Lyle's POV
She came back. Like what she told me years ago. But it seems like mahihirapan ako sa sitwasyon na ito.
Flashback
"MAT!! Labas ka na sa pinagtataguan mo. Tawag ka ni mama!" pasigaw kong panloloko sa kanya kasi halos kalahating oras ko na sya hinahanap. Yup natanya ko na po kahit 9 years old lang ako.
Alam nyo po ba ang dahilan kung bakit sya nagtatago? Wag na po baka pagtawan niyo po siya. Ayoko pa naman pong pinagtatawanan siya dahil sa simpleng bagay. Ayaw niya rin naman pong mangyari yon kaya ayaw ko rin po.
Sige na nga po. Ang kulit niyo po, e. Kahit ayaw ko pong sabihin sasabihin ko na po. Wag niyo pong hayaan na malaman ni MAT na sinabi ko to sa inyo. Magagalit yun.
Nagtago po siya kasi ayaw niya pong magpaturok ng anti-rabies. Eh panghuling turok na nga niya po iyon eh. Saka pa umayaw. Sa totoo lang po wala pong kinakatakutan si MAT. Kasi ang alam niya po laging may magtatangol sa kanya. Si ate Annie. Yung nag iisa niya pong kapatid. Ang sweet nga po ng ate niya, eh. Kapag kailangan man o hindi ni MAT ng tulong, tinutulungan pa rin niya.
Maya maya lumabas sa likod ng pinto si MAT. Naman eh. Tiningnan ko na yun.
"Hahhahahahhahahahahhaha ang hi-hahahahhahahah hina p-hahhahahahaha pala ng hahhaha mata mo hahha" at patuloy siyang tumawa. Hanggang sa napaupo na lang siya dahil sa sakit ng tiyan sa sobrang pagtawa.
"Masaya ka na nun?!" napipikon na ako sa babaeng to.
Mabilis siyang tumigil sa pagtawa. Biglang siyang lumungkot. Parang naiiyak na yung hitsura niya.
"Bawal na bang maging m-masaya" naiiyak niyang sabi. Haaay. Iiyak na naman to. Ako na naman ang dahilan.
"Wag kang iiyak. Joke lang yun" nababahala kong sabi. Biglang nawala yung naiiyak niyang feeling. Hindi ko talaga alam kung masaya talaga to or sadyang gusto na niyang umiyak. Kasi parang totoo yung hitsura niya, eh, nung iiyak siya kanina.
"Hahahahahah joke lang din. Hahahahah" at hindi na siya natapos sa katatawa dahil naloko na naman niya ako. Haaaay. Hindi ko siya maintindihan.
End of flashback
Yung tipong ang saya namin noon. Ngayon parang wala na. Hanggang tingin na lang ako. Kasi....nevermind.
Marga's POV
Nagmulat ang mata ko dahil nagising ako sa alarm ko.
Tiningnan ko muna yung oras. 2:00 lang pala. Wait. 2:00!! Ang aga pa. Anong oras ba ako nakatulog kahapon. Wait iisipin ko lang. Wait naisip ko lang nagset pala ako ng alarm ng 2:00. Kaloka.
10:00 ako natulog. Haaaaay. 4 hours lang ako nakatulog. Whatsoever. So ginawa ko muna yung morning routine ko. Bumangon, ofcourse. Nagluto ng para na sa aming apat. Naligo pagkatapos kumain. And nagbihis ng uniform.
Well hindi ko alam ang trip ng school na ito pero nakaleggings lang kami. Pare pareho kaming may 5 black leggings. Tapos civilian pag Saturday. And meron din kaming 5 damit na iba't ibang kulay. Iisang design lang. TATTS na nakatagilid at may black and red roses sa paligid. Yung colors niya ay red, yellow, green, blue and black. Kayo na lang bahala mag imagine.

BINABASA MO ANG
Tatts Academy [ON - HOLD]
Teen FictionIsang paaralan na hindi man itinatago, ngunit hindi rin hinahanap. Paaralang di mo aakalaing nasa mundo pala. Susuyudin ang langit at lupa mahanap lamang ang solusyon sa lahat ng problemang dinadanas ng mga studyante. Hamunin man ng digmaan ay lagin...