"Hindi pa po ako naantok." Kinusot niya ang kanya mata at agad humiga sa kanyang kama.
Ngumiti ako, dahil alam 'kong antok na siya ngunit ayaw niya lang matulog.
"Sana dito nalang din po kayo nakatira." Nakanguso niya pang sunod na sinabi.
"Hindi kasi 'iyon pwede hazel eh." Sagot ko at sinuklay ang buhok niya habang nakahiga siya.
Tumango siya ngunit nakanguso pa din.
"Gusto mo ba nang gatas?" I ask her and she just nodded again.
"Sige, hintayin mo 'ko magtitimpla lang ako." I calmly said at mabilis na umalis sa room nila. Si hazel lang ang andun dahil siya ang naunang natapos kumain sakanila at niyaya niya akong samahan siya.
Paglabas ko ay halos mapaatras ako nang bumulagta sa aking harapan si buwan na naka ngiti, what the hell is wrong with him?
"You blocked me." Biglaan niyang sabi na ikinagulat ko na naman.
Yes! So what if I did?
"Yeah." Malamig 'kong sinabi at lalagpasan na dapat siya ngunit nagsalita na naman siya na ikinatigil ko.
"Why?" He asked, and still smiling?
I really should get away with this, I'm matured enough to handle this. I can.. I can get away with this!
"Stop saying like you don't know the reason." Nagulat ako nang naibulong ko 'iyon. Sana hindi niya narinig!
Ngumiti nanaman siya kaya naman naibaling ko ang paningin sa labi niyang mapupula, his hair is kinda messy. Ang suot niya kanina ay ganon pa din. White long sleeves tuck in in his black pants.
"Shy?" What I'm not shy! What the el!
He's really playing with me!
Kung sakali mang ipagpatuloy niya 'to mas lalo ko lang siyang iiwasan, ha! Kala niya siya lang magaling dito?
"I've been here since I knew that you picked hazel. Mika and keanne told me so I got curious. I can't believe it when—"
"Nagtanong ako? Hindi di 'ba?" Putol ko sakanya kahit na gusto ko pang malaman kung—
Tsk.
Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang kitchen rito sa orphanage.
Nang medyo makalayo ay lumingon ako, argh!
Nakatingin siya saken at naka taas ang isang kilay, holy— f— he's— so.. nevermind!
I rolled my eyes at him but he just laugh at it! Bakit ba sobrang good mood siya ngayon? Did his girlfriend do something? Nag date ba sila? May ginawa ba sila?! At ano namang pake mo heilynne?!
"Oh, lynne! ako na magtitimpla niyan." Umiling ako kay mader marisa,
"Kaya ko naman po." Pilit akong ngumiti at kinuha ang asukal na nakalagay sa garapon at akmang bubuksan na ito nang magsalita sa mader.
"Alam mo ba, iha.. may potential si hazel na maging madre.." agad akong napatingin sakanya.
Tumawa ako, "Alam ko po'ng mabuti ang paglilingkod sa diyos ngunit gusto ko pa sanang magkapamilya si hazel."
Malungkot na ngumiti sa akin ang madre,
"Iha, ayaw niyang magkaroon nang asawa't anak."
Nagtataka akong napakunot.
"Bakit po? Nagkwento po ba siya sayo?" Tanong ko dahil hindi naman masyadong pala kwento si hazel sa ibang tao dahil hanggang ngayon ay alam kong may anxiety pa din siya sa pag sosocialize sa mga tao sa paligid niya.
Tumango siya.
"Ayaw niya daw dahil lahat nang lalake ay kagaya lang din daw nang papa niya." Malungkot niyang sinabi.
"Bata pa po si hazel tsaka marami pa po siyang hindi alam sa mundo." Sabi ko atsaka nilagyan nang mainit na tubig ang tasa.
"Ngunit wag niyo po sana kalimutan ang hiling ko na wag na wag niyo 'pong ipa ampon si hazel, dahil ako po ang magaalaga sakanya sa oras na magkaroon na ko nang maginhawang buhay." Ngumiti naman siya at tumango,
"Oo naman." Tinapik niya ang aking balikat.
Tumango nalang din ako at nang matapos nang maghalo ay nagpaalam na ko sakanyang pupuntahan ko na si hazel.
Nang papasok na 'ko sa silid niya ay nakita kong may pumasok na isang batang lalake.
Nasa harap na 'ko nang pinto nang marinig ko ang boses ni hazel.
"Uy, bawal ka rito! Anong ginagawa mo?" Sabi ni hazel sa batang lalake.
"Aampunin kana ba nila?" Malungkot ang boses nang batang lalake.
"Hindi daw eh, pero gusto ko." Sagot ni hazel.
"Ha? Wag!" Nagulat ako sa sigaw nang bata, mukhang.. may gusto ang lalakeng to kay hazel.
"Wag muna.." huminahon ang kanyang boses.
"Hazel, gatas mo." Pag singit ko at pag iistorbo, bawal muna sakanya yan. Wala muna 'yan.
Napatingin sakin ang batang lalake na gulat na gulat, tinignan ko lang siya nang mabuti bago ko ibinaling kay hazel ang tingin, ganon din Ang ekspresyon niya ngunit may halo itong takot.
Matagal pa bago tumakbo palabas ang lalake ngunit bago niya ginawa iyon ay sumigaw muna siya,
"Wag mo muna akong iwan, hazel!" Sigaw niya at nawala na.
Tumawa ako sa sigaw niya, tsk!
"Sino yon?" Tanong ko sakanya na may halong pangungutya.
Namumutla siyang napailing,
"W-wala po.." iinumin niya na sana ang gatas pero napigilan ko agad siya.
"Mainit pa! Akin na, let me— ihipan ko muna." Ngumiti ako nang tumango siya, namumutla pa din.
"Kalimutan mo na ang tanong ko," sabi ko para mawala ang pamumutla niya. Kinuha ko ang gatas at inihipan ito saka hinalo.
"Gusto mo bang isama ko siya, pag aampunin na kita?" I asked her.
Halos umalis siya sa kama nang marinig niya ang tanong ko.
"I—isasama.. a-ampunin mo din po siya?!" Tumawa ako bago nag kibit balikat.
"Gusto mo ba?" Di na kailangan tanungin, dahil alam ko na ang sagot. Ngunit gusto 'kong malaman kung ano ang pipiliin niya..
"W-wag na po.." nagulat ako sa sagot niya, bakit ayaw niya?
"Bakit naman?" I asked.
"Kasi po.. uhhh.. baka maperwisyo po kayo, hindi naman po dahil gusto ko siya isama..isasama niyo na po siya, sarili niyo pong desisyon iyon." Napangiti ako sa seryoso niyang sinabi.
Napaka laking kawalan nang magulang ni hazel, kawawa sila. Ako na ang magtataguyod kay hazel at papalakihin ko siya nang may takot sa diyos at mabuting bata.
Tumango tango nalang ako, don't worry hazel. You two will meet again.
"O sige, inumin mo na 'to at matulog na." Sabi ko at binigay sakanya ang gatas niya.
Ngumiti siya saken nang natanggap niya ang gatas,
"Goodnight po." Sabi niya at mabilis na ininom ang gatas, naubos niya agad ito dahil di naman ito madami.
"Goodnight." I response and hurried myself out of her room with her roomate.
Nag Goodnight din ako sa mga iba pang bata at ganun din sila sakin.
I smiled as I took a step out of the orphan and suddenly my heart aches, I don't know why.
They deserve a family, and so am i?
--
Updated!
YOU ARE READING
Once Upon A Mistake (Mistake #1)
عاطفيةOnce upon a mistake, I loved you and you loved me. I wonder at what point love escaped us and We Became You And Me. I wonder when love decided to escape from our souls Or Did our souls Let go Of Love?