Marga's POVLahat ay gulat na gulat sa sinabi ko. Sino nga bang hindi magugulat. Ako din, eh, nagulat.
Ang alam ko kasi apat lang ang napili ko. Tapos nung tinanong na nila ako nung una, binilang ko muna.
At nung ang pagkakabilang ko ay lima, pinauna ko muna si Myka.
Binilang ko siya ng binilang. Five talaga, eh. Lima ang kinalabasan!
Five! Lima! Cingco! Wu! Go! Daseot! Tav! Ngarr! Nam! Pram! Ha! At kung ano ano pang ibang salita sa five!
Basta lima ang kinalabasan niya.
So hindi ko muna sila binigla. Sinabi ko muna yung apat.
"Wait! Wait! Paano yun nangyari?" tanong sa akin ni Lyka. Nakangiti pa nga, eh.
"Hidni ko din alam" kalmado kong sabi kahit sa loob loob ko ay kinakabahan na ako.
You know naman! Emotion changed! Ganerns...
Haha. Charot. Natrain ko na din kasi emotions ko, so.. Yeah. Natural na yung nangyayari ngayon.
"Eh bakit ka nakangiti diyan, Apny?" taas-kilay na tanong ni Lyka.
"Nakangiti ka kasi, eh. Hehe" sagot ni Apny. Of course, nakangiti pa din.
At napasimangot dun si Lyka. Pero nakangiti pa din si Apny. So iba yata ang dahilan ng ngiti ng loko. Whatever. Hayysss
"Ano na? Pano na to? Lima pala ang nakuha ko? Ibabalik ko ba or itago ko na lang?"
"Ilan nga ulit ang aptitude mo?" Tanong ni Myka.
"Tatlo"
"Sigurado ka ba diyan?"
"Of course. Why not- ah!" daing ko bigla.
Biglang sumakit ang ulo ko kasi.
"Aray! A-ah! M-masak-ah!"
"Marga! Anyare na?" Tanong ng isang boses. At parang kay Cassy yun. Nakapikit na ako sa sakit kaya hindi ko na alam kung tama ba na siya talaga yun.
"Y-yung ulo k-ko! Ah!"
"Punta muna tayong dorm! Higa ka muna dun" bulong sa akin ng isa pang boses. Di ko na talaga tukoy kung sino yun.
~~~~~~
Nagising ako ng nasa kama na. And hapon palang.
Alas tres na sabi nung palm-watch ko.
Ibig sabihin two hours na ang nakalipas mula nung pag usapan namin ang nangyari sa weaponry at ang biglaang pagsakit ng ulo ko.
Nung sumasakit ang ulo ko may nakita yata akong numero. Nakalimutan ko na nga lang. Medyo blurry rin kasi siya. Hindi rin kasi ako sigurado kung totoo yun or hallucination ko lang.
Sa tabi nung numero may mga kung ano-anong drawings. Pamilyar ako sa lahat nun. Hindi ko lang alam kung saan ko nga ba yun nakita.
Walang tao sa dorm. Saan kaya nagpunta yung tatlong yun?
Habang iniisip ko kung saan posibleng magpunta ang mga yun, biglang may kumatok sa pinto.

BINABASA MO ANG
Tatts Academy [ON - HOLD]
Teen FictionIsang paaralan na hindi man itinatago, ngunit hindi rin hinahanap. Paaralang di mo aakalaing nasa mundo pala. Susuyudin ang langit at lupa mahanap lamang ang solusyon sa lahat ng problemang dinadanas ng mga studyante. Hamunin man ng digmaan ay lagin...