Chapter 7: Buzzer Beater

7 0 0
                                    

Railey's POV

It's been weeks and 3 hours since kinuha kami sa aming barangay. Yes binilang ko din ang oras.

Well, mababait naman ang mga tao dito. Wala naman akong nae-encounter na bullies or bad uniqles around. And that's great! Pero si Marga at si kuya-

Flashback

Naglalakad kami ngayon sa may hallway dahil papasok na kami. Hindi ko nga lang alam kung nasan si kuya at Marga.

So kami means kaming dalawa lang ni Cassy. Ang sungit pa naman neto sa akin. Yun yung first impression ko sa kanya.

Remember nung first day? Nung nasa van pa lang kami? Feeling ko nga ayaw niya akong kausap. Or gusto niya ng tahimik na ride? Bakit ko ba iniisip? Ewan ko!

Tapos habang naglalakad kami ang tahimik niya. Alangan namang dumada ako ng dumada dito? Tapos walang sasagot. Edi nagmukha akong timang dito.

Tumigil na kami sa tapat ng isang pintuan. May nakalagay na gadget sa may harapan nito. At ang nakalagay sa gadget ay

::::::::::::::::::::::::::::::::Training Class::::::::::::::::::::::::::::::::

7:20 pa lang naman.

Hindi ko nga alam kung paano kami napaaga. So kinuha ko muna ang cellphone ko dahil hindi pa naman nagbubukas ang room namin.

May 5 rooms kasi dito and nago-auto-open naman ang doors dito pagdating ng oras ng simula ng klase. And of course, nago-auto-close din.

Napasimangot ako dahil natalo ako ng patatlong beses sa nilalaro kong game. Pero nabahala na ako. Dahil wala pa rin si kuya at Marga.

Baka naman natraffic?

Traffic? Kailan pa nagkaroon ng kalsada dito?

Nandyan lang naman ang dorm, ah? 7:45 na din. Si Cassy naman mukhang hindi nag aalala. Eh? Pinsan niya si Marga, ah?

"Cassy? Alam mo ba kung bakit wala pa si Marga?" tanong ko.

"Nope" ang ikli ng sinabi niya.

"Hanapin kaya natin?"

"Masasayang lang ang oras mo" Huh?

"Si Marga kasi tuwing first day of school lang maaga at pag ka second and so on na, buzzer beater na ang trip niya" dagdag na paliwanag niya. Tamad niya pa ngang sinabi yun, eh.

Pero ang sabi niya kanina ay hindi niya alam kung bakit wala pa si Marga? Niloloko na ba ako nito?

"Ahh, okay salamat sa pagpapaalala"

"Huh?"

"Nakalimutan ko kasing ganun din pala si kuya. Hehe"

Tatts Academy [ON - HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon