Chapter 13
Bago kami umuwi ng Manila ay namili muna kami ng souvenirs. Pumunta kami ni Alex sa mga stalls.
"Tara dun tayo." sabay turo ko dun sa tindahan ng mga keychains.
Pumunta naman kami dun. May mga maaarteng babaeng bumibili din at napatingin sila sa amin, este kay Alex lang pala, AHUMPF!!
"Hi cutie." bati nung isa. At nagpacute pa. What a flirt. Pero in fairness may itsura sya, masama nga lang. hehehe, joke lang. Kamukha nya yung leader ng Pussycat Dolls. Tanned sexy body, long black hair at ang lagkit ng tingin nya sa boyfie ko... grrr... BACK OFF!!!!!
"Hi." at talagang nakipagshake hands pa tong si Alex. Nag-iinit ang dugo ko. Grrr...
"Wanna have fun?" Aba't ang landi talaga ng bruhang to. May pabeautiful eyes beautiful eyes pa. Pigilan nyo ko kakalbuhin ko to!!
Nagngingitian silang dalawa. Hello!!! Girlfirend here!!!
"Uhm... thanks nalang. I'm already having fun with my girlfriend" tapos inakbayan nya ko. Ako naman eh ngumiti ng plastic.
"Humanda ka sakin mamaya" bulong ko habang nakangiti ng plastic.
"Ano yun babe??"
"Wala babe"
"Oh sige pogi una na kami. Syang ka naman"
"Sige bye" kumaway pa to. Siniko ko nga.
"Aray ko babe."
"Malandi ka!"
"Ano?? ano bang problema mo?"
"May paproperty property of Alexa ka pa dyan. Hmp! Tabi nga!!" tinulak ko naman sya.
"Ayeee..." tinusok-tusok nya yung tagiliran ko. "Nahseselos ka noh?"
"Ano ba nakikiliti ako. Tsaka anong nagseselos ka dyan? Hindi rin!"
"Kunwari ka pa eh..." todo ngiti naman sya.
