Simula noon ay madalas na kami magkasalubong ni Cyrill at nag ngingitian naman kami. Buti natatandaan n'ya ako 'no? Ang pangit ko kaya.
Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko, yung dating iniiyakan ko noon. Abot kamay ko na ngayon. Pero bakit parang ang hirap pa din n'ya abutin?
Hindi naman kami close. Pero umaasa ako. Masisisi n'yo ba ako? Atleast may progress na naganap.
Nung gabing 'yon ay sobrang saya ko na pati pagtulog ko ay nakangiti ako.
Ngayon, birthday ni Cyrill. Hindi kami ganon ka close, pero gusto ko s'ya bigyan ng regalo. Hindi ko alam kung tatanggapin nya 'to. Pero sana kahit 'yun lang, tanggapin n'ya.
Natapos ko na balutan yung regalo ko para sa kanya. Napangiti ako, yung totoong ngiti. Sana magustuhan n'ya dahil nag effort ako para dito.
Nandito na ako ngayon sa school, dumiretso na ako sa classroom namin. Mamayang uwian ko nalang siguro ibibigay?
Natapos na ang klase namin sa hapon. Kaya dali dali akong pumunta sa classroom nila. Pero pagpunta ko doon wala s'ya, kaya nagtanong ako.
“Conor, asan si Cyrill?”, tanong ko sa kaklase n'ya.
“Ay si Cap? Nasa likod ng gym. Nagpapahangin ata.” nagpasalamat ako sa kanya bago pumunta doon.
Gusto ko sana s'ya surpresahin, kaso ako yung nasurpresa. Nakita ko s'ya, may kayakap na iba. Ang bilis naman?
Baka naman kaibigan n'ya lang?
Pero wala s'yang kaibigang babae.
Baka pinsan n'ya lang?
Tapos na sa pag aaral yung mga pinsan n'yang babae.
Baka kaklase n'ya lang?
Na may namamagitan sa kanila? Ganon?
Akala ko mali ang hinala ko, na may namamagitan sa kanila. Pero tangina, bakit hinalikan n'ya 'yon?
Sa gulat ko ay napa atras ako at natalisod ako sa bato na gumawa ng ingay, dahilan para matigilan silang dalawa.
“Erich?”
“I-I'm sorry.”
I saw him with another girl today, he look happier.
I wish I could give you that happiness too, but you never let me in to your world.
Tumalikod na ako pero pumatak yung luha ko ng makita kong nagkalat yung laman ng kahon, na regalo ko sana sa kanya.
Yung kahon na puro litrato n'ya, stolen pictures n'ya, sa likod non ay puro sulat ko, kung kelan ko kinunan yoon.
“Anyways, happy Birthday Cyrill. Sana maging masaya ka. Ayun lang. Sorry sa pang iistorbo.” then I walked away.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG KASI (COMPLETED)
Teen Fiction"Bakit ba kasi hindi nalang ako? Bakit ba kasi hindi nalang tayo? Ako nalang kasi, tayo nalang kasi." sojudelight