Chapter 1

1.8K 20 0
                                    


Simula

Sa pagsaksak ko nang earphone sa 'tenga ay nag simulang lumakas ang hangin sa labas nang aking sasakyan dahil sa matulin na pagpapatakbo ko nito. Nagsimula nang kumanta ang paborito 'kong singer na siyang sinabayan ko, Sumabay sa hangin ang aking mahabang buhok na agad kong hinawi.

I suddenly felt cold kahit na naka balot ako sa pulang bestida na may mahabang mangas.

Wala ako sa mood mag celebrate ng birthday ko pero bahala na.

Ayoko na naman madinig si daddy saying, that I'm not his child but his secretary.

He told me that it's for my safety, iba ang nanay ko. I was raised in an orphan.

"May aampun na sa 'kin?" My eyes widened, ng madinig ko ang sabi sa 'kin ni manang. Nakangiti siya at mabilis na tumango sa tanong ko.

Hindi na 'ko makapaghintay!

Nagpaalam ako sa mga naging kaibigan 'ko, umiyak kami. Iniyakan ko sila manang ayoko sana umalis pero gusto ko din magkaroon ng totoo at maayos na buhay paglaki ko. Sinabi ko sakanila na babalik ako balang araw.

Masaya ako, sobrang saya. Nakita ko ang mag aampun sa 'kin.

"Hi," ngumiti ako.

"Hello po!" Masigla 'kong bati pabalik.

Noong una wala akong kaalam alam, paano ko naman malalaman? Na ang nag ampon din pala sa 'kin ay totoo 'kong tatay?

"Honey! Bakit 'mo ba binalak na mag ampon pa? Manganganak na din ako at may anak na tayong babae!" Palagi silang nag aaway ng asawa niya simula ng inampon ako ni daddy.

Daddy tried to calm her down pero nagpatuloy pa din siya sa pagsasalita.

"H-hindi kita ma aampon, pero pangako ko. I will give you what you want. Pag aaralin kita, I will buy you a condo, I will support you."

I cried, umiyak ako ng umiyak at such a young age. Namulat ako sa katotohanang naging kabit lang pala ang nanay ko, sinabi sa 'kin ni daddy na hindi ito totoo pero nagtanong ako ulit!

"B-bakit.. bakit niyo po ako tinatago kung ganon?" Hindi ako pinalaking magagalitin sa loob ng bahay ampunan, hindi ko sinasabi ang lahat ng sama ng loob ko dahil iniisip ko na dapat ay magpasalamat pa ako na binalikan ako ng tatay ko sa ampunan.

Iniwan ako ng nanay ko doon, hindi naman ako galit pero habang lumalaki ay unti unti kong kinasusuklaman ang ina ko.

Bakit siya pumatol sa may asawa? Kung hindi naman pala niya ko kayang palakihin edi sana hindi nalang niya ako binuhay!

Sinabi ni daddy na wag akong magagalit sa babaeng yun. Sinabi niya na parehas silang may kasalanan, nagalit ako sakanya.

I was 15 when I tried to rebel, pero wala na 'kong nagawa. Nangyari na. Wala na 'kong magagawa.

Hanggang ngayon hindi pa din nila alam ang lahat, sabi ni daddy ngayong araw na 'to sasabihin niya na ang totoo pero.. same thing kept happening.

"I want you to be safe, I'm doing this to protect you. Darating ang araw my daughter. I promise you."

Gusto ko magwala! Gusto kong magpakamatay but fucking hell anong magagawa ng pagpapakamatay ko? Matatahimik ba 'ko?

Pagdating na pagdating ko ay nakita ko agad ang mga disenyo sa labas nang bahay a lot of balloons is all over the door.

They treat me here like their family kahit na hindi naman talaga ako na ampon ni daddy, muntik lang. Muntik lang.

Halos mapairap ako nang mapansin ang sumunod na sasakyan sa 'kin.

Once Upon A Mistake (Mistake #1)Where stories live. Discover now