Ang hirap ng sitawsyon na mahal mo yung isang tao, pero hindi s'ya interesado sa'yo.
Ang saklap 'no? Kung sino pa yung mga seryoso mag mahal, sila pa yung nasasaktan ng sobra, binabalewala at hindi pinapahalagahan.
Parang ako, may mahal akong isang tao, pero never s'ya naging interesado sa'kin. Oo tanggap ko na. Pero tuwing maiisip ko 'yon? Ang sakit pa rin pala.
“—that's all for today, Goodbye Class.”, hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase namin.
Pa'no ba naman? Puro s'ya lang laman ng isip ko. Puro katanungan na kung ano kaya ang ginagawa n'ya ngayon? Iniisip n'ya din ba ako? At madami pang iba.
Alam ko naman na hindi n'ya ako iniisip, kasi hindi n'ya naman ako kilala eh. Sabi nila..
'Magpakilala ka kase para maging malapit ang loob nyo'
Akala ba nila ganon lang kadali 'yon? Yung magpapakilala ako, tapos pagkayari non, wala na. Kasi hindi naman n'ya ako matatandaan. Pangit lang ako, sino ba naman ako para pag tuunan n'ya ng pansin diba?
“Erich! Si Cyrill oh! Yung crush mo!", dali dali akong pumunta sa pwesto ni Ali, ang isa sa kaibigan ko, para makita si Cyrill.
Napangiti ako nang makita ko s'ya. Okay na 'to, pasimpleng susulyap, pasimpleng ngingiti, at pasimpleng magmamahal. Kapag kasi nalaman n'ya pa, siguradong iiwas lang s'ya sa akin.
“Ayieee, nakita na naman nya si Cyrill, kilig na naman sya.”, hirit ni Lory na kaibigan ko rin.
“H-Hindi ah!”, pag tanggi ko.
“Sus! Hindi daw, pero nung tinuro ni Ali, ang bilis pumunta don para sulyapan si Cyrill. Nako Erich, wala ka maloloko dito!”, si Kyla naman ang nagsalita, na kaibigan ko din.
Hindi nalang ako nagsalita at inayos ko nalang ang gamit ko.
“Alam mo namang may gusto na iba si Cyrill diba?”, napatingin ako bigla kay Kyla.
“O-Oo naman, alam ko naman yon.”, sagot ko saka pilit na ngumiti.
“Pero bakit gusto mo pa din sya?”, tanong naman ni Lory.
“H-Hindi ko alam eh. Tanggap ko naman na may gusto s'yang iba, pero alam n'yo 'yon? Hindi mo naman ma cocontrol kung kanino ka magkakagusto eh. Kung kaya ko lang tanggalin yung feelings ko para sa kanya, matagal ko na sana ginawa. Pero hindi eh. Kahit masakit, s'ya pa rin talaga.", paliwanag ko tapos sinukbit ko na ang bag ko sa likod ko.
“Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang kami.”, sabi ni Ali saka niyakap ako.
“Ano ba kayo!? Hindi ako malungkot 'no. Sus! Sanay naman na ako eh. Ako pa ba? Sa loob ng isang taon na ganitong sitwasyon balewala nalang sa'kin 'yan huy.”
Singungaling
“Hmp ikaw talaga, tara na nga, kain na tayo." Sabi ni Ali bago kami tuluyang lumabas sa room namin.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG KASI (COMPLETED)
Genç Kurgu"Bakit ba kasi hindi nalang ako? Bakit ba kasi hindi nalang tayo? Ako nalang kasi, tayo nalang kasi." sojudelight