Chapter 10

363 11 0
                                    



"Ano tingin mo sa condo ko, hospital. Buwan?" Iritado 'kong tanong sakanya na ngayon ay naka upo sa sofa ko, hawak ang panyong binigay ko sakanya.

He's right eyebrow arched.

Wow ha? Naiinis pa din nga ako dahil meron pa din pala siyang isa pang duplicate key tapos tataas taas siya nang kilay diyan!

I have no choice, sinabi niya din sa 'kin na ang papa niya mismo ang nagbigay nang duplicate key sakanya para makapasok daw siya nang mas mabilisan sa condo ko. Knowing na ako, matagal daw magpapasok at nagsusuri pa 'kung sino ang nasa labas!

Si tito lorenzo talaga!

"Pagdating ko nga kasi dito kinalmot ako nang mga babae! I don't what the fuck they want. Pero dito ako dumeretso!" Galit na naman siya. Jusko, wala sigurong araw na hindi kami nagtatalo.

Kung ganun, tapos na ang tanungan para sa secretary of the president na siya. Pinili niya kaya si Fourth? Matalino naman yun eh kaya nga pinahandle ko sakanya yun.

Inirapan ko nalang siya. Ang tutulis naman nang kuko nang mga babaeng yun, kung sila kaya kalmutin ko din.

They are really hungry for buwan's attention. That they really tired to hurt him by their fucking nails.

"Ano gagawin ko sa panyo?" Bobong tanong niya.

"Lamunin mo." I answered sarcastically. Ngumiwi naman agad ako at parang gusto kong bawiin ang pangasar ko sakanya dahil kinuha niya ang unan.

Ibabato niya na naman yan!

"Pag yan—" I stopped, hindi niya binato ang unan sa halip ay binaon niya ang mukha niya sa unan ko.

Anong problema niyan? Nang tinanggal niya ang mukha niya sa unan ay nakita ko ang pagpula nang pisngi niya at ilang beses na pag lunok habang nakatingin sa akin nang deretso.

What the..?

Tinaas ko ang isang kilay ko.

"Bat ka namumula? Allergy ka din ba sa kalmot?" Alam 'kong medyo bobo ang tanong ko pero kailangan 'kong takpan ang awkward temperature na nagaganap.

Sobrang pawis niya na talaga! sinaksak ko agad ang electric fan pero hindi ko pa binuksan, baka kasi matuyo ang pawis niya kaya kailangan niya munang punasan.

Kung kanina ay sobrang layo nang distansya ko sakanya, ngayon ay lumapit ako sakanya.

Anong problema nang isang to? Mukhang may allergy nga. Namula siya lalo.

Umiwas siya nang tingin, "It's just hot, please open the electric fan!" Hindi ko inimik ang sinabi niya.

Kinuha ko ang panyo ko na binigay sakanya at kahit nandidiri sa pawis niya na mabango pa din ay pinunasan ko pa din yung noo niya.

"Napawis ka siguro kaka takbo dun sa mga babae!" Natatawa 'kong sinabi at napansin ko ang bahagyang pagtaas nang kanyang labi at mata niyang walang awat na nakatitig pa din sa 'kin.

Agad ko namang hininto ang pagtawa ko at tinaasan siya nang kilay.

"Talikod, basa din likod mo." Natataranta naman siyang tumalikod.

Nagtataka talaga ako ngayon sa reaksyon niya? Really? Ngayon lang ba siya naalagaan? How sad.

Oh, kung sabagay. Ang alam ko naman ay palaging wala sa bahay nila si tito lorenzo at tita miranda.

"I'm asking for permission kung pwede ba—" pinutol niya ang nais kong itanong.

"Y-yes... come on, make it fast. It's really hot!" Natataranta siyang tinanggal ang t-shirt niya.

Once Upon A Mistake (Mistake #1)Where stories live. Discover now