Kabanata IX

172 6 0
                                    

“Erich! Si Cyrill 'yon diba?”, pag uusisa ni Kyla.

“H-ha? Asan? Ah oo.”, sagot ko.

“Tara lapitan natin!”, sabi ni Ali na ikinakaba ko.

“Gago w-wag na! May kausap s'ya oh.”, kinakabahan kong sabi.

“Oh problema ba 'yon? Edi patapusin muna natin s'ya diba? Tapos lalapitan na natin.”, pag pipilit ni Lory.

“Wag na kasi. Tara na uwi na tayo.”, sabi ko, pero hinila nila ako at kinaladkad papunta kay Cyrill.

“This is your time to shine gaga! Wala naman na magagalit.”, sabi pa ni Kyla.

“Kaya nga! Parang dati silip ka nang silip kapag nagdadaan 'yan. Ngayong abot kamay mo na ayaw mo pa i-grab yung opportunity. Ang tanga lang!”, sabi ni Ali na humihila rin sa'kin.

Nanlaki ang mata ko nang humarap si Cyrill sa amin. Malamang nafeel n'ya yung presence namin. Ang iingay kaya nila!

“Uhm Hello. Cyrill right?”, nakangiting sabi ni Ali.

“Uh, yes. Bakit? May kailangan ba kayo sa'kin?”, tanong n'ya. Shet. Unang beses ko palang napapakinggan ang boses n'ya ng malapitan. Kadalasan kasi malayo eh.

“Ah, schoolmates kasi tayo. Gusto lang sana namin makipag friends kung pwede? I'm Alisson. Ali for short. Ay oo nga pala, this is Lory, tapos Kyla and especially Erich.”, tapos tinulak n'ya ako sa harap ni Cyrill.

Kinakabahan ako!

Nakipag kamay sila sakanya pero ako? ANONG GAGAWIN KO SHET.

“Uh Hi?”, sabi n'ya nang 'di ko pa inaabot yung kamay n'ya. Mabilis ko naman itong inabot ng nakangiti.

“H-Hello. I'm Erich..Erich Pascual.”

“Cyrill Villar.”, nginitian n'ya ako. NGINITIAN N'YA AKO.

Okay, binabawi ko na po yung sinabi kong mag momove on na 'ko. Shit putangina!

TAYO NA LANG KASI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon