Chapter 15: Brent

6 0 0
                                    

Cassandra's POV

Days ago, parang ang daming nangyari. Hindi pala 'parang'. Totoo pala. Totoong totoo. Yung mga demonyo na bigla na lang nanggulo samin, walang halong biro yon. Ang pinagtataka lang namin ay kung paano nakagawa ng ganon si Marga. Wala siyang kahit anong tattoo na involve sa demons, eh. Depende na lang kung merong ibang uniqle dito sa TA na may ganong tattoo. Kasi kaya niya namang gayahin yon. Basta hindi rin namin alam kung anong mismomg nangyari. At ngayon...

"Doc, kamusta na po si Marga?" tanong ko sa doctor dito. Mga 40 minutes after nung lumabas yung mga demons, na nanggaling kay Marga, bigla na lang silang nawala na parang bula. Tapos nawalan ng malay si Marga. Pero yung damage na na-cause ng mga demonyo sa TA, nanatili pa rin.

"So far, wala namang na-damage sa kanya na kung ano-ano. Wala lang talaga siyang malay and she's exhausted. Nakuha ng mga demons yung lakas niya habang naglalabas pa siya ng mas maraming demonyo at habang lumalaban ang mga iyon"

"Grabe" may nagcomment niyan sa likod ko. At siya ay wala nang iba kundi si Apny.

"Doc, kailan po kaya siya magigising?"

"Dahil nga wala pa siyang masyadong lakas, siguro mga 3-5 days magkakaron na ulit siya ng malay"

"Thanks, Doc"

"And lastly, kapag nagising na siya, tawagin niyo ako. Maaaring may epekto pa yung ability na nilabas niya. What i mean there is baka hindi niya ulit macontrol ang sarili niya. Madadamay pa kayo"

"So? Ano pong kailangan naming gawin kapag ganon?"

"Layuan siya"

And with that, umalis na si Doc. For now, tahimik ang paligid. I mean nanahimik sila sa huling sinabi ni Doc.

"Layuan?" halos pabulong na sabi ni Railey.

Sa naging tatlong linggo namin dito sa TA, si Railey na ang palagi niyang kasama. Minsan nakakatampo na rin kasi mabibigla na lang ako na nasa kung-saang lugar na pala sila, nagbobonding. Pero naiintindihan ko naman yun. Hindi lang naman kasi ako ang kaibigan niya. Kaya, ayon.

"Kaya ba? I mean kakayanin ba nating layuan si Marga?" Tanong ni Apny.

"Kaya yan. Mapghahandaan natin yon. May 3-5 days pa para ron. So, yup. Kakayanin natin. Diba?" Sabi ko sa kanila.

Sana naman hindi abutin ng isang buwan angf paglayo namin sa kanya. Yon ang hindi namin kakayanin.

"Sige. Ayos yon. Pero da ngayon, ang problemahin muna natin ay yung damage na nagawa nung demons" sabi ni Cassy. Wait ako pala yon. Si Lyka pala ang may sabi.

"Hindi ba ang school na ang bahala don?" -Railey

"Pero kailangan pa rin nating tumulong kahit papano. Kasi dala natin ang pangalan ni Marga. Kasali pa rin siya sa grupo natin kahit papaano. Kaya, kiloss naa!" -Lyka

"Sabi ko nga!" At kami'y humayo na.

Nakarating kami sa ground kung saan ang mga napinsalang bagay ay sinisimulan nang ayusin. May mga staff na nadoon, pati na rin si Tito. I mean pati rin si Daddy ni Marga, nandoon. Hindi ko lang sure kung nag iisip sila ng paraan para maayos yun in within 3 days.

"Tito! Tutulong po kami!"

Marga's POV

Pagmulat ko ng mata ko, puti ang nakita ko. At habang ini-iscan ko pa ang paligid, kung nasan ako, naalala ko kung anong nangyari.

Hindi pa rin ako makapaniwala na may kung anong nakaalis sa akin habang natutulog ako. Tapos maya-maya, DEMONS! Yun na lang bigla. Napa-upo naman ako bigla sa naalala ko.

Ang sakit ng katawan ko! Ano ba talagang ginawa ko? Hindi ba naglabas lang naman ng demonyo? Huh? Wait. Yun lang ba talaga? Hindi pa ako sigurado don, eh.

"Marga"

May tumawag sa akin na lalaking nakaputi.

"P-po?" Medyo mahirap ding magsalita. Ano ba talagang ginawa ko?

"Kailangan mong magpahinga muna. Sa ngayon, mga dalwa o tatlong araw ka dito sa hospital ng TA. Makakabalik ka din sa school after ng pahinga mo"

"Uhm, ilang araw na po ako d-dito?"

"Sa totoo lang dalawang araw ka lang dito. Ang akala ko pa nga ay bukas ka pa magigising. Pero, ayon, ngayon ka nagising, eh. Magpasalamat na lang tayo. Hehe"

"Ah, ganon po ba? May bumisita po ba sakin? Si Daddy po? O kaya si Mommy? Wonderful A-"

Hala! Nakaalis na si Doc yata. Hindi pa ako sure kung doctor yon. Ah, basta. Doc na lang ang tawag ko.

Nakaalis na si Doc bago pa niya masagot or matapos yung tanong ko. May bumisita kaya?

Well, nakalipas na ang mga araw. At anim na araw na ang nakalipas simula nung nagising ako mula sa ospital. And ganon pa din ang eksena sa Academy. Wala pa ring kumakausap sakin. Sino nga bang makikipag-usap sa isang tao na maaaring magpahamak sa'yo. Ako nga naman ang naglalabas ng demonyo, eh. Hindi na yon himala.

"Pst!"

Huh?

"Pst!"

Sino yun?

"Pssst!"

At bigla na lang may nagtakip ng mata ko.

Hindi ko sigurado kung kaninong kamay to. Pero ang sigurado ako ay biglang nagbago ang tinatapakan ko. Yup. Hindi ko din alam kung pano yun nangyari.

Tinanggal nung tao- kung sino man yun -ang kamay niya sa mga mata ko. Pagharap ko kung sino yun-

"Tehron? Or Ken? Or shall is say Tehron Ken Drickè?"

"Y-you actually remembered me" he said with amazed tone and amusement in his eyes.

"Huh? Why not remember you?"

"Nothing."

"Well?"

"What?"

"Nasan ako?"

You know. Na-figure out ko na kung bakit nagbago ang tinatapakan ko. Nagteleport lang naman siya. I know. I'm very sure na don. Na nagteleport siya.

":) You're at my school"

"Mind telling me the exact name on where am I?"

"Fine. You're at the academy where I study"

"Saan nga?!"

"Brent Academy, young lady" sabi ng lalaki na bigla na lang sumulpot sa likod ni Tehron. He's an old man, I'll say. But pretty handsome.

======================================

MOCHAlotss👻


Tatts Academy [ON - HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon