Marga's POV15 years na ang nakalipas at hindi pa rin ako makaalis dito.
Joke lang.
4weeks. 4 weeks. 4 weeks. 4 weeks na kami dito pero wala pa rin akong naiintindihan sa nangyayari sa paligid kung bakit parang takot sila sa akin.
Nagsimula yun nung... Hindi ko mismo tanda ang date. Hehe.
2 weeks na rin ang nakalipas mula nung nakasalubong namin si Meira sa cafeteria. And hindi na ulit yun naulit. Not that gusto kong maulit yun.
Ilang araw na ring umiiwas sa akin si Railey and si Cassy naman, she doesn't talk to me. Kung tatanungin ko naman, ang isasagot ay tipid or 'Okay', 'No', 'Maybe'.
Maloloka na nga ako. Wala talaga akong maisip na dahilan kung bakit. Wait. Baka yung— Hala! Charot lang. Hindi ko pa rin maalala.
===
"Rainne? Kumain ka na?"
"Railey? Anong ginagawa mo?"
"Cassy? Milk?"
"Lens! Look here!"
"Lyka? Myka? Sorry na. Talk to me please"
"Ikaw din, Apny?"
"Shaun! Sandwich?"
"Good morning, everyone!"
Ni isa diyan sa mga sinabi ko, tinanong ko, walang naging magandang sagot kahit kanino. Cassy just nodded. Railey whispered. Apny, Lyka, and Myka don't want to talk to me. Well, si Lyle, wala talagang sagot. Natural na yon. But si Shaun, he is still insisting na kesyo busy siya, kesyo marami siyang ginagawa kahit lagi ko naman siyang nakikita na nakahilata sa kama o kaya sa sofa watching netflix or youtube through the phone that they gave us.
===
Pero nagtataka pa rin ako kung bakit iwas sila sa akin. Wala naman akong ginagawa na masama this past few days. Ah, wait. May biglang pumasok sa isipan ko. Yung hindi ko ginawa pero nagkusang mangyari. Pero parang hindi rin naman ako sure kung totoong nangyari kasi it also feels like it's a dream. Kuha niyo? Ako rin, eh. Di ko masyadong nagets. Sige, ipapaliwanag natin.
Flashback
Ang nangyari kasi is tinakot ko halos lahat ng nasa TA. I don't know how I did that. I must say, medyo magaling akong manakot. Kasi nga eto yung nangyayari ngayon. I may need to face every consequence.
Gabi nun. Tutulog na ako. I mean tulog na ako nung na feel ko na parang humihiwalay yung kalukuwa ko sa katawan ko. Then bigla na lang akong lumutang but i can control myself in mid air. But the thing is, gumalaw din yung katawan kong akala kong mananatiling tulog. She had black eyes. Talagang matatakot ka. Wait ako nga pala yun. Pero sa itsura ko ngayon, tsk! Natatakot na ako sa sarili ko, hay.
Paglabas ko ng dorm namin, bigla na lang nagsway yung kamay ko na parang magmamagic. Katulad nang ginagawa ni Elsa, ganun ang pagkakasway niya. Ano yun? dO yOu WanNa bUilD À sNowMaN¿ Grabe naman. Sa halip na mga oras ang lumabas sa kamay kong pilit paayusin ang kumpas, mga shadow na unti unting nagiging shape ng tao na may parang tenga ng engkanto ang lumalabas. Ang weird nga ng mukha nila. Tapos may sungay pa sila na— ewan ko! Basta!
'Demons? And how many are those? 30?'
'No! Malaking kapahamakan sa school 'to. Kailangan kong bumalik sa ordinary kong katawan and gumising ng tuluyan. Alam kong ako lang ang makakacontrol dun'
Pilit ko mang ibalik ang nakalutang na katawan na ito sa katawang hindi ko alam kung bakit gumagalaw ng wala ako, wala. Hindi ko magawa. Ayaw, eh. Kahit ano mang konsentrasyon, NGANGA.
Nagkakagulo na ang paligid. Madami nang nasa labas dahil naabala ng mga demonyo. What I mean there is sadyang maingay ang mga demonyong ito. Nagising na ang mga uniqles.
Maya-maya may isang tinig na umirit. Ang sakit sa tenga. Parang yung mic na nahulog sa 99 ft tower tapos noong nasa lapag na siya, yung 100 speaker na nasa paligid ay gumawa ng ingay na nakakabingi. Wala sa mga demons ang gumawa ng ingay na iyon. Hindi ko alam mismo kung saan nanggaling yun.
Ang sigurado lang ako ay nung halos sampung demonyo na ang nasa may gate ng TA, na balak pa yata nilang sirain, nagising ako.
Nagising ako na parang binangungot lang. Na parang walang nangyari.
End of flashback
======================================
MOCHAlotss👻

BINABASA MO ANG
Tatts Academy [ON - HOLD]
Teen FictionIsang paaralan na hindi man itinatago, ngunit hindi rin hinahanap. Paaralang di mo aakalaing nasa mundo pala. Susuyudin ang langit at lupa mahanap lamang ang solusyon sa lahat ng problemang dinadanas ng mga studyante. Hamunin man ng digmaan ay lagin...