Araw araw ko iniistalk si Cyrill sa facebook account n'ya. Halos lahat nga ata ng status n'ya kabisado ko na.
Kaya nga nasasaktan ako eh, kasi yung mga status n'ya, may kinalaman lagi kay Nyka. Oo nasasaktan ako, kahit naman sabihin kong sanay na 'ko, hindi naman ibig sabihin non, di na 'ko masasaktan.
“Hoy Erich! Nakikinig kaba sakin? Kanina pako salita ng salita dito, di mo naman ata ako pinapakinggan.”, napairap nalang si Kyla sa akin.
“Ano na nga ulit yung sinasabi mo?”, tanong ko bago pinatay at tinago yung cellphone ko.
“Sabi ko, malapit na yung intrams natin, anong balak mo?”, tanong n'ya.
“Sasama lang naman ako sa inyo eh, kayo na bahala doon.”, sabi ko naman saka kumain ng fries. Nandito kami ngayon sa canteen, vacant namin.
“Eh kakausapin ko lang sila Ali, tatanong ko kung ano balak natin.”, tumango nalang ako at s'ya naman ay tinawagan si Ali. Habang nakikipag usap s'ya sa cellphone ay natanaw ko si Cyrill na naka jersey papuntang gym. Baka magpapractice siya ng basketball, kasali s'ya sa intrams kasi member s'ya ng varsity.
Gusto ko sana s'ya panoorin kaso wag nalang. Baka makita ko pa si Nyka doon.
“Papasok daw tayo sa umaga, tapos sa hapon mag mall nalang daw at mag gala gala. Boring naman daw kasi sa hapon eh. Walang ginagawa. Ayos ba?”, tumango nalang ulit ako sa sinabi ni Kyla.
“Alam mo, ang nega mo. Nagpapaka tanga ka sa taong hindi ka naman kilala. No offense ha? Pero mag move on ka na lang. Kasi kung hindi ka din naman gagawa ng move, walang mangyayari Erich. Saka may nililigawan na nga diba?”, napabuntong hininga ako sa sinabi nya.
“Hindi mo kasi ako naiintindihan Kyla, natatakot ako na mareject ako. Kasi kung aamin ako? Baka baliwalain n'ya lang ako, natatakot ako na masaktan. Mas okay na yung ganito. Saka nililigawan palang n'ya yon. Kapag sinagot na s'ya ni Nyka, promise titigil na 'ko.”, sabi ko sa kanya.
“Okay fine, ayaw ko lang namang nasasaktan ka. Basta nandito lang kami always ha?”, ngumiti ako sakanya at niyakap sya.
“Thanks, you're the best.” Bulong ko bago kami umuwi.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG KASI (COMPLETED)
Teen Fiction"Bakit ba kasi hindi nalang ako? Bakit ba kasi hindi nalang tayo? Ako nalang kasi, tayo nalang kasi." sojudelight