Wedding day.
Ilang araw na din ang lumipas. Di ko masabi kay Alex ang lahat. Ayokong saktan sya. Kahit naman makulit yun eh special sakin yun. Alam mo yung pakiramdam na parang sya yung soulmate mo. Siguro nga sya ang soulmate ko pero iba pa din ang destiny ko. Lord bakit ba kasi napakakumplikado ng lahat.
Haay... eto na ikakasal na ako. Nung una parang okay lang kasi medyo okay na kami ni Rye pero ngayon hindi na eh. Galit sya sakin pero di ko naman alam kung bakit. Di nya nga ako pinapansin eh.
*Knock knock*
Ayoko sanang papasukin kung sino man yung kumakatok pero wala na akong choice dahil pumasok na sya. Si daddy pala. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o ano kasi daddy ko pa rin sya at sya nalang ang meron ako. Siguro nga dapat ko nalang tanggapin ang lahat.
"Gising ka na pala. Andyan na yung mag-aayus sayo." naupo siya sa tabi ko.
"Anak salamat dahil pinagbigyan mo ang hiling ko sayo. Alam ko namang may nararamdaman na rin kayo ni Rye para sa isa't isa kaya alam kong magiging masaya kayong dalawa." niyakap niya ako.
Siguro dati oo pero ngayon, hindi ko na alam. Hindi ko naman itatangging may nararamdaman pa nga ako sa kanya pero sya, galit sya sakin. Magiging masaya nga kaya kami kung hindi naman kami magkasundo?
Hindi ko na sinagot si daddy. Niyakap ko nalang din sya. Sa totoo lang naiiyak na ako kasi wala akong choice kundi sumunod sa kanya. Pero mahal ko sya at ayokong may mangyaring masama sa kanya kaya ako nalang yung magsasakripisyo.
Lumabas na si daddy at pumasok naman yung mga mag-aayos sakin. Kung ano-ano yung nilalagay nila sa mukha ko. Antagal nga nila akong inayusan eh.
Yung color motif namin ay glittery silver and blue. Ang galing nga nung wedding planner eh. Parang prince and princess kaming ikakasal. Pati yung mga flowers blue and white. Pati gown ko nakabase din sa color motif. Siguro kung di lang kumplikado ang lahat masasabi kong dream wedding talaga to.
Yung buhok ko half nya nakataas tapos yung half nakalugay tapos nakakulot. May cute na tiara pa ako. Silver sya tapos may mga gemstones na aquamarine. Everything was perfect except for one thing, and that's US.
"Miss Alex nandyan na po yung sundo nyo. Tara na sa baba at baka malate ka pa sa kasal mo." sabi ni yaya Sabel.
Napangiti naman ako sa kanya kasi sa tinagal-tagal na naging yaya ko sya ay ngayon ko lang sya nakitang nakaayos.
"Naks. Ang ganda naman ni yaya." sinundot-sundot ko opa yung tagiliran nya.
"Naku ikaw na bata ka. Ikaw nga yung napakaganda dyan eh. Halos di kita nakilala."
"Yaya naman. Ibig sabihin dati pangit ako?"
"Syempre maganda ka. Mas maganda ka lang ngayon."
Ganyan lang kami ni Yaya Sabel. Walang ginawa kundi magbolahan. Ganyan sya pag alam nyang malungkot ako. Sya yung nagchi-cheer up sakin. Kahit papano naging magaan na yung pakiramdam ko.
Pumunta na kami sa simbahan. Malapit lang naman sya. Mga 15 minute drive lng sya. Grabe kinakabahan talaga ako. Pano kung wala dun si Rye o kaya matipalok ako habang naglalakad o kaya naman may makakita sakin na taga school. Sana naman maging maayos ang lahat.
Nakarating na kami dito sa simbahan. This is it. Just smile Theia. Magiging okay din ang lahat. Kaya mo yan. Hindi kasi dapat malaman ng mga tao na napipilitan lang kami eh so we have to act like we're a real couple and we're happy.
Nagsimula ng tumugtog yung bridal march at lumakad na yung mga abay ko na hindi naman lahat ay kilala ko. Ang kilala ko lng dun ay si Maggie na bridesmaid ko at yung ring bearer na younger brother ni Rye, si Ranny. Ang cute nga nya sobra eh. Smaller version ni Rye, 5 years old palang kasi.
Tumayo na ako nun sa pinaklikod nila. Hindi daw ako mahahatid ni daddy sa altar kasi biglang sumama yung pakiramdam nya. Lalo tuloy akong kinabahan. I guess I will be walking alone. Tumugtog na yung cue ko sa pagpasok.
Nagsimula na akong maglakad...
______________________
Rye's POV
Natulala ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ako biglang kinabahan ngayon. Di ko rin maintindihan tong nararamdaman ko. Pero sumakto yung kanta sa nararamdaman ko para sa kanya.
'It's her hair and her eyes today
that just simply take me away
and the feeling that I'm falling further in love
makes me shiver but in a good way
All the times I have sat and stared
as she thoughtfully thumbs through her hair
as she purses her lips, bats her eyes and she plays,
with me sitting there slack-jawed and nothing to say
'cause I love her with all that i am
and my voice shakes along with my hands
cause shes all that I see and shes all that I need
and I'm out of my league once again
Nasa tapat ko na sya nun. Inabot ko yung braso ko sakanya at humawak naman sya dito. Napangiti nalang ako dahil nanginginig yung kamay nya. Kabado rin pala. Naglakad na kami papalapit sa altar. Lalong lumalakas yung kaba ko.
It's a masterful melody when she calls out my name to me
as the world spins around her she laughs,
rolls her eyes and I feel like I'm falling
but it's no surprise
'cause I love her with all that I am
and my voice shakes along with my hands
'cause it's frightening to be swimming in this strange sea
but I'd rather be here than on land
yes she's all that I see and she's all that I need
and I'm out of my league once again.
Its her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that im falling further in love makes me shiver, but in a good way
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
As he purses her lips, bats her eyes And she plays with me sitting there slack-jawed and nothing to say
'cause I love her with all that I am
and my voice shakes along with my hands
'cause it's frightening to be swimming in this strange sea
but I'd rather be here than on land
yes shes all that I see and shes all that I need
and im out of my league once again
Nasimula na yung misa. Kung ano-anong seremonyas ang ginawa ng pari. At dumating na yung part na lalong nagpakabog sa dibdib ko.
"You may now kiss the bride." sabi ni father.
Humarap naman kami sa isa't isa ni Alexa. Tinaas ko yung veil nya. Nakayuko lang sya at napansin kong namumula sya. Ang cute nia talaga pag nagbablush.
Hinawakan ko sya sa baba para tumaas yung ulo nya. Then...
I kiss her gently.