Naglakad-lakad lang ulet kami ni Alex nung hapon. Nakakita naman kami ng henna tatto booth kaya pumasok kami. Nagpatattoo lang ako sa kamay. Sa may index finger. Si Alex naman nagpatattoo ng chinese characters sa braso. Parang sa flame of Recca.
"Oh ano naman ibig sabihin nyan ha?" turo ko dun sa tattoo nya.
"Secret..."todo smile pa sya sakin.
"Ah ganyanan? hmmm!!" naglakad na ako at iniwan ko sya dun.
"Babe teka sasabihin ko na"
"Tse! Ayoko nang malaman!" hehehe nag-iinarte pa ako.
"PROPERTY OF ALEXA!!!"
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Anong sabi mo?" lumakad naman sya palapit sakin.
"Sabi ko property of Alexa"
"huh? Ano? Ano ang property ko?"
"Edi ako. Yun yung meaning ng tattoo ko."
Awww... ang sweet naman. hihihi... kilig to the bones!!!!
"Eh bakit naman yan ang pinatattoo mo?"
"Kasi para malaman nila na pag-aari mo na ako. Alam mo naman, baka kasi pagkaguluhan ako dito eh." pacute effect pa sya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Tsaka as if naman maintindihan nila yan noh"
Nakasalubong naman namin sila Maggie.
"Oy bakit ngayon ko lang kayo nakita? San ba kayo nagsususuot ha?"
"Wala, nagikot-ikot lang kami ni Ken."
"Musta pare?"
"Ayos lang. Ang ingay kasama nyan" tinuro naman nya si Maggie. "Ayaw patahimikin ang mundo ko"
"Kayo ah... baka magkatuluyan kayo nyan" asar ko sa kanila. Aba't parehong nag-blush.
"NEVER!!" sabay pa sila. Naku...
"Tara sakay nalang tayo dun" tinuro naman ni Alex yung banana boat.
Napatingin naman kami ni Maggie dun at nagulat kami ng bigla itong tumaob at nahulog ang mga sakay.
"Hala nalaglag sila!!" sigaw ni Maggie.
"Ehy ganyan talaga yan eh. Ilalaglag ang sakay." Sabi ni Ken habang tumatawa.
"weh?? Hala ayokong sumakay dyan noh!! NEVAH!!!"
"Scared??? parang yun lang natatakot ka na."
"Scared ka dyan? Ako? matatakot dyan sa saging na yan? Hell no!! Tara na Maggie sasakay tayo dun"
"Oh bakit naman pati ako dinadamay nyo dyan sa patapangan nyo"
"Eto kasing si Alex hinahamon ako eh. Syempre dahil bestfriend kita dapat samahan mo ako."
Naglakad na kami papunta dun sa bayaran. Nahuhuli ako or I should say nagpapahuli ako. Ewan ko ba. Sa medyo malalim na part kasi ilalaglag. What if may shark dun di ba o kaya Piranha? Naku po... bakit ba ako nasama dito? Takbuhan ko kaya sila. Naku sigurado pagtatawanan ako ng bwisit na Alex na to. huhuhu T^T
Kinbitan na kami ng life vest. Kinakabahan talaga ako.
Maya-maya lang pinasakay na kami sa banana boat. Dun kami sa bandang likod. Nasa likod ko si Alex at nakayakap sya sakin. SWEEET!!!!
"Wag kang matakot, andito lang ako" bulong nya sakin. Ang sweet pa ng tone nya. Nawawala tuloy ako sa sarili ko bigla-bigla nalang akong napapangiti. Di ko namalayan umaandar na pala kami. Medyo bumibilis na yung andar at para kaming tumatalon sa mga alon. Di naman pala ganon kasama, actually masarap nga sya eh.
"Woohoo!!!"
*Splash!!*
Tumaob na kami. Pssh... nakainom pa ako ng tubig dagat. Ewww...
Teka... bakit di ko nakikita si Alex? Bakit mag-isa lang ako dito? Tumingin ako sa paligid. Puro tubig lang ang nakita ko. Naiiyak na ako.
"Alex..." sinubukan kong sumigaw pero di ko nagawa kasi naiiyak na ako.
huhuhuhuhu nsan na kayo T^T
Maya-maya lang gumalaw na yung banana boat at nakita ko silang lahat na nasa kabilang side pala.
"Oh babe bakit ka umiiyak?" lumangoy sya palapit sakin.
"Eh kasi... (Sniffs) akala ko... (Sniffs) iniwan nyo... (Sniffs) na kong... (Sniffs) mag-isa dito..." huhuhuhuhu T^T
(Hanggang dito na po muna ang mauupload ko kasi uwi pp0 ako sa province namin sa Midoro, hope you continue reading)