Kabanata V

185 9 0
                                    

Intrams na, kaya nagkakagulo sa school namin. May mga nagkalat na outsider, may mga estudyante na nagtatawanan, may nagtitilian din kapag nakikita nila yung mga crush nila.

Ako? Tahimik lang akong naka upo sa labas ng room namin. Hinihintay na magsimula yung game nila Cyrill. Third floor kasi 'to at kitang kita ang quadrangle na paglalaruan ng mga players.

“Erich, hindi ka ba bibili? Sama ka sa'min sa canteen.”, pag aaya ni Lory sa'kin.

“Hindi na, intayin ko nalang kayo dito.”, sabi ko naman.

“Sige, bantayan mo upuan namin ah?”, tumango ako.

Narinig ko na pumito ang referee, senyales na magsisimula na ang first game.

Nagsimula na ang laro at kabilang doon si Cyrill, gusto ko sana sumigaw at i-cheer s'ya, pero wag nalang. Kasi hindi naman na kailangan, hindi naman ako yung gusto nya mag cheer sa kanya eh. Kasi gusto n'ya si Nyka, na ngayon ay sinisigaw ang pangalan n'ya. Tuwing  makaka shoot si Cyrill ay titingin s'ya dito at ngingiti.

Ako? Titingin lang sa kanila nang may ngiting mapait.

Masanay ka na Erich.

Masanay ka na hindi ikaw ang priority.

Never ka naging option.

Never ka minahal.

Never ka mamahalin.

Tumigil kana kasi.

Tama na, huwag mo na saktan ang sarili mo ha?

Tigil na please..

TAYO NA LANG KASI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon