Galit ba siya?

Napatigil ako sa pagiisip ng lumiko si Joe sa drive-thru ng isang kilalang fastfood chain. Sa pagkakatanda ko, iniindorse 'to ng mga kapatid niya.

Anong ginagawa namin dito?

"Nikki, anong gusto mo?" his calm voice ask.

Nakakunot noo ko siyang nilingon, "Huh?"

"Anong gusto mong kainin?" he asked again.

"N-No, 'wag na. Busog pa ako," I shook my head kasabay non ang pagkalam ng sikmura ko.

He smirked, "Talaga? Busog ka pa?"

Fuck. Nakakahiya naman 'to, ngayon pa naginarte 'tong sikmura ko! Grr!

Tinalikuran niya ako at bumaling na sa crew para umorder.

Nakakahiya ka talaga, Nikki!

When It Was You - Joe Gomez de Liaño (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon