Lyle's POV
5 hours before class, nagpunta ako sa TGGS.
Pagkapasok ko dun, kinuha ko yung libro na dala ko since ayoko pang magsulat sa notebook na sinasabi nila kahapon.
Gumanda lalo ang lugar na 'to. Nung huli akong nagpunta dito, wala pa yung mga shelves at punong puno ng bulaklak dito. Pero binago nila, eh. I have nothing to do with that.
Biglang may isang taong pumasok. Mag-isa lang siya.
Wala naman siyang dala kundi bolpen.
"Oh, hey there, Lyle" sabi niya sakin nung napansin niya ako.
"..." no comment. I may be rude but I don't wanna talk with her.
"Rude. But guess what I'm doing here" sabi niya sa akin.
"Bored to guess"
"Just warning you to protect her from everything" nakangiting sabi niya sa akin pero alam kong hindi siya nasisiyahan sa sinasabi niya.
"Just shut up and leave, Meihra" and yes. The one I'm talking with right now is Meihra.
Umalis na siya bago pa ako magdilim ang paningin. Kasi alam niya rin na kanina pa akong nagpipigil ng galit at inis.
Pero mas nangingibabaw ang inis kasi hindi pa rin siya natatauhan sa ginagawa niya.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Marga.
Hindi naman niya ako napansin since nagbabasa ako.
Hinayaan ko siyang umalis ng hindi ako nakikita.
Naalala ko bigla kung anong ginagawa ko dito.
Inaantay siya. Nagbabakasakaling dumating siya at maalala ako. Dumating siya. Pero hindi ko alam kung naaalala niya ako.
Nagpunta na lang ako sa room minutes before class starts. Well, wala rin dun si Marga. Kaya tinanong ko kay Sis kung nasan siya. Baka kasi may ginawa lang or inutusan.
But nung tinanong ko kay Sis, mukhang hindi pa din nila alam kung nasan siya.
Napansin ko lang na nandito na pala siya nung pumasok na kami sa loob ng control room.
At pagpasok ni Ma'am Ann, may pinagawa siya.
"Okay. So what's going to be our plan?" tanong ni Apny.
Marga's POV
"Sabi ni Ma'am, parang magic show daw. Isa-isa kaya nating ipresent yung aptitudes natin" Lyka said. Ayon sa pagkakatanda kong mga palatandaan na sinabi ni Apny, siya yung may tattoo na spider which is the normal tattoo.
"Tapos may mga part na by 2 and by 4 na aptitudes. And sa huli yung lahat lahat ng abilities natin. Sabay sabay, tapos yung makakagawa tayo ng shape or isang lugar na pinakagusto natin dito sa academy" si Myka naman ang may sabi nito.
"That's a great idea, twins!" Railey said being amazed by the ideas.
"Thanks!" Nahihiyang sabi ni Myka at tuwang tuwa na sabi ni Lyka.
BINABASA MO ANG
Tatts Academy [ON - HOLD]
Teen FictionIsang paaralan na hindi man itinatago, ngunit hindi rin hinahanap. Paaralang di mo aakalaing nasa mundo pala. Susuyudin ang langit at lupa mahanap lamang ang solusyon sa lahat ng problemang dinadanas ng mga studyante. Hamunin man ng digmaan ay lagin...