Chapter 1: Welcome

53 5 0
                                    

Marga's POV

Hindi ko alam kung anong problema ng mga tao dito at bigla na lang kaming pinapila. Lahat ng tao dito sa barangay namin, pinapila kami. Ganun din yung balita namin sa kabilang barangay. May binibigay silang papel at fill up-an daw. Kaso para saan yon? 4p's? Hindi naman kami kabilang doon, ah?

May isang desk doon kung saan sila nakaupo. Parang may tinatanong din.

Nasa likod ako nina Cassy, mom at dad. Minsan may bodyguard na lalapit tapos dadalhin yung tinanong, pero minsan din pinapalampas lang nila. Mukha silang nang-kikidnap kapag may pinagdadalhan sila nung tinanong.

Malapit na ako sa desk, naririnig ko na ang mga tinatanong nila. Hindi nga lang malinaw kasi nagtsitsismisan pa yung kapitbahay namin na nasa likod ko lang.

"Please take good care of them" iyon ang huli kong narinig kina mom at dad bago sila pinauwi na.

Si Cassy na yung sunod.

"Eto po, bolpen at papel, pakifill-up-an po tapos makikitapon sa may lababo niyo"

Lababo? Bakit sa lababo itatapon? Bakit itatapon? Sayang ang papel.

"May tattoo po kayo? Kung meron po, sumama po kayo sa bodyguards namin at yung papel ay pakifill-up-an pa din. Ibigay niyo na lang sa isa sa mga bodyguard kapag tapos na ang pagfill-up"

Ay bet. Pero san punta namen? May tattoo si Cassy eh. Pano na yan?

Oh, well. Ako na.

"Pakifill-up-an po neto at kung may tattoo po kayo ay sumama po kayo sa bodyguards namen. Makikibigay na lang po sa isa sa bodyguards ang papel na nafill-up-an"

Hala ka. May tattoo nga den pala ako. Tatlo pa. Hala.

"Teka, kuya, wait"

Hindi pa ako nasama sa kanila ay hinila na nila ako. Ni hindi nga nila alam na may tattoo ako, eh. Hinila na agad ako. Excited ka? Ha? Excited?

Ipinasok nila ako sa isang van. Pagpasok ko, nandoon din si Cassy. Pero wala sina mom and dad. Parang puro mga students ang nandito dahil naka school uniform parin sila.

Tapos biglang may nagtanong sa akin.

"May tattoo ka rin?" Tanong niya. Tumango ako. Hindi ba obvious? Kasi ang alam ko lahat ng nandito may tattoo. Suri por da sarkasem.

Ni hindi ko nga alam kung anong meron sa tattoo na to pero ang alam ko lang may ability ako. At sabi ni Dad, "Unique Ability". Ay jusko, eh, wala ngang unique sa sarili ko tapos may ganyan ganyan pa.

Sabi ni mom, galing sa tattoo yung ability namin. So it means i have a lot of abilities.

"What's your name?" Tanong ko sa kanya.

"Railey. Railey Lorainne Sophomore" sabi niya. Wow. Great name.

"Hi! Railey, my name is Margareth Ashley Terranza. Marga for short" masaya kong sinambit iyon.

Nagkaroon ng ngiti sa kanyang labi "It's nice meeting a new friend, you have an ability, right?" Napansin ko ang isang lalaki na katabi niya. Tulog yata? Pikit eh.

"Yes, I have" kibit balikat na lang ang ginawa ko ng nakita kong nagmulat ang mata niya tapos pumikit ulit. Ano yun, kumurap pero galing sa pagpikit. Galing. Kung ano ano ng sinasabi ko dito.

Tapos kinalabit ako ni Cassy.

"By the way this is my cousin, Cassandra. You can call her Cassy" pagpapakilala ko sa pinsan ko.

"Nice meeting you, Railey, right?"

"Yes, Cassy"

Tapos kinalabit ulit ako ni Cass.

"Bakit??"

"May vics ka ba diyan? Nahihilo ako eh"

Nahihilo siya dahil sa van. Eh hindi naman naka aircon ah? Tapos di naman ganoong kasikip ang van?

Baka mental reponse? Iniisip niya lang na mahihilo siya kaya nahilo siya. Baka nga.

"Wala akong dala eh. Alam mo namang biglaan lang tayong pinatawag at pinapila, eh"

"Sige. Mukhang magtitiis na lang ako"

Bahagya pa kaming nagulat ng nagsalita yung isang guard. Nandito na raw kami. Hindi ko man lang naramdamang umalis ang sasakyan nandito na agad kami. Pero actually nasa gate pa lang kami. The gate is weird. Ang weird ng pagkakadesign. May nakalagay sa taas na pangalan.

"Tatts Academy" wow. These buildings are......great. I think tattoos are involved with the name? Tatts is short for tattoo. Oh well.

What memories will add to my cart?

Or what memories can i dig from my heart?

=========================================

MOCHAlotss👻

Tatts Academy [ON - HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon