Kabanta VIII

176 6 0
                                    

“W-What?”, nagtatakang tanong n'ya.

“Alam mo? Gago ka rin eh 'no.”, sabi ni Kyla sakanya.

“Ano na naman?!”, naiinis na sabi ni Lory dahil binato sya ni Kyla ng unan.

“Tanga ka ba? Tingin mo ganong tao si Erich? Gosh! Hindi 'yan hahanap ng rebound. Alam mo naman kung gaano ka anghel 'yang kaibigan natin.”, napailing na sagot ni Ali.

“Hmm, sabagay.”, sabi ni Lory tapos kumain s'ya ng chips.

“You know what guys? I can handle this. Kung makaka move on ako, then good for me. Pero if not, okay lang. Kaya ko pa namang masaktan..”, hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sabay sabay napakunot ang noo nila sa sinabi ko.

“Gago!” sabay sabay nilang sabi.

*********

Its been 1 week since nag break si Cyrill at Nyka. Yep, wag na kayo magtaka kung bakit ko alam.

God knows how much I wanted to move on, but everytime I see him, feeling ko napaka imposible. Oo hindi kami naging mag 'On' and I just hate those people na nagsasabing 'Bakit ka mag momove on, eh di naman naging kayo?' like tangina?

Porke't hindi naging kami bawal nang mag move on? 'Di ba pwedeng mahal ko yung tao? Kaso ayaw ko na, kasi nasasaktan na 'ko?

Like, wala kayong karapatang magsabi kung sino lang ang pwede mag move on okay? Basta kami, mahal or minahal namin yung tao. Tapos ang usapan. God, nakaka stress.

Pag talaga usapang ganyan lumalabas pagka maldita ko eh. Kainis!

Okay nag o-overthink na naman ako. I'm arguing with my own thought.

Anyways, it's weekend, Saturday. At nag aya ang barkada na mag mall. Hindi naman ako mahilig mag mall, pero sila lang naman yung kaibigan ko kaya bakit pa 'ko aayaw?

“Ano? Nood tayong sine?”, suggest ni Ali.

“Sure tara.”, sagot naming lahat. Bumili muna kami ng ticket bago sunod na bumili ng pagkain. Pagkatapos namin bumili ay pumasok na kami sa sinehan.

After namin manuod ay nag cr kami.

“Nakaka iyak talagaa yung movie, kainis." sabi ni Lory na nag aayos ngayon dahil umiyak s'ya nang umiyak kanina. Natawa ako nang bahagya sa itsura n'ya.

“Ang OA mo kasi masyado.”, pang aasar naman ni Ali.

“Ang kapal mo, nakaka iyak lang talaga.”, depensa ni Lory sa sarili n'ya.

Nag ayos pa kami saglit bago umalis. Paglabas namin ay nagulat kami nang makita namin si Cyrill malapit sa cr. May kausap sa cellphone.

Ano na naman 'to? Bakit palagi ko s'yang nakikita? Hays.

TAYO NA LANG KASI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon