Nandito kami ngayon ni Ali sa library para mag review dahil may quiz kami mamaya sa Science.
Kanina pa kami dito pero napapansin kong hindi mapakali si Ali kaya naman tinanong ko s'ya kung okay lang ba s'ya.
“Erich, may sasabihin sana ko sayo eh.”, tumingin ako kay Ali.
“Ano yon?”, tanong ko.
“B-baka kasi malungkot ka eh.”, nag aalinlangan n'yang sabi.
“Ano ba kasi yon?”, curious kong tanong.
“Ano kasi, si Cyrill nililigawan na si Nyka.”, sabi n'ya. Natigilan ako sa pagbuklat ng libro ko nang marinig ko yung sinabi ni Ali.
“A-Ah talaga?”
“Oo eh. O-Okay ka lang ba?”, nag aalalang tanong nya.
“Ano ka ba, oo naman. O-Okay lang ako 'no. Saka sanay naman na ako diba? Uhm s-sige Ali, una na 'ko ah? May gagawin pa pala ako, nakalimutan ko.", putol putol kong sabi.
Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya at tumayo na ako kahit na nanghihina ako. Dumiretso ako sa Cr at nagkulong sa isang cubicle para umiyak.
Akala ko sanay na ako. Akala ko hindi na 'ko masasaktan. Akala ko manhid na 'ko. Pero bakit ang sakit pa rin? Ang sakit pa rin malaman na hindi ako mahal ng taong mahal ko?
Na kahit anong gawin ko, wala akong pag asa sa kanya. Ano ba Erich?
Pinunasan ko ang mga luhang patuloy lang sa pag agos galing sa mga mata ko. Nagtagal pa ako saglit sa loob bago ko napagdesisyunan na lumabas sa cubicle.
Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang itsura ko. Napangiti ako ng mapait. Ang tanga ko diba? Iniiyakan ko yung taong 'di naman ako kilala.
Inayos ko ang sarili ko at lumabas na sa CR kahit na nanghihina pa rin ako. Pero mas lalo akong nanghina sa bumungad sa'kin.
Si Cyrill at Nyka, masayang nag uusap saka nagtatawanan.
Grabe, ba't ang malas ko ngayong araw?
Ganyan nga, tamang tawanan lang kayo d'yan, samantala ako, tamang iyak na naman.
Ang malas ko talaga sa pag-ibig. Nakaka gago.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG KASI (COMPLETED)
Ficção Adolescente"Bakit ba kasi hindi nalang ako? Bakit ba kasi hindi nalang tayo? Ako nalang kasi, tayo nalang kasi." sojudelight