Chapter 4

559 8 0
                                    

Kinabukasan nga ay natagpuan ko ang,

Felicia - vice president

Yan ang nakapaskil sa aming bulletin board, hindi na 'ko nagulat dahil si felicia ay isa sa magaling na estudyante sa aming eskwelahan.

I just couldn't believe it.

"Suportado kasi kay fafi mielo." Nakarinig ako nang isang maarteng bulong nang babae na may kasama pang tatlong babae.

Napaka pula nang mga labi nito at parang sinampal nang sampung beses sa pula nang kanilang pisngi.

Marahan akong napangisi, naging flings ata to ni buwan!

Nang naisipan ko nang malalate na 'ko ay mabilis akong tumakbo sa classroom ko na nasa second floor pa.

"Why are you laughing?" I heard a laugh na agad napakaw nang atensiyon ko. They're here.

Pati ba naman sa hallway naglalandian? Sa hindi malamang dahilan, umikot ang mata ko. Siguro bitter lang talaga 'ko.

"Mali bang tumawa?" Halakhak ni buwan, tumawa siya? Masaya siya ah?

Atleast he finds the right girl.

Silang dalawa. Bagay sila.

Ayokong makita nila ako kasi ang alam ko. Felicia hates me and I don't want to ruin their sweet moments, I don't wanna live being bitter forever.

argh! Ako pa talaga mag aadjust? Bahala na malalate nako!

Kumabog ang puso ko sa kaba at hindi ko alam kung bakit ngunit dumeretso pa din ako and there! They saw me at natigilan sila.

I sighed at nilingon sila.

"Congrats, felicia." I said and glance at the guy beside him. Nakataas ang isang kilay ni buwan pero agad ding naging blanko ang ekspresyon.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang galit na galit saken si buwan, ganun ba talaga siya? O talagang ayaw niya lang saken?

Tumikhim si felicia at tumango.

Habang naglalakad ako palayo ay narinig ko ang sinabi ni buwan.

"Don't hate her." Parang may ewan na kumiliti sa tiyan ko na agad kong kinalimutan at hindi binigyang pansin.

Tsk! Kasi gusto mo Ikaw lang mag isa ang mag bash saken? Don't worry sanay na 'ko sa haters.

Diretso ang tingin ko pagpasok ko sa aming classroom, habang sila ay nakatingin sa akin . I'm not late.

I really hate it when the attention is all on me, It's damn annoying.

Kumunot ang noo ko nang naka upo ako, hindi pa din umaalis ang mga mata nila na masarap tusukin kaya I frowned.

"What is it? Ganon ba 'ko kaganda?" Naiinis kong sabi na may halong puri sa sarili, may ilang umiling na natatawa at meron namang nag iwas na nang tingin.

May kumalabit sa likod ko.

"You're the representative." Ani nang isang lalakeng may bubble gum sa bibig at may pilyong ngisi sa labi.

I frowned again in annoyance.

"Represantative for what?" I asked and the man in my back answered me.

"Secretary of the president." Marahan akong natawa, kaya naman pala? Sikat na sikat kasi ang buwan na iyon kaya ayun pinasikat din ako.

Once Upon A Mistake (Mistake #1)Where stories live. Discover now