Natapos ang intrams at lahat sila ay nagsaya. Nanalo sila Cyrill sa game nila. Tuwang tuwa nga s'ya eh, to the point na niyakap n'ya pa si Nyka sa harap ng madaming tao.
Pagkatapos non ay umalis na ako at pumasok sa room namin para matulog. Nakakawalang gana kasi yung nakita ko.
At dahil nga tapos na ang intrams ay balik na naman sa dati. Walang pumapasok na lesson sa utak ko. Hanggang sa natapos na ang klase namin.
“Erich, ayos ka lang ba? Lagi ka nalang tulala.”, kausap sakin ni Lory.
“Okay lang ako. Puyat lang 'to.”
Lunch time na, kumain kami sa isang restaurant malapit sa school namin.
Habang kumakain ay nagkunwentuhan sila. Ako? Tahimik lang. Nagpapasalamat ako dahil hindi nila ako tinatanong kung bakit tahimik lang ako.
“—tapos balita ko sinagot na ni Nyka si Cyrill bago matapos yung intrams.”, sabi ni Ali.
Napatingin silang lahat sa akin. Naramdaman kong siniko ni Kyla si Ali dahilan para manlaki ang mata n'ya.
“Ay shit sorry.”, bulong n'ya.
“H-hindi uy, okay lang. Alam ko naman nang doon din patungo yun eh. Kain nalang tayo.", nagpatuloy nalang ako sa pagkain kahit na nanghihina ako at nanggigilid na yung luha ko.
Binilisan ko nalang ang pagkain ko bago dali daling tumayo.
“Uhm, CR lang ako ah?”, hindi ko na sila hinintay magsalita at nagpunta na 'ko sa CR.
Kagaya ng dati, umiyak ulit ako.
Eto na ang last Cyrill, pinangako ko sa sarili ko na kapag sinagot ka na n'ya ay titigil na 'ko. Ayoko nang saktan pa ang sarili ko.
“E-Erich? Okay ka lang ba?”, dinig kong tanong ni Kyla. Sumunod pala sila dito.
Pinunasan ko ang luha ko. “O-Oo naman, ayos lang. Nasobrahan lang ata sa kain.”, tumawa ako ng pilit bago pinunasan ang mga luha ko at lumabas.
Pero pagkalabas ko ay muling tumulo ang mga luha ko. Niyakap nila ako na lalong nakapag paiyak sakin.
“Okay lang 'yan Erich, madami pa namang lalaki sa mundo. Hindi lang s'ya.", pagpapatahan ni Lory.
“Tama, hahanapan ka na lang namin ng bago. Yung mas pogi saka yung may six packs na abs.”, natawa naman kami sa sinabi ni Ali.
“Yung macho at matangkad. Saka syempre yung mabait. Nandito lang kami Erich. Pwede mong ibuhos lahat ng luha mo ngayon, pero ipangako mo na hindi ka na ulit iiyak dahil sakanya ha? Pinangako mo sa'kin 'yon.", sabi naman ni Kyla.
“Oo naman, hindi na." Ngumiti ako sakanilang lahat.
Malas man ako sa pag ibig, swerte naman ako sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG KASI (COMPLETED)
Ficção Adolescente"Bakit ba kasi hindi nalang ako? Bakit ba kasi hindi nalang tayo? Ako nalang kasi, tayo nalang kasi." sojudelight