"Maybe you should grant your dad's wish to make him feel better and less stressed." sabi ni uncle John.
"Pero..." napatingin ako kay Rye.
"Kung si Rye ang iniisip mo..." tumingin si tita Annie kay Rye. "Walang problema sa kanya."
Yumuko lang si Rye.
"Hija isipin mo nalang kung gaano mo mapapasaya ang daddy mo pag ginawa mo to."
"Pag-iisipan ko po yan tita. Pwede ko po ba makausap muna si Rye?"
Tumingin naman sakin si Rye. Halatang nagulat sya. Pero tumango sya sakin.
"Sige Alex kami na muna ang bahala sa daddy mo. Mag-usap na muna kayo."
"Salamat po."
Lumabas kami ni Rye. Nauuna syang maglakad sumusunod lang ako. Phew... kinakabahan ako baka kasi sungitan na naman ako nito. Ano ba naman tong taong to ang gwapo kahit nakatalikod. Parang model.
*BLAG!!!!*
"Ouch!!" ang sakit ng ilong ko. Bumangga ako sa likod ni Rye.
"Ano bang pinaggagagawa mo!"
Uh oh... lumalabas na naman ang dragon.
"Sorry... ikaw naman kasi bigla-bigla ka nalang humihinto."
"Eh nandito na tayo."
(A/n: sowee hanggang dito muna ang matatype ko. promise bukas mahaba itatype ko. hehehe)