Chapter 3: Encounter

25 2 0
                                    

Marga's POV

"Now Ashley, nalaman mo na ang pangalan ng may gwapong mukha? Why do i have this feeling na gusto mo lang akong makilala? Pwede mo namang deretsohin sa akin ang gusto mong sabihin, may palusot lusot ka pa. Nahiya ka pa sa akin. Walang dapat na nahihiya sa gwapo kong mukha" ngingisingisi niyang tugon habang tinatapik niya yung baba niya.

Mali nanaman ako ng akala. Akala ko talaga tahimik siya pero siguro tahimik nga siya. Pagdating nga lang sa yabangan... Tsk tsk tsk.

'Bakit parang feeling ko mas mahangin pa to sa aircon na nakabukas na sinasabayan pa ng electric fan?'

"Uhm... Marga, pagpasensyahan mo itong kapatid ko ha. Medyo may pagkamalakas pa sa bagyo ang pagkahangin ni-Ouch! Ano ba. KUYA!"pingutin ba daw ang tenga ni Railey.

"Sinong malakas pa sa bagyo ha?!"tanong nya

"IKAW!!"at hindi na nila naituloy ang usapan ng may bumukas ng pinto.

Isang babaeng naka kulay pink ang pumasok."Maligo na po kayo. Ako na po ang bahala sa susuotin niyong damit. Ilalagay ko na lang po dito sa labas" tatalikod na siya ng pigilan siya ni Cassy.

"Teka, ate! Hindi naman yata tama yun. May lalaki dito. Aba, sabay sabay kaming magbibihis?" Inis niyang tanong habang bumabaling ang ulo kay Lens na malapad ang ngiti. Ear to ear.

"Kayo na po ang bahala dyan" at tuluyan ng umalis si ate.

"Lyle! Lalabas ka dito sa kwarto o ipapabugbog ko yang mukha mo at this second?!?" nananakot na sabi ni Cass.

"Oh no! Not my handsome face. At sino naman ang may super speed dito at mabubugbog agad ang mukha ko? Pero sige lalabas ako tapos papasok ako after 15 minutes. Bilisan niyo ha, time is running" sabi niya habang humahakbang palabas ng pinto. tss. 15 minutes it is.

"Mauna ka na Marga. Just use your ability baka masilipan pa tayo. And don't worry that's reasonable" ani Railey.

And in just a minute iam already finished on my clothes.

"I'm done. Now the two of you go. Faster. 14 minutes" pagmamadali ko sa kanila habang tinutulak patungo ng banyo. Dalawa naman iyon.

Sampung minuto ang lumipas at hindi pa rin tapos ang dalawa.

"Ang tagal nyo!" sigaw ko habang nakaupo sa sofa na malapit sa bintana.

Isang minuto na lang ang natitira pero hindi pa rin lumalabas sina Cass at Railey.

Kinatok ko na silang dalawa. Pagkatapos non biglang lumabas ang dalawa. Bihis na bihis. As in bihis. Bihis LANG. Hindi pa tapos ang buhok nila.

'Mukhang ako na lang ang pag asa ng dalawang 'to'

"Wag kayong malikot susuklayan ko lang kayo"

Tatts Academy [ON - HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon