A 17 Year Old Bride (13)

1.1K 15 15
                                    

Bumalik na ako sa bahay namin ng dad ko.  Syempre kailangan kong sumunod sa kanya. Ngayon papasok na ulet ako sa school. Mahaba-haba din ang absent ko. 

Pagpasok ko ay nakita ko aga si Maggie. Nakita rin naman nya ako kaya nilapitan nya ko.

"Hoy bakit ngayon ka lang pumasok? Hinahanap ka sakin ni Alex ah. Wala ka na din sa apartment? Bumalik ka na ba sa inyo?"

"Whoa!! Isa-isa lang po. Ngayon lang ako pumasok kasi nasa ospital ang daddy ko. Bumalik na ako sa bahay namin at pumayag na akong magpakasal."

Nagulat sya at napanganga pa.

"Ha?? Bakit naman?"

"Eh kasi yung daddy ko may sakit sa puso. Bawal sya maistress kaya no choice ako kundi sumunod sa gusto nya."

"Teka sino ba yang mapapangasawa mo?"

Kinwento ko sa kanya ang lahat-lahat ng tungkol samin ni Rye maliban lang dun sa my feelings ako para sa kanya DATI. At isa lang ang nakita kong expression sa mukha nya. Para syang kinikilig na ewan.

"Syanga pala ikaw ang bridesmaid ko ha"

"Talaga??? Sure!!" todo ngiti pa sya.

"Isa pa pala, dapat ang lahat ng tungkol sa marriage thingy ay manatiling lihim dito sa school okay?"

"Okay!" 

Pumunta na kami sa klase namin. Laking gulat ko nalang ng...

O.O

classmate ko pala si Rye??? what the... Nandun sya sa likod ng upuan ko. Nagkatinginan kami pero agad din syang umiwas ng tingin.

Pumunta na ako sa upuan ko. Naupo ako at nakinig nalang ng music sa mp3 ko. Mya-maya ay pumasok na si Alex.

Patakbo pa syang lumapit sakin.

"bakit ngayon ka lang pumasok babe?"

"Ah... eh... naospital kasi yung daddy ko eh."

Bigla naman nya akong niyakap. Nagulat nalang ako ng may lumagabog sa likod ko. Pagtingin ko si Rye pala yun... Waaah... hinagis nya yung upuan nya at ang sama ng tingin samin ni Alex. Nagkatinginan kami nakakatakot yung tingin nya. Tapos bigla nalang syang nagwalk out.

A 17 Year Old BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon