Ang sarap mag imagine 'no? Yung mga hindi mo magawa sa reality, nagagawa mo sa imagination mo.
Ayon kasi yung lagi kong ginagawa tuwing gabi. Iniisip ko na kaming dalawa ni Cyrill. Kaming dalawa na masaya, nakangiti sa bawa't isa, na parang hindi n'ya ako sinasaktan sa reyalidad. Iniisip ko na mahal n'ya rin ako.
Pero alam n'yo ba yung masakit? Na imagination lang natin 'yon. Na dapat sa reyalidad natin imulat yung mga mata natin.
Dapat alam natin na hindi lahat ng pinapahalagahan natin, kaya rin tayong pahalagahan pabalik. Na hindi lahat ng mahal natin, kaya rin tayong mahalin pabalik.
Napa bugtong hininga na lang ako habang naglalakad sa corridor, pupunta kasi ako sa canteen. Nadaanan ko yung rest area namin, at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Cyrill na naka upo sa isa sa mga upuan nito.
Kahit na nagugutom na ako ay tiniis ko nalang iyon, gusto ko lang muna pagmasdan si Cyrill.
Pagkalipas ng ilang minuto ay napag desisyonan ko nang dumaan sa harapan niya kahit nahihiya ako. Ngunit hindi man lang n'ya ako nilingon dahil busy sya sa cellphone n'ya. Tanga ka Erich, sino ka para lingunin n'ya?
Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa upuan malapit sakanya.
Bakit ganon? Bakit hindi ako nagsasawang titigan s'ya? Ang sarap kasi titigan ng muka n'ya. Ang dami n'yang nunal sa muka na mas dumagdag pa sa kagwapuhan nya.
Maya maya pa ay may dumating na babae at lumapit sakanya. Si Nyka. Nakita ko na napangiti si Cyrill sa presensya ni Nyka.
Parang may tumurok na matulis na bagay sa dibdib ko sa nakita ko. Nag iwas nalang ako ng tingin sa kanila at umalis na. Tumayo na ako at dumeretso sa room namin, nawalan na ako ng gana kumain.
Ngumiti na lamang ako ng mapait at bumuntong hininga.
"Ano pa bang bago?" Bulong ko sa sarili ko bago dumukdok sa desk ko.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG KASI (COMPLETED)
Novela Juvenil"Bakit ba kasi hindi nalang ako? Bakit ba kasi hindi nalang tayo? Ako nalang kasi, tayo nalang kasi." sojudelight