A 17 Year Old Bride (11)

833 11 2
                                    

"Totoo bang payag ka na?"

"Opo payag na akong magpakasal kaya magpagaling ka na po."

"Salamat at nainitindihan mo rin ako."

"we'll held the wedding next week." sabi ni tito John.

"What?!!" sabay naming sigaw ni Rye.

"Naayos na naman namin ang lahat eh. Yung pagpayag nyo nalang ang hinihintay namin. Mas maganda kung mas maaga baka kasi magbago pa ang mga isip nyo."

Nagkatinginan nalang kami ni Rye. Parang ngayon palang eh gusto ko ng pagsisihan ang pagpayag ko. Napasubo ata ako dito ah. Naku naman.

"For the mean time ay magdate muna kayong dalawa para magka-igihan kayo ng loob." sabi ni tita Annie.

"Oo nga naman Rye. Ilabas mo si Alex mamaya." sang-ayon ni tito John.

Sinamaan ng tingin ni Rye ang dad nya.

"Naku hindi na po, okay naman po kami ni Rye eh." tapos inakbayan ko si Rye. Mukhang nagulat sya pero nakisakay na rin.

"Oo nga okay naman kami nito ni Alex eh" tapos inakbayan nya rin ako. Kaso...

"Aray!" ang higpit ng akbay nya sakin. Siniko ko nga. Akala nya ha.

"Ano ba?!!" ooops... nagngingitngit na naman to sa galit.

"Peace hehehe..."

Ang sama ng tingin nya sakin.

"Hoy babae sumama ka nga sakin! Excuse lang po Tito ha." kinaladkad naman nya ako palabas.

"Te.. teka... san ba tayo pupunta?" 

"edi magdedate"

"What?"

"Ayoko nga!" tapos hinila ko yung kamay ko.

"Biro lang. Kakain lang tayo dahil sabi ni mommy kanina baka di ka pa daw kumakaen kaya isama daw kita."

"Ah ganon ba? Oo nga eh di pa ako kumakaen. Libre mo ba ako?"

"Hindi"

Nagpout ako. Wala kaya akong pera noh.

"Sige ikaw nalang."

"Hay naku tara na nga." kinaladkad na naman ako. Sumusobra na toh ah.

A 17 Year Old BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon