Nasa garden na pala kami. Kung ano-ano kasi pinag-iisip ko nawawala yuloy ako sa sarili. Umupo si Rye sa isa sa mga bench dun habang ako nakatayo lang.
"So... sorry naman."
"Oh bakit mo ako gustong makausap." iritado nyang tanong.
"Ah... eh..." huminga ako ng malalim. "Ayos lang ba talaga sayo na pakasalan ako?"
"May choice pa ba ako e binablack mail ako ng magulang ko."
"Ha?? Ano namang binablack mail nila sayo?"
"Ipapadala daw nila ako sa military school."
"Hala grabe naman yun."
Di na sya nagsalita. Umupo ako sa tabi nya.
"Rye?"
"Bakit?"
"Pwede ka makausap?" nakayuko lang ako. Hindi ko alam pero nahihiya at kinkabahan ako.
"Magkausap na nga tayo eh."
"Pilosopo!" napalingon ako sa kanya. Nakatingin lang sya sakin. Napayuko nalang ulet ako.
"Oh ano ba yung sasabihin mo ha?"
Di agad ako nakapagsalita. Mga 3 mins ang lumipas bago ako nagsimulang magsalita.
"Kamusta ka na?" tiningnan ko ulet sya. This time sya naman ang napayuko.
Di rin sya agad nakapagsalita. Bigla nag-iba ang aura nya. Alam ko galit sya. Kung bakit... hindi ko alam. Kasi bigla nalang syang hindi nagparamdam sakin nung nasa US ako.
"Okay naman. Simula nung umalis ka nawalan na ako ng kaibigan... pero di nagtagal nakaron din naman... si Louie."
Si louie... childhood bestfriend ko sya.
"So tinupad nya pala ang promise nya sakin..." bulong ko sa sarili ko.
Nung araw bago ako umalis nakausap ko si Louie.
*Flashback*
Umiiyak kami pareho ngayon. Di ko nga iniexpect na dadating ngayon ang bestfriend ko kasi di kami okay this past few days. Di ko nga alam pero parang iniiwasan nya ako. Pero masya na ako ngayon at nandito sya.
"Aalis ka na ba talaga? tanong nya sakin.
"Oo, kailangan eh. Louie mangako ka sakin."
"Mangako? ng ano?"
"Na wag mong papabayaan si Rye ha"
"Oo Alex, pangako."
"Salamat" at niyakap ko sya.
"Alex..."
"Bakit?"
"Sorry..."
Pagkasabi nya non bigla nalang syang umalis.
*End of Flashback*
"Hoy!" nag-snap naman sa harapan ko si Rye.
"Ha..huh?"
"Bakit natulala ka dyan?"
"So.. sorry... may naalala lang ako. So kamusta naman si Louie ngayon?"
"Okay naman sya. Actually kami na."
What????!!!! gosh... kaya pala bigla nalang nawala ang lahat.
"So... pano sya pag kinasala na tayo?"
"Alam nya naman ang lahat eh at pinipilit nyang intindihin."
"Ganito nalang. Pag gumaling na daddy ko pwede na tayong maghiwalay."
Di na sya sumagot. Di na rin ako nagsalita pa. Kahit di naman talaga ako dapat masaktan ay nararamdaman ko ang sakit sa puso ko. Bakit ganon? nangako sya sakin na maghihintay sya, na hihintayin nya ako. Pero pag balik ko... wala na pala akong babalikan. Kaya pala walang sumasagot sa mga sulat, e-mails, text, at tawag ko... Mukha lang pala akong tangang umaasa sa matagal ng wala. At ang pinaka masakit bakit yung bestfriend ko pa na pinagkatiwalaan ko.
"Umiiyak ka ba?"
Di ko na napansin na tumulo na pala yung mga luha ko. Tumakbo nalang ako palayo sa kanya. Di ko na kasi kayang magsalita eh. Ang sama-sama ng loob ko. Tumakbo ako ng tumakbo. Di ko alam kung san ako pupunta.
*Ring ring*
Cellphone ko yun ah. Si tita Annie tumatawag...
"Hello?"
"Alex pumunta ka dito sa room ng daddy mo dali.."
"Po? ano pong nangyari sa daddy ko??"
"Gising na sya"
"TAlaga po? Thank God. Sige po punta na ako dyan."
Tumakbo agad ako papunta sa room ng daddy ko.
"Dad?" niyakap ko agad sya.
