Lyka's POV
After yung practice kahapon, walang masyadong nangyari kanina.
Bukas pa naman ipe-present yun, eh.
Pero nung isang araw, pinatawag sina Lyle, kasama sina Railey at Cassandra. Kaya hinatid namin sila papuntang office.
At ang sabi nila Railey pagkapasok nila sa office, pumasok din daw kami.
Like, huh? Bakit kami kasama? Ewan. One way to find out, ang pumasok.
"Maupo kayo," sabi ni Sir Liam.
Naupo kami sa sofa na nasa may magkabilang gilid. Sina Railey, Lyle at Cassandra d'on sa kabila at kami naman nina Shaun, Apny, at Myka-patid.
"May gusto akong sabihin sa inyo tungkol kay Marga, my daughter. At dahil kasama niyo na naman pala sina Shaun, mas mabuti nang marinig din nila 'to," sabi ni Sir Liam habang nakatingin kina Cassandra.
"Kay Marga po? Ano'ng meron?" tanong ni Apny.
Ay, wow, may galang nga pala 'to minsan. Nakalimutan ko kaagad.
"She has amnesia."
Ah. Amnesia-
Ha?! Amnesia?
"Weh?"
"Yes. Totoo. She had an accident 4 years ago. And 'til now, her memories are still blurry," sagot sakin ni Sir Liam. 'Di ko agad narealize na nasabi ko na pala iniisip ko.
'Weh?' nakakahiya yon~
Anyways, let's move on.
"Sinasabi ko 'to sa inyo kasi gusto kong tulungan niyo si Marga na 'wag nang maalala ang nakalimutan niyang memorya. Make her some new memories to remember."
Malamig ang simoy ng hangin sa tabi ng dagat kahit tao may gawa nito. Pagkatapos kami kausapin ni Sir Liam, dito kami tumuloy.
Este, dito kami iginala ni Apny.
At sabi niya din, nandito kami para magpahangin. Mukhang para huminga na din mula sa sinabi ni Sir Liam.
"Guys, do you have at least a hint kung bakit gusto ng Dad ni Marga na matuluyan ang nakalimutang memories niya? I mean, that would only be possible if may biglang lalabas na nagh-hypnosis as an ability," gusto ko kasing pag-usapan yung nangyari kanina kaya ayon.
"Imagine kung may biglang lumabas nga daw na tao diyan ta's sasabihin niya na nagh-hypnosis siya. That would be great-"
"Ako," pinutol ng isang matandang babae ang sinasabi ni Apny.
"Please sabihin niyong hindi siya nagh-hypnosis."
Biglang nawala sa paningin namin 'yung matanda na parang bula.
"Hala ka. Hoy, multo ba 'yon? Sabihin niyo sa'king nakita niyo din yon, pls."
"Grabe naman, takot ka pala sa multo, Apny?"
"Myka naman, eh."
"Baka gutom lang 'yan, kanina pa tayong nandito, eh."
"Nag-aantay din si Marga sa dorm, tara kain muna tayo."
Pagkasabing pagkasabi ni Cassy n'on, tumayo siya at naunang maglakad papuntang cafeteria.
=
Cassandra's POV
Pagbukas ko ng pinto ng dorm, nasa kama ko si Marga, tulog. Medyo napatagal nga kami sa labas, nainip na siguro siya.
May dala akong sandwich for her, in case na gising siya pagpasok ko. Well, sige, sa'kin na lang hehe.
=
Kinabukasan, ang daming sinasabi ni Lyka.
Kanina pang talak ng talak ang bunganga nito. Sarap salpakan ng tinapay para tumahimik.
"Bakit ba kasi bitin yung storya, wala pang pangalan ng author na nakalagay d'on kaya sa inyo na lang ako magrereklamo."
"Kung ayaw niyo naman akong magreklamo hahanap na lang ako ng pagrereklamuhan."
At umalis siya.
Nakikinig naman kami, kaso wala kaming time para mag-comment sa kwento niya. May lumapit samin kanina na student council, may binigay na makapal na libro, tig-iisa kami.
Basahin daw namin tapos may pasasagutan bukas.
Ang nakakabigla kasi, may student council pala dito. May normal pa palang nangyayari dito.
At ayon na nga, di kami maka comment kasi binabasa namin yung libro. 500 pages 'to kaya sinimulan na namin basahin pagkabigay na pagkabigay.
"Sa'n punta n'on?"
"'Wag ka mag-alala, Marga, sa tabi-tabi lang punta n'on. 'Di din naman yon basta-basta mawawala."
"Sure ka diyan, Apny?"
"Mhm, sure 'yang lalaking 'yan, kilala ko kapatid ko. Pagbalik n'on maganda na ulit mood niya."
At within a few minutes, papalapit na ulit sa'min si Lyka, at nakangiti siya.
"Nakita ko crush ko."
"Nakita niya crush niya."Sabay na sabi ng kambal. Wews. Okay, magkakambal nga sila.
"Sino d'on sa mga crush mo ang nakita mo?"
Apny, ilan bang crush 'yan.
"Si Brian, hehe."
"Ah, iyon."
"Bakit? May problema ka ba d'on, Aps?"
"Wala naman. Childhood problem lang naman.."
"Ha?"
"Wala, sabi ko magt-time na, kanina pa tayong nasa cafeteria. Pasok na tayo, tara!"
======================================
MOCHAlotss👻
BINABASA MO ANG
Tatts Academy [ON - HOLD]
Teen FictionIsang paaralan na hindi man itinatago, ngunit hindi rin hinahanap. Paaralang di mo aakalaing nasa mundo pala. Susuyudin ang langit at lupa mahanap lamang ang solusyon sa lahat ng problemang dinadanas ng mga studyante. Hamunin man ng digmaan ay lagin...